Tibok Na Malakas; Kwentong Nagwawakas

30.1K 375 57
                                    

NICKY : Shayne Rosas, would you be my love?

SHAYNE : Nicky, bat ba kasi ako yung gusto mo? Eh diba nga jejemon ako. Andaming magaganda at chicks na nakapaligid sa yo oh. Bat di sila ang piliin mo?

NICKY : Shayne, nakakasawa na. Lahat sila normal. Gusto kita dahil ika'y especial. Ika'y namumukod tangi sa kanilang lahat. Oo, di ka masyadong matalino, pero wala yung saysay dahil mahal kita. Mahal kita jejemon. Mahal kita Shayne. At kaya ko iyong ipagsiwagan kahit sa buong campus.

SHAYNE : Nicky...

NICKY : Shayne, be my girl.

SHAYNE : Kung lahat ng mga sinabi mo ay totoo, kung ikaw ay serioso sa iyong pagmamahal, at kung kaya mo talaga akong tanggapin kung ano ako... Nicky Blue, sinasagot na kita.

Tumayo si Nicky at niyakap ng mahigpit na mahigpit si Shayne.

SHAYNE : Ano, kaya mong isigaw?

NICKY : Hindi pa kasi may kulang.

SHAYNE : Ano?

NICKY : Itong jacket mo na hinagis ko noon. Suotin mo nga.

SHAYNE : Oo na, eto na. Sigaw mo na!

NICKY : My Girl is a Jejemon!

Nagtapos ang kanilang date sa tawanan at kulitan. Pumayag ang pamilya ni Shayne na magkanobyo siya, basta't mag-aaral itong mabuti.
. . . . .

Kung tutuosin, importante parin sa tao ang panlabas na anyo. Kahit sabihin man nating mas importante ang kalooban, pero sa totoo lang eh may paki-alam pa din tao sa panlabas na anyo.

Huwag naman sana nating husgahan lahat ng tao dahil lang sa naiiba sila. Huwag naman sana tayong matakot makipagkaibigan sa kanila. Tao padin sila gaya natin. Jejemon nga lang. Pero so what? Pinili nila ang buhay na ganyan.

Isaisip nalang natin na kahit mali ang kanilang pagtetext, kaya din nilang magmahal ng totoo. Ang importante ay wala sila at wala tayong tinatapakan na tao.

Sana natutunan niyo na walang magandang magagawa ang diskriminasyon.

END OF PART 1

...to be continued...

My Girl is a JejemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon