Barkada : Dahilan Ng Lahat

29.5K 331 13
                                    

Nicky's Point of View

Totoo naman diba? Ang pag-iibigang ito ay dahilan ng barkada. Kung di dahil sa kanila, di sana titibok ang puso ko kay Shayne. Kaya andito ako, kasama sila, pati narin si Justine.

Sila kasi nagsimula nito eh, kaya kailangan ko ang kanilang tulong para wakasan ito.

Nagplano kaming iset up si Shayne sa isang lugar na kami lang. Gusto ko doon sa may mga berdeng tanawin habang bughaw na bughaw ang himpapawid.

Sinuportahan naman nila ako. Game na game sila.

At kung di ko daw siya mapasagot. Papaluin daw nila ako sa pwet. Harsh nila noh?

Kahit ganito barkada ko, mahal ko sila, promise.

Iba kasi magmahal ang barkada kaysa sa mga kamag-anak mo.

Sila yung mga taong nagsasabi na sana malasin ka sa buhay mo pero sa kalooblooban nila ay gusto nilang maging masaya ang iyong buhay.

Silang yung mga taong pwede mong kausapin kahit anong topic.

Sila yung komukompleto sa buhay ko.

Sila yung mga taong pinakatitiwalaan ko.

Kaya sa puntong ito sa buhay ko, kahit nililigawan ko palang si Shayne, ay punong puno na ang tiwala ko na magagawa nila ang kanilang parte sa set up na ito.

Kaya... Eto na.

TEXT

• Justine at Shayne

JUSTINE : Best, bilisan mo, naghihintay na ako dito sa mall. Matagal ka pa ba?

SHAYNE : Papunta na ako best, hintay ka lang. Nagpapaganda pa ako, diba sabi mo isipin ko na parang kasal ko na itong arawng ito?

JUSTINE : Oo pero wag kang mag gown ha!

SHAYNE : Hindi naman. Ano ka ba!

• Justine at Mark

JUSTINE : Friend, ano, all set naba yung kainan nila?

MARK : Roger that friendship, eto, pink at napakaganda nang candle effects.

JUSTINE : Magaling. Tanungin mo kung ready na ba yung van ha.

MARK : Okay friendship, mwa.

• Mark at Kian

MARK : Kian, ano ready kana? Naka bihis kana?

KIAN : Oo naman.

MARK : Sigurado kang di ka niya makikilala sa suot mo ha?

KIAN : Di ito. Teka lang kakamustahin ko si Brian.

Kian at Brian

KIAN : Ready naba si Nicky? Yung dadalhin niya? Yung sasabihin niya? Ano, ready na?

BRIAN : Oo nakahanda na. Poging pogi na siya. Alam na din niya kung ano yung kanyang sasabihin.

KIAN : Magaling, ready-set-go na tayo.

At ayun nga, handa na ang lahat.

Dumating na si Shayne sa labas ng Mall at nakita si Justine. Nagdahilan si Justine na may emergency daw, naaksidente daw ang kanyang kapatid at kailangan niya puntahan kaagad.

Sumama naman si Shayne sa van na si Kian ang nagmamaneho ngunit di niya ito batid.

Pagdating sa destinasyon, nagtaka si Shayne kung bakit parang ang tahimik.

Lumabas silang dalawa at binigyan ni Justine si Shayne ng isang love letter.

Binasa ito ni Shayne at tahimik na umalis sina Justine at Kian..

"Samahan mo naman ako sa lugar kung saan tayong dalawa lang ang naririto. Maglakad ka ng konti, at may makikita kang mga pagkain, isigaw mo lang ang pangngalan ko at ako'y lalabas. -Nicky"

Naglakad nga si Shayne at doon may nakita siyang mga pagkain at madaming kandilang nakasindi na parang romantic dinner.

"Nicky Blue!" Sigaw ni Shayne, at nagpakita nga si Nicky.

SHAYNE : Bat mo ako dinala sa lugar na ito ?

NICKY : Shayne, I wanna date you in a place where the fields are green and the skies are blue.

SHAYNE : Diba kanta yan?

NICKY : Oo Shayne *lumuhod* ngunit di kompleto ang kantang iyon kapag wala ang title. Shayne Rosas, would be my... My love?

. . . . .

Ano sa tingin niyo ang magiging sagot ni Shayne? Abangan sa last part.

My Girl is a JejemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon