Ang Reyna, Ang Hari At Ang Utosan

6.4K 89 5
                                    

Sa loob ng isang kwarto sa ospital, may isang babaeng natutulog sa kama na walang nakabantay.

Nawala ang tahimik ng may isang lalaking naka-jacket na maitim na biglang pumasok sa kwarto, at tila ba nag-aalala.

SHAYNE
Nagising ako. Buhay pa pala ako!? Teka, asan ba ako? "Nicky?" wala namang sumagot pero pansin kong may lalaking papalapit sakin. "Hoy sino ka!" sigaw ko. "Bhe ano kaba, ako toh, si Howie." sagot niya. "Ay ikaw lang pala. Bat ako nandito? Asan si Nicky?" tanong ko. "Naalala mo ba yung mga nangyari kagabi?" tanong niya sakin.

Nangyari ka gabi? Sa naalala ko, ililigtas sana namin si Mark, tas nahuli kami, tas nagkasunog... Teka!

"Oo naalala ko yung katangahan na ginawa mo! Kumatok ka sa pinto nila!" sigaw ko sa kanya. "Anong katangahan? Dahil nga sakin nakaligtas kayo eh." dahilan niya. Hindi ako makasigaw ng grabe, nahihilo parin ako. "Ano ba nangyari sakin?" tanong ko ulit. "Noong nagkasunog, bigla kang nahimatay, ewan, talk to the doctor if you want." sagot niya. "Anak ng... Wag ka ngang mag-english english, hindi bagay sayo. Asan si Nicky?" tanong ko na naman. "Si Nicky? Yung pinagpalit mo sakin? Patay na." sagot niya.

"WHAT!? PATAY NA SI NICKY? Ano nangyari? Pinatay mo ba?" tanong ko. "Joke lang, ikaw naman, kumain lang yung tao. Napagdesisyonan kasi namin na palit palit kaming babantay sayo." sagot niya. SUS MARYOSEP! Kung may sapat na lakas lang talaga ako, sasakalin ko tong taong toh.

"Tawagin mo nga si Nicky, papuntahin mo siya rito. Gusto ko ng matinong kausap." utos ko kay Howie. "Sige MA'AM. Nga pala, yung Nanay mo umuwi muna at kumaha ng mga gamit mo. Dito na yata kayo titira." sabi niya sabay alis. ANAK NG ANO TALAGA TONG SI HOWIE. -.-

NICKY
Nasa canteen ako ngayon, kumakain, gutom na gutom, hindi rin kasi ako nasarapan sa shrimps kagabi. Kaya eto ako, higop higop ng sabaw.

"Hoy number two, tawag ka ng jowa natin." sabi sakin ni Howie. Nakakainis number two raw kasi siya yung unang jowa. "Huwag mo nga sabihing jowa natin, jowa ko siya, akin lang!" inis ko sa kanya. "Ano, pupuntahan mo siya o hindi?" tanong ng jejemon. "Teka, nagkamalay na ba siya!?" tanong ko habang nabubuhayan ang loob. "Hindi, naging Charles Xavier siya at sinabi sa utak ko na tawagin daw kita. Siyempre! Slow mo, ewan ko ba bakit siya nainlove sayo, eh di hamak na isang ligo lang, kasing gwapo mo na ako."

Nabuhayan ako sa binalita ni jejemon, kaya agad akong tumakbo papunta sa taas, ayoko ng maghintay ng elevator.

Pagbukas ko ng pinto, nakita ko ang babaeng nagpapatibok ng puso ko, parang nagmomoment... Nagyoyoga!?

"Loves, kamusta kana?" bati ko sa kanya tas niyakap ko siyang mahigpit na mahigpit.
"Nicky di ako makahinga, masyado yatang mahigpit yakap ko." reklamo niya. "Nga pala, paki kuwento mo naman kung ano nangyari sakin kagabi oh, please." paki-usap niya sakin.

Kaya, ikinuwento ko kung paano siya nahimatay at dinala sa ospital... dagdag ko: "Sabi ng doctor, nahilo ka raw sa amoy ng usok at tsaka kerosene, kaya nahimatay ka, mabuti na lang at may ambulansyang agad nagpunta sa junk shop."

"Kerosene? So, sa kerosene nagmula ang sunog? Teka ano nangyari sa junk shop?" tanong niya. "Alam mo Loves, itanong mo nalang sa number one mo." sagot ko sa kanya na may kasamang sama ng loob dahil sa di niya pagsabing may mahal pala siyang iba.

Timing naman, pumasok ang jejemon sa kwarto... si Howie ibig ko sabihin ha, hindi si Shayne.

HOWIE
"Bat parang ang sama ng tingin niyo sakin, para namang meron akong nagawang masama." sabi ko sa kanila. "Hoy, bat mo sinunog yung junkshop!? Alam mo minsan..." sabi ni Bhe sakin. "Teka nga lang... Let me explain:

Noon kasing nakita kong pinapasok kayo ng mga lalaki sa junk shop, agad kong naisip na nasali kayo sa hostage. Hihingi sana ko ng tulong, kaso baka maging huli na ang lahat. Nag-isip ako ng nag-isip hanggang sa may nakita akong dram ng likido. Noong una, inakala kong tubig, pero noong tinikman ko, gas pala. Sa amoy, masasabi kong kerosene yun. Kaya ito pumasok sa utak ko: Para makalabas kayo, dapat makalabas din ang mga bantay... at para lumabas ang mga tao sa loob ng isang bahay, dapat may trahedya. Kaya kung may isang insidenteng nakakapalabas ng mga tao sa loob, yun ay... Sunog.

Kaya ayon, dahan dahan kong binuhos sa mga plastic, pintuan at ibang bagay sa labas na para bang nagdidilig ng mga halaman. At timing naman, may dala akong lighter, kaya ayon... Boom sunog!"

Pagkatapos kong mageksplika sa kanila, hindi na sila nakapagsalita, parang nagalit yata sa ginawa ko.

Pero umimik ulit si Bhe at nagtanong... "Nakaligtas ba si Mark?"

My Girl is a JejemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon