Nicky Blue

4.5K 77 11
                                    

"Walang magandang maidudulot ang kayabangan
Kaya tumigil ka na at magbago para sa kinabukasan."
- Nicky Blue

-------------------------------

"Naniniwala ka ba sa forever?" tanong ko kay Shayne habang naghahawak kamay kaming naglalakad dito sa beach, nagsta-star gazing. "Ako? Hindi." sagot niya. "Bat naman?" tanong ko. "Kailangan pa bang maniwala dun? Nicky, can you promise me something?" tanong niya, wow English na. "Ano yun Shayne?" tanong ko. "Will you promise me na kahit anong mangyari, hinding hindi mo ako hihiwalayan?" tanong niya.

Huminto kami sa paglalakad.

"Oo naman." sagot ko. "Ano kasi, kahit nagkabati na kahapon yung mga magulang ko, ayaw kong matulad sa kanila na kailangang daanin sa hiwalayan kung may away na mahirap resolbahin." sabi niya. "Sure, huwag ka ngang malungkot diyan, sige ka, baka pumangit ka." biro ko. "Excuse me, whatever happens my beauty will never fade." sabi niya. "Alam mo Nicky, masaya akong nagbago yung ugali mo noong naging tayo." dagdag niya. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. "Kasi noong una tayong nagkita, grabe ang hangin mo, laki ng ulo, yabang tas mapanglait pa." sagot niya. "Asus, ikaw naman talaga ang nagturo sakin na mali yung mga ginawa ko, kaya nga mahal kita... kahit hindi mo kilala si Harry Styles." pabiro kong sabi.

"Ha ha ha, nakakatawa. Pero serioso, Nicky salamat ha." sabi niya. "Para san?" tanong ko. "Sa pagtanggap sakin, pag-alaga, at siyempre sa pagmamahal na binibigay mo."

"Oo naman, kahit ang baduy ng suot mo noon." sabi ko. "Kahit pipitsugi ang shades mo noon." dagdag ko. "Kahit madaldal ka at mahangin din noon." dagdag ko pa. "Kahit jejemon ka mula noon hanggang ngayon." dagdag ko ulit. "Hindi na kaya ako jejemon." sabi niya.

"Oo hindi ka na jejemon sa tingin ng iba, pero sa mata ko, utak ko, at puso ko, ikaw ay isang jejemon." sabi ko. "Pwede mo namang sabihin diyan sa katawan mo na hindi na ako jejemon noh." sabi niya. "Yoko nga." sabi ko. Parang nalungkot siya, kaya sinabi ko na ang punch line...

"Ayoko, dahil proud ako na my girl is a jejemon."

Kinilig siya, ngumiti, at lumapit sakin.

Biglang tumigil ang oras. Hindi ko na ramdam ang alon ng tubig, ang kinang ng mga bituin, ang ingay ng mga tao sa paligid. Ang tangi ko lang naramdaman ay ang bilis ng tibok ng puso ko...

Sa unang pagkakataon... Hinalikan niya ako.

My Girl is a JejemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon