Howie Santiago

4.3K 71 3
                                    

"Sa buhay, may mga bagay talaga na ikaw lang ang nakaka-alam,
pero huwag sana itong ikimkim dahil ito'y pwede magdulot ng isang paalam."
- Howie Santiago

-------------------------------

Hindi pwede, may mag-ina siya.
Hindi pwede, sa tingin ko magbabago pa siya.
Hindi pwede, may nagmamahal pa sa kanya.

Nang nakita kong tinutok ni kalbo ang baril sa rinig kong tawag na Kevin, hindi na ako nagdalawang isip.

Pero honestly, nag-isip ako.

Kasayahan, ito ang naramdaman ko noong niligawan ko ang babaeng crush na crush ko. Ito rin ang naramdaman ko noong pwede ko na siyang tawaging "bhe." At ito rin ang naramdaman ko noong sinagot niya na ako sa may puno ng Acacia.

Katangahan, ito ang mga bagay na laging dinidiin at pinagtatawanan sa akin ng aking mga kaibigan. Ito rin ang bagay na nakakapagpasaya sa mga tao sa paligid ko. At minsan, ito rin ang bagay na nakakadala ng malaking pagbabago sa buhay ko.

At kalungkutan, ito ang naramdaman ko noong hindi ako pinili ni Shayne. Ito ang naramdaman ko noong nandito ako sa lungsod na mag-isa. At ito rin ang naramdaman ko noong nalaman kong hindi pala ako tunay na anak ni Tatay.

Lahat ng ito naranasan ko sa buhay, naging masaya naman ako kahit minsan malungkot. Alam kong madami pang pwedeng mangyari sa buhay ko, pero alam kong mas importante ang buhay ng amang ito kaysa sa akin. Kawawa kasi ang baby kung lalaki siyang wala ang kanyang ama, kaya mas mabuti pa ngang ako nalang ang mamatay. Walang namang nagmamahal sa akin ng lubusan.

Kaya hindi na ako nagdalawang isip na sagipin ang buhay niya.

Tinulak ko siya.

At ayun nga, katapusan ko na.

...

"Howie!!!" rinig kong sigaw ng mga kaibigan ko. Ramdam kong nalulungkot sila sa ginawa ko.

Pero bago ako nakapikit ng aking mga mata, nakita kong may magarbong kotse na dumating galing sa labas ng paaralan at agad na huminto sa likod ng namamaril.

"Mary! Kevin!" rinig kong sabi ni tanda, pero siya ang tinutukan ng baril ni kalbo.

"Ano toh? Bat may nakapasok?" tanong ni kalbo. "Pasensya ka na, malakas kutob ko na may nangyayaring masama sa mga anak ko." sabi ni tanda tas ngiti ng para bang walang baril na nakatutok sa kanya.

Biglang may tumutok ng baril kay kalbo. Isa... Dalawa... Tatlo... Apat... Teka, ang hirap bilangin, ang dami niyang tauhang dala, kaya agad binaba ni kalbo ang baril niya at tinaas ang kanyang mga kamay. Sensyales ng pagsuko.

Teka lang... Sa pagkakaalam ko nabaril ako. Pero asan yung dugo? Bat di pa ako natuluyan?

Tumahimik ng sandali, lahat sila nabuhayan ng loob, maliban sa akin na dali daling sumigaw ng:

"P******** YUNG CELLPHONE KO!!!"

...

Sa pagsigaw ko, kita kong tumingin si tanda kay Kevin, may sinenyas, at agad siyang lumapit samin.

Niyakap siya ni Mary... AHHH Tatay pala niya toh.

TEKA!? YUNG MAYAMAN?

"Okay ka lang ba?" tanong ni tanda sakin. "Hindi! Yung cellphone ko yung natamaan ng bala." sagot ko. "Huwag ka ng mag-alala, salamat naman at hindi ka natamaan." sabi niya. "Paano yung cellphone ko? Wala na akong pambili ng iba, putik naman oh." sabi ko. "Huwag ka ng mag-alala sagot ko yan." sabi niya. "Talaga?" panigurado ko. Yes! Jackpot yung moment ko ng pagpapaawa. "By the way, I'm Ben Santiago." pakilala niya. "Santiago kayo?" gulat ko. "Oo at sa maniwala ka at sa hi-." sabi ni tanda kaso may pumutol.

"HOWIE! TATAY MO SIYAAAAAAAAA!" sigaw ni Shayne. "Best! Hinayaan mo nalang sana na si Mr. Santiago ang magsabi." sabi ng Justine.

"Tatay kita?" tanong ko. "Oo, nak." sabi ni tan... Tatay.

Teka lang, pangit pakinggan, eh ngayong mayaman na ako. DADDY NA!

.....

Hindi ko man pansin, pero nagyakapan narin pala yung babaeng unang tinutukan ng baril tsaka nung guro, tas sumama pa si Kevin. THEY CAN FEEL THE MOMENT NA TALAGA.

"Halina kayo, punta tayo sa office ko, magpapapiyesta ako, para naman mawala yung kaba niyo tas isa isa ipahahatid ko kayo pauwi." sabi ni Daddy ko at nagdadag pa ng:

"Ikaw naman baby boy, may marami pa tayong pag-uusapan."

My Girl is a JejemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon