"Ewan ko ba sayo!" sigaw nang napakalakas na boses ni inay. "Puro ka nalang satsat, eh wala ka ngang maibigay na pera sa pamilya mo" dagdag ni Inay.
Hindi na umimik ang aking ama, at nabigla nalang ako nang nag-impake si ina at hinila ako palabas. "Ina, ano ba ang nangyayari dito? Tila di ko maintindihan?" tanong ko. "Heto, maghihiwalay na kami nang babaero mong ama." sagot niya. "At... At... Saan naman tayo pupunta?" tanong ko ulit. "Sa Cebu City, doon ka na mag-aaral, nakapag-usap na kami ng Tito mo at handa niya tayong patuluyin, sagot niya rin ang pagpapatira satin." Di na ako nakapagsalita at sumunod nalang ako pasakay nang bus.
Nga pala, ako pala si Shayne Rosas, ganda nang pangalan ko diba? Ngunit di naman ito kasing ganda nang itsura ko. Ewan ko ba, walang wala talaga ako pag self-confidence sa mukha ang pinag-uusapan. Labing-limang (15) taong gulang na pala ako. Di ako ganun ka talino ngunit maipagmamalaki kong sabihin na may lakas loob akong magsalita. Gusto ko kasing maging taga - balita paglaki ko.
At nga pala, tungkol dun kanina? Well... Naghiwalay lang naman ang aking mga magulang. Para akong walang paki-alam noh? Eh kasi naman tama si Inay, walang pakinabang ang aking ama sa aming pamilya, puro nalang siya inom at pangangabit na yata ang kaniyang gusto gawin sa buhay niya. Teka lang ha, maputol ko lang ang ating usapan, may nagtext kasin sakin, hmmm sino kaya ito ?
TEXT: Hi bh3, kmuxta kanA? m1sz nA kiTa. (Hi bhe kamusta kana? Miss na kita.)
Hmm... Sino nga ba toh? ... AY! Oo pala, boyfriend ko pala ito, si Howie. Ughh nakalimutan kong magpaalam sa kaniya. Ay bahala na nga siya, tatlong araw ko palang naman siyang boyfriend eh. (At oo, may boyfriend ako!)
******
Dont worry, jeje languages are translated at kalimitan niyo lang sila makikita sa story na ito.
BINABASA MO ANG
My Girl is a Jejemon
HumorPanlalait - ito ang isang bagay na ayaw nating maramdaman, ito ang isang bagay na nakakabago ng isang tao, at aminin natin, ito rin ay isang bagay'ng mahilig nating gawin. Jejemon - sila ang mga taong iba magbihis, nakajacket kahit mainit, nakashade...