Ang Utos Ni Kuya

7.2K 91 8
                                    

"Good morning." bati ni babe sakin. "Hinahanap ka na daw ng kuya mo, magpapatulung daw sana siya sayo sa kanyang trabaho." dagdag niya. "Ayoko na siya tulungan! Nakokonsensya ako sa ginagawa niya." sabi ko. "Pero..." tanong sana ni babe. "Pero ano ha? Papayag ka bang makasakit ng ibang tao para lang magkapera?" tanong ko sa kanya. "Hindi babe, kaso... Wala na tayong panggatas kay baby, paubus na rin diaper niya, tas tayo, ilang lata nalang ng sardinas natitira diyan, at... Wala ka pang trabaho." dahilan ng aking misis.

"Grace, ewan ko ba, gusto ko ng sumuko sa buhay." sabi ko sa kanya. "Eh babe, hindi naman nakakaresolba ng problema ang pagsuko eh." sabi niya tas hinawakan ang aking kamay at sinabing "Balang araw, makakahanap ka rin ng matinong trabaho, baka sa ngayon hindi, pero balang araw. Tas pagnakaipon na tayo, magpapakasal tayo tas magpapa-party, at kung anu-ano pa." "Swerte ko sayo Grace, pa kiss nga!" sabi ko sa kanya. "Wag mo naman sanang kalimutang may sakit si baby." dagdag niya.

Meron kaming isang 1 year old na anak, si baby Lance. Special siya, may sakit siya sa dugo, hemophilia. Ito ay isang klase ng sakit na nakukuha galing sa Nanay. Ayon kay Grace, may ganitong sakit talaga sa kanilang pamilya at kadalasan, sa unang anak na lalaki ito napupunta. Hindi siya puwedeng masugatan, kasi mahihirapan yung katawan niyang galingin ang sugat; aagos at aagos ang dugo.

...

"Nandito ako sa bahay nina Nanay." text ni Kuya. "Bat andiyan kayo?" reply ko. "Mahabang kuwento, bilisan mo na pagpunta dito, may mahalaga akong ipapagawa sayo." reply niya.

Ano kaya toh?

...

Pagdating ko sa bahay nina Nanay, tumambad sa akin ang isang trak, mga taong pamilyar, at isang kalbong lalaking klarong klarong may malaking problema, si kuya.

"Kuya!" bati ko sa kanya kaso di niya ako pinansin. "Boss!" take-two ko. "Mag-usap tayo sa loob, may importante akong ipapagawa sayo. Pag ito magawa mo ng tama, malaki ibabayad ko sayo." utos ni Kuya.

Papasok na sana ako sa bahay ng may napansin akong matandang babaeng napakasaya noong nakita ako. "Nay!" bati ko sa kanya, sabay mano. "Anak, kamusta ka na ba kayo nina Grace at... Yung anak mo?" kamusta ni Nanay. "Okay lang Nay, medyo maayos-ayos na." sabi ko. "Salamat naman sa Panginoon, aba bueno, parang may ipapagawa pa yung kuya mo sayo. Tungkol yata yan sa business niyang gulay." sabi ni Nanay tas umalis.

Gulay? Ha!?

...

Sa loob ng kwarto ni Kuya, pina-upo niya ako. Hindi na siya nagkuwento at di man lang sinagot ang tanong ko. May pinakita lang siyang litrato sa akin.

Teka! Kilala ko ang mga toh! "Kita mo tong mga taong toh? Yan ang dahilan kung bakit nasira ang opisina ko." sabi ni kuya. "Ano gagawin ko sa kanila?" tanong ko. "Madali lang naman... patayin." sagot ni kuya. "Ano kamo?" tanong ko.

Tumayo siya, iniwan ang litrato sakin, hinawakan ang balikat ko at sinabing... "Alam kong kayang kaya mo yan... Kevin."

-------
My Girl Is A Jejemon 3: Ang Mga Lihim

My Girl is a JejemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon