5:00PM
Mark's POV
Shabu!? Ay nakakaloka! "Teka lang kuya ba-" tanong ko sana kaso pinutol niya. "Boss! Yan ang dapat itawag mo sa kin, wala ng iba." utos ni kalbo. "Boss, drugs po ito ha, masama ito, illegal, bat meron kayo nito?" tanong ko. "Hoy Beks, di mo ba gets, excuse me drug lord ako! Hello?" sagot ni boss. TEKA NGA LANG, MAY NAPAPANSIN AKO, kayo, meron ba? Si Boss, oh my gosh, MAY CHANCE."Drug Lord? Teka lang, ayokong masali sa kalokohan niyo, baka mahuli pa ako." sabi ko. "Wala kanang choice Mark, pinili mo ang simpleng trabahong may malaking kita, kaya heto ka ngayon. Ayaw mo dito, wala ng resume at application letter kailangan?" sabi niya. "Nakapunta kana rito, kilala mo na kami, alam mo na hide out namin, wala ka ng choice kundi sundin ang utos ko." dagdag niya, "At kung hindi?" tanong ko na slight napasigaw. Tumawa siya, may kinuha sa likod. May narinig ako tunog... Tunog ng baril na nirereload. "Kung ayaw mo, makakatikim ka ng di dapat tikman, pero sa pagkakataong ito, baril." panakot niya sakin habang nakatutuk ang baril sa mukha ko. Di ako makakilos, my body's shaking.
"Boss nakahanda na ang pagkain" sabi ng isang lalaki. "Maswerte ka Mark at gutom ako, diyan ka lang muna, mag-isip isip ka, at huwag kang magtatangkang gumawa ng hindi ko magugustuhan, intiendes?" utos ni boss. Wala akong magawa, kaya tumango nalang ako.
Mark, isip, isip, isip! Makakalabas pa kaya ako dito ng buhay?
Hindi ako pwede humingi ng tulong kina Dadskie, mas patay ako don. Hindi naman ako pwedeng humingi ng tulong sa pulis, eh wangwang palang nila patungo dito, patay na ako. Sino ba pwede kong malapitan? Barkada ko? Pwede, pero ayaw ko silang madamay sa gulong ito.
Aaminin ko, nagkamali ako sa buhay ko. Three months ago kasi, nawalan ng trabaho si Dadskie dahil kinailangan niyang mag kidney transplant, eh ayaw na ng kompanyang pabalikin pa siya, matanda na raw. Si Momskie naman, manager ng maliit na convenient store. Di kasya ang sweldo niya para masustentohan kami ni Tatay. Nag-iisa lang akong anak nila, their only boy... nga ba? Sa totoo lang, di ko alam, nanlalambot na ako, ewan kung bakit. Ilang buwan na akong di nakabayad ng tuition, hindi ako makaka-take ng exam kaya humanap ako ng paraan, at ang natatangi kong solusyon ay ang magtrabaho. Pero di sa ganitong paraan. At paano ako napasok dito?
A month ago nakilala ko si Kevin sa mall, pumayag naman akong makipag-close kasi nga pogi siya, matalino at macho pa. All in one na. Pinakilala niya ako sa barkada niya, ngunit siya, di ko pinakilala sa barkada ko. Unti-unti kaming naging close ng barkada niya, kaya di ko nalang sinabi kina Nicky, baka magselos na dalawa barkada ko.
Naging tanga ako, di nag-isip. Nagtiwala ako sa taong di ko naman lubos na kilala kaya heto ako ngayon, napagtaksilan. Wala na akong magawa, sayang hindi umimbento si Lord ng 'undo button' sa buhay ng tao.
Mabuti pa mga kaibigan ko sa mga oras na ito, masaya. Tulad ni Nicky, alam kong masaya na siya sa piling ni Shayne. Naalala ko tuloy noong tinulungan namin siyang magpropose kay Shayne. Hay, saya talaga ng tunay kong barkada, mapagkakatiwalaan, maaasahan, at matulungin sa isa't isa.
Nicky, Kian, Brian, I need you guys right now.
5:20PM
Wala paring tao dito sa room, kakasimula lang nilang kumain. Parang wala na talaga akong choice, YOLO na kung YOLO. Dapat na akong humingi ng tulong.Teka! Asan yung bag ko?
D*mn it, naalala kong kinuha yun kanina ng isang lalaki habang umiiyak ako. Paano na...
Paano na... Paano na...Oh wait, ayun yung phone ko, nakapatog sa bag ko kaso nasa kabilang kwarto, kitang kita ko sa glass window, kaso di ako pwedeng pumasok sa silid na iyon, may tao.
Hopeless. Pero nag-isip parin ako ng solusyon, at yun nakita ko ang isang Nokia 3310 na cellphone sa mesa, kay boss yata toh. Bahala na. YOLO kung YOLO. Kaso di ko memorize number ng kahit isa sa kanila...
Habang pinupukpul ko ang ulo ko parang at least may maalala, napansin kong may tumatawag sa phone ko, kita ko yung number kaso, unknown caller.
Bahala na, dapat akong humingi ng tulong. Sana kung sino man itong tumatawag, sana anghel ka.
5:30PM
Mary's POV
...pero teka, ano toh.
"UNKNOWN NUMBER: Please, help, kung sino ka man, nasa may junkshop ako, please."Si Manong? Si Manang? Or si Baby Nicky?
O di kaya someone na walang magawa sa life nila at gusto lang maglokoloko? Haaay nako, people these days, di na kapanipaniwala, uso na talaga ang scam pati sa cellphone. Sorry, this chick right here will not do paniwala on you.
I'm kindda feeling evil, gusto kong isumbung sa pulis itong mga taong like this. Masumbung nga kay Daddy.

BINABASA MO ANG
My Girl is a Jejemon
HumorPanlalait - ito ang isang bagay na ayaw nating maramdaman, ito ang isang bagay na nakakabago ng isang tao, at aminin natin, ito rin ay isang bagay'ng mahilig nating gawin. Jejemon - sila ang mga taong iba magbihis, nakajacket kahit mainit, nakashade...