Mary's POV
"Daddy! Manong driver is still wala, look at the oras oh." sumbung ko kay Daddy. Eh akalain mo 6:00PM nandito pa ako sa loob ng school, kakaunti nalang yung schoolmates ko, OMG I CRY... Itetext ko nalang mga besties ko and I will chika them something about Nicky. Hay ang gwap- "Aray!", "este, Ouch!" sigaw ko. "Sorry miss, hindi ka kasi nakatingin sa daan." sabi ng lalaki. Tumingin ako agad sa kanya, like OMG, he's so much gwapo, tangkad, and WOW yung suot niya, kitang kita yung abs niya, HE'S HOT!!!"Ah, wala, I'm okay, basta ikaw." sabi ko, tas nagsmile siya sakin. "By the way, name's Mary, and you are?" sabi ko sabay abot ng aking flawless hands. "I'm Kevin." sabay nakipagkamay. Ahhh yung pangalan niya, bagay sa mukha at sa hotness niya. Dayum, schoolmate ko kaya toh, or, maybe my soulmate? He's so much better than Nicky. "Excuse me lang Mary ha, may hinahanap pa kasi ako. Jowa ko." sabay alis niya habang ako? Heto, sira ang mundo!
Yung feeling na akala mong pag-ibig na, yun pala, assuming ka lang talaga.
Ma-tweet nga yan. Oh, look who followed me... Girlfriend ni baby Nicky.
Shayne's POV
Heto ako ngayon sa kwarto, nakatutuk sa ipis na papasok sa kwarto ko mula sa may ibaba ng pinto. Hay, sana ganun lang kadaling sabihin kay Howie ang totoo, pero hindi, mahal niya ako pero si Nicky ang mahal ko, at alam kong mahal niya ako. Sinong pipiliin ko? Mahal ko o mahal ako? Emo ko diba? At kung kayo'y nagtataka, hindi ako takot sa ipis, sila yung takot sa akin."Mary Saint-James followed you." notify ng phone. Hindi ko parin alam paano gamitin tong Twitter na ito. Para kang nagpopost ng status na hanggang 140 lang yung characters, grabe naman sila, di ako makakwento ng ganun ka ikli. Parang ang boring naman nito, wala kasing Twitter si Nicky eh, sa mga kakilala ko, si Justine lang at si Mary ang meron. Ay teka, "suggestions" 'Mark Witherspoon', bio: "if you're looking for beauty, look at me." Teka, si Mark toh ah, pero hindi ito yung apilyedo niya, pero siya nga, hmm, ma follow nga.
Stalker mode, on. Basa, scroll down, basa, scroll down, basa... Teka "<3"? Tas picture ng lalaking ganito ka hot? B..bak- *tumunog ang phone* 'Nicky <3 ANSWER / DECLINE'
Nicky's POV
Tinawagan ko si Shayne para sana imbitahin siya sa party dito sa kanila ni Brian, kaso busy daw siya. Ano kaya ginagawa non? Sayang nandito pa naman ang barkada, wala nga lang si Mark. "Asan daw si pareng Mark." tanong ko kina Kian at Brian. "Ewan, pero sabi niya sa text, "I'm with my Papa, sorry friends, can't hang out with you right now."" sagot ni Brian. "Papa? Eh diba Daddy tawag niya kay Tito?" sabi ni Kian, "Sus ikaw naman, maliit na bagay." sagot ko. Pero nga lang, bat kaya?Mary's POV
*busina ng sasakyan* "Sorry ma'am, na flat po ako sa may highway." dahilan ni Manong Driver. "Manong, wala na akong magagawa kung maiinis pa ako. But wait a minute, alam niyo ba kung bakit hindi bumalik si Manang dito sa school? Sabi niya kasi babalik daw siya." tanong ko. "Ano po kasi ma'am, pinuntahan niya yung kapatid niyang may sakit, tas bukas raw po, sasama yung lagay niya, kaya aabsent parin siya." sagot ni manong. "Wow si Manang, advance ang sakit." sabi ko habang paandar ang car. Tumingin ako sa labas, kitang kita ko parin ang garden ng academy, and, wait, what are those two boys doing at this time. Ano kaya pinag-uusapan nila? Girls? Or maybe me. Wait, si Kevin yun ah, and OMG another gwapo is with him, I seriously wanna make friends with them na.Kevin's POV
Mabuti naman at pumayag siya sa gagawin namin, jackpot ako!-----
Shayne's POV
AAAAAHHHHHHHHHHHHHHH TULOOOOOONG!!!
---------------
Slight break sa comedy, let's get through the story. Thanks for the continued support!
BINABASA MO ANG
My Girl is a Jejemon
HumorPanlalait - ito ang isang bagay na ayaw nating maramdaman, ito ang isang bagay na nakakabago ng isang tao, at aminin natin, ito rin ay isang bagay'ng mahilig nating gawin. Jejemon - sila ang mga taong iba magbihis, nakajacket kahit mainit, nakashade...