same day
4:30PM - DismissalMary's POV
Wala si Manang, kaya I'm here sa school, and again, late si Manong driver. While doing hintay for Manong, nakakita ako ng dalawang pogi. Malapitan nga.Brian's POV
"Dude, look who's approaching." sabi ko kay Kian, habang tinitignan ang napakaganda at napakasexy'ng babaeng palapit sa amin. "Hi boys" pakilala niya samin. "I'm Mary, you are?" dagdag niya. "Ah Hi, I'm Brian, he's Kian. Classmates tayo diba?" tanong ko sa kanya.Mary's POV
Classmates raw!? Teka, oo nga noh, di ko lang sila napansin sa katititig ko kay baby Nicky. "So kayo pala ang barkada ni baby Nicky. Este Nicky?" tanong ko, kahit alam ko na, pang ano lang, topic.Kian's POV
"Oo, kasama rin namin si Mark, nasa kabilang seksyon nga lang." sagot ko sa kanya. "Who's Mark? I guess pogi rin siya noh?" tanong ni Mary. "Oo heto oh, may litrato kaming magbabarkada sa phone ko." sabi ko sa kanya sabay abot ng phone ko.Mary's POV
Wait, pamilyar siya ah. "Kayo lang bang apat?" tanong ko. "Oo kami lang, close as brothers. Wala kaming sekreto sa isa't isa." sagot ni Brian. "Bat mo naman naitanong?" tanong ni Kian. "Ehh kasi, its because, two straight late afternoons ko na siyang nakikita dito sa school, late umuuwi, at parang hinihintay niya yung isa pang pogi at napakahot, Kevin raw pangngalan."Kian's POV
"Kevin!? Eh wala naman kaming kilalang Kevin eh." sabi ko na may samang kalituhan. "Here oh, I secretly took a picture of them, sorry ha they're so pogi kasi, I can't resist na hindi sila kunan ng pic." sabi ni Mary sabay abot ng phone niyang napakamamahalin.Brian's POV
Di talaga, di ko talaga siya namumukhaan. "Di ko toh kilala." sabi ni Kian.Mary's POV
Boring naman ng topic namin, highway anyway, "Asan pala si Nicky?" tanong ko. "Kasama niya si Shayne, nagdadate." sagot ni Brian. DATE. WITH. THAT. JEJEMON. NOOOOOO MY BABY'S WITH A JEJEMON.Kian's POV
"Bro, paki-tawagan nga si Mark, parang may naamoy akong hindi maganda." utos ko kay Brian. "Hoy hindi ako yung may hindi magandang amoy ha, bango ko kaya, teka pakita ko sayo yung pabango ko, galing France." sabi ni Mary. "Hoy Maria, hindi naman tao yung ibig kong sabihin." pabiro kong sabi sa kanya, buti nalang ngumiti, naks, ganda niya!Mary's POV
Ay, nakakahiya, bobo ko talaga. "Ewan ko sa inyo." sabi ko with taray effect, alam mo yun, acting lang na nainsulto ako para di ako mapahiya.Brian's POV
"Ay, nagalit. Eh siya lang yung natamaan." sabi ni Kian. "Pabayaan mo na, di ko rin siya gustong kausap, ang conyo." sabi ko sabay dial sa number ni Mark. "Bro, wala akong load, ikaw nalang." dagdag ko. "Patay wala rin akong load." sabi ni Kian. "Paano na?" tanong ko. "Bukas nalang natin siya tanungin, eh nakauwi narin yun for sure." sabi ni Kian. "Di pwede dapat ngayon na, iba kutob ko." sabi ko. "Eh wala nga tayong load." sabi ni Kian. WAIT I HAVE A GENIUS IDEA....
4:40PM
Mary's POV
Nakakainis. Nakakahiya. Sa. Mga. Pogi. "Mary, sorry na oh." rinig ko sa likuran. Si Brian, at tsaka si Kian. "Ah eh, okay lang, kayo naman." sabi ko, pampatigil ng acting. "Mary pwede bang magpa help sayo right now kasi we, the pogis, kailangan load. Can we do hiram on your phone?"Kian's POV
Kung nagtataka kayo, oo, si Brian yun. At yun ang kanyang GENIUS IDEA na gayahin ang pagsasalita ni richkid para naman daw meron silang UNDERSTANDING sa isa't isa. Genius noh? Ngayon lang ako nakakita ng chicksboy na conyo. "Yeah, sure, yes, why not?" sagot ni Mary. Grabe, gumana yung plano ni pare, pero serioso ha, bwisit pakinggan yung kanyang pagsasalita.Brian's POV
Nakakahiya, pero gumana naman. Ehem, genius. Click, click, click, click, dial! Eto na, rumiring.Mary's POV
WTF DID I JUST DINIG? He sounds ewww pero, cute. Kaya eto napahiram ko ng phone, at bakit ko sila pinahiram? I know na tatawagan nila si Baby Nicky, at marerecord yung number niya sa 'Call Logs.' Smart move diba? So proud of myself.Brian's POV
"Hindi siya sumasagot." balita ko sa kanila. "Pero masama talaga kutob ko." dagdag ko. "Sige nalang, Mary, salamat." sabi ni Kian. "Teka lang pre, paano si Mark?" tanong ko. "Ano kaba, kutob mo lang yan, nakakahiya na kay Mary oh." sabi niya. "Sige na nga, heto Mary, salamat ng many."sabi ko sabay alis namin ni Kian sa harap niya.5:30PM
Mary's POV
YOOOOKOOOO NA!!! I want Daddy to fire manong driver na, look at the oras oh. Hindi mabuti para sa maganda ang paghintayin. Look at my skin na, it's getting dry, my eyes, are ge- *cellphone ringtone* ay nagtext, I hope its manong driver na. Pero teka, ano toh."UNKNOWN NUMBER: Please, help, kung sino ka man, nasa may junkshop ako, please."
OMG sino toh? Unknown number? Si Manong? Si Manang, OR SI... SI... BABY NICKY!!!
----------
A slight twist of genre, anyways, it's made to be 'Humor' so, it'll be 'Humor' :)
![](https://img.wattpad.com/cover/21049785-288-k317473.jpg)
BINABASA MO ANG
My Girl is a Jejemon
UmorismoPanlalait - ito ang isang bagay na ayaw nating maramdaman, ito ang isang bagay na nakakabago ng isang tao, at aminin natin, ito rin ay isang bagay'ng mahilig nating gawin. Jejemon - sila ang mga taong iba magbihis, nakajacket kahit mainit, nakashade...