MARY
"Mrs. Uy, why nga po ba?" tanong ko kay Ma'am. "Let's just say that I scolded her and she exaggerated the words I told her." explanation ni Ma'am. "Can you please elaborate it Ma'am?" request ko.She took and deep hininga, and sabi "Nabuntis siya ng maaga. Hindi siya nakatapos ng pag-aaral at sumama sa boyfriend niya. Naglihim pa siya sakin. Alam mo Mary, para sa isang ina, napakasakit ng kanyang ginawa, kaya pinagalitan ko siya. I said words that I shouldn't have. I admit it was way too offensive. Pero wala na akong magagawa, ayaw niya na akong pansinin. It's been more that a year. I miss her." chika ni Ma'am.
"Kawawa naman po pala si you, I'm sorry to hear that Ma'am. Anyways, what's her name?" tanong ko.
Sagot naman niya, "Grace."
-----
GRACE
"Nak, walang hiya talaga yung Tatay mo. Hindi man lang pinili ang madaling trabaho. Inuna pa niya ang kanyang konsensya kaysa sa atin." sabi ko kay baby habang pinapatahan ko siya. "Napacheck-up ka na sana namin." dagdag ko."Alam mo Nak, namimiss ko na yung Lola mo. Pero nasaktan talaga ako sa mga sinabi niya tungkol sakin, at lalong lalo na sa Tatay mo. Sa tingin mo nak, namimiss kaya niya ako?" dagdag ko ulit, kaso mas umiyak si baby, gutom na yata.
Bilang Nanay, di ko kayang tiis na gutom ang anak ko.
Pasensya ka na Kevin, pero dapat ibalik na kita sa dati mong trabaho.
-----
RONAN
Kada araw na lumipas pagkatapos nang trahedya, takot at kaba ang nararamdaman ko. Wala pa kasing balita si Kevin. Bobo naman ng kapatid kong toh, pagpatay lang ang trabaho, di pa magawa-gawa.Naputol ang pag-iisip ko ng may tawag akong natanggap... si Grace.
"Grace?" sagot ko. "Opo, ako po ito kuya Ronan." sagot niya. "Bat ka napatawag? Nagawa na ba ni Kevin ang inuutos ko?" tanong ko. "Ahh, ehh tungkol dun po sana ang sadya ko." sagot niya. "Bakit? May problema ba?" tanong ko ulit. "Kasi po itong kapatid mo may trabahong iba..." rinig ko nalang na binalita niya.
Noong tapos na siyang magkuwento, pinatay ko agad yung cellphone, at tinawag ang mga tauhan ko.
Ibinalita ko sa kanila ang pagtratraydor ni Kevin. Kung di kami kikilos, katapusan naming lahat.
"Ayokong mabulok sa bilanggu-an. Kaya kung huling pagkakataon ko na toh, bahala na si Batman. Patayan kung patayan." sabi ko sa kanila. "At di lang ang mga bata ang papatayin natin, isali narin natin si Kevin. Kapatid ko man siya, pero may alam siya tungkol dito." dagdag ko.
"Bukas, pupunta tayo sa paaralan nila, sa Knight Academy. Ihanda niyo na ang mga armas. Aabangan natin sila, at iisa-isahin." utos ko.
-----
KEVIN
Bumalik ako sa opisina, eh di naman ako pinapansin ng misis ko sa bahay. Ano pa silbi ko dun?Dito nalang ako, may aircon pa, at baka nga mabigyan ng paunang sahod ni Sir.
Mga isang oras na din akong naka-upo dito. Sa paligid ko, may white board, pentel pen, desk, at mga documents na iniingatan. Hay, kung hindi lang sana ako naging under kay Grace, siguro, lagi ko ng kapiling ang mga toh.
Naputol ang pag-iimagine ko ng biglang pumasok si Sir.
"Oh Kevin, ang bilis mong nalabalik ah?" bati sakin ni Sir. "Ah eh ano kasi sir may problema sa bahay." sabi ko. "Ano yun? Pwede bang itanong?" tanong niya. "Financial po, wala na po kasi akong maibigay na pera sa mag-ina ko." balita ko sa kanya. "May mag-ina ka na pala?" gulat niya. "Oho, special child po ang nag-iisa kong anak." sagot ko naman. "Ay talaga? Pasensya ka na kung nagulat ako, noong nag-apply ka kasi, di ko na inatubili ang pagbasa sa personal mong impormasyon. Yung experience mo lang ang agad kong tinignan, dahil nga, nagmamadali ako noon, pasensya kana." sabi ni sir.
"Okay lang yun sir, masaya nga ako at tinanggap mo ako dito." sabi ko. "Heto oh, sana makatulong ito sa pamilya mo." sabi sakin ni sir sabay abot ng Php 5,000. "Sir, ang laki naman nito para sa paunang sweldo. Salamat ho." sabi ko. "Nako, huwag mong ituring na sahod yan. Regalo nalang, mamaya na yung sahod mo pagtapos na ang trabaho." sabi ni Sir. "Nako po sir, salamat." sabi ko naman.
Biglang may nagtext kay sir at agad niyang binalitang: "Kevin! May nakakaalam daw kung saan natagpuan si Howie." balita ni sir. "Talaga ho, saan?" tanong ko. "Sa Knight... Academy?" sabi niya. "Bakit ho? May problema po ba?" tanong ko. "Dito rin kasi nag-aaral ang unica iha ko." sagot ni Sir. "Pero bahala na, bukas puntahan mo agad ang nasabing school at magtanong tanong, tawagan mo nalang ako kapag nakita mo na siya." utos ni Sir. "Sige ho." sagot ko.
BRIAN
"Maganda balita po, pwede ka na po naming idischarge, magaling na ang sugat mo." balita ng doktor. "Hay salamat naman at makakapag-aral na ako bukas." sabi ko. "Magpahinga ka muna." sabi ni Mommy. "Huwag, baka miss na ako ng mga chicks ko dun hahaha." biro ko."Tara na guys, narinig na natin ang sinabi ng doktor, at nabalita na din ni Shayne na ligtas na si Howie, kaya, uwian na!" aya ko. "Hoy bukas ha, bawal umabsent." paalala ni Mark. "Oo naman, sure akong pagpipiyestahan tayo ng balita." sabi ni Kian. "Tara na, gutom na rin ako, miss ko na luto ni Mommy." sabi naman ni Nicky.
BINABASA MO ANG
My Girl is a Jejemon
HumorPanlalait - ito ang isang bagay na ayaw nating maramdaman, ito ang isang bagay na nakakabago ng isang tao, at aminin natin, ito rin ay isang bagay'ng mahilig nating gawin. Jejemon - sila ang mga taong iba magbihis, nakajacket kahit mainit, nakashade...