Ang Dismissal

8.3K 139 0
                                    

Nicky's POV
Habang naglalakad ako pauwi ay may nakabangga sa aking lalaki na tila nagmamadali. Agad siyang humingi ng tawad at nagtanong kung saan daw yung 'Knight Academy'. Tinuro ko naman sa kanya, at ngumiti siyang ng napakalaki, at nagpasalamat. Sa kanyang paglalakad patungo sa academy ay pinagmasdan ko siya, at napansin kong lagi siyang tumatalikod, tumitingin sakin, kilala niya kaya ako? O... Ano.

Shayne's POV
Nandito parin kami sa school ni Justine, ayaw kong lumabas, baka naroon si Howie. Tingin dito, tingin doon, para kaming stalker na tumitingin sa mga taong papasok at palabas. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko noong sinabi ni Justine na may nakita daw siyang papasok, isang lalaking gwapo, maayos ang damit, matangkad, at basta daw, gwapong gwapo daw. Sa sinabi palang niya na "maayos manamit" ay sigurado na akong hindi yun si Howie. Pero who knows, baka, umayos.

Howie's POV
Hay salamat naman at nakarating din sa school ni bhe, andito lang pala, naka taxi tuloy ako. 'Knight Academy' huh? Paano ba babasahin toh? /k-night/? Aba, ewan! Papasok na sana ako ng academy ngunit pinigilan ako ng gwardya, hindi daw pwede yung nakashorts kahit na lalaki ako. Nagquestion and answer portion pa kami ng gwardya, "Grabe ka saken, ayaw niyo nun, may bisita yung school niyo?" Tanong ko. "Bawal po talaga sir." Hindi naman malaki yung kanyang katawan, kaya ko nga siyang bugbugin eh, pero ayaw ko, baka magalit si bhe, ayaw kong makita niya akong pagod at pinapawisan, love niya kaya ako! Pero ayaw kong basta bastang sumuko sa gwardyang ito. Kahit isang suntok lang okay na. Pero teka, teka, teka, may baril siya. Buhay naman oh, bat ganito ka sakin? Malas ko, hihintayin ko nalang si bhe dito sa labas.

Mary's POV
OH MY GOD! Where is my sundo na ba, kakainis, andaming tumitingin sa akin. Tas, ang hina pa ng WiFi dito sa school. Ughhh! I'm gonna call my Daddy, and fire this manong driver. Alam naman niyang madami akong fans, kulang nalang they go here in school to visit me. And, ughhh my tummy is gutom na, I don't wanna kain their canteen food na, yucks!

Justine's POV
Ewan nalang talaga kung anong klaseng problema itong pinasok ni Shayne, eh as bestfriend, wala akong magagawa. Feel ko lang ha, lalo siyang kinabahan noong sinabi kong may papasok na napaka gwapo, matangkad at maayos manamit. Pero sa pagkaka-alam ko, hindi yun si Howie dahil alam kong hindi basta basta nagpapapasok ng kahit sino ang mga gwardya namin. Hindi naman siya estudyante rito sa pagkaka-alam ko. Pero sino kaya siya? Bakit siya nakapasok dito?

-----------
So, tell me who's that boy! Abangan.

My Girl is a JejemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon