SHAYNE
Nasa labas na ako ng ospital, maghahanap sana ng jeep na masasakyan papunta sa bahay na tinutuluyan ni Howie, kaso narinig kong tinatawag ako ni Justine at Mary.Madadaanan daw pabalik ng school ang lugar na pupuntahan ko kaya pinasakay nalang nila ako sa magarbong kotse ni Mary.
Sa kotse naitanong ko, "Babalik pa kayo sa school?" "Oo, magtetest kasi si Mrs. Uy, kaya dapat present kami." sagot ni Justine. "Eh paano kami nito?" tanong ko. "Don't worry my kaibigan, you're excused naman eh, balibalita na nga sa school ang na happen sa inyo." sagot ni Mary. "Ganun ba? Famous na pala ako nito." pabiro ko.
"Ma'am, ito na po ang lugar na sinasabi niyo, itanong niyo nalang sa guwardya ng village kung saan yan eksakto." sabi ni Mamang Driver. "Sige ho, salamat Mary. Bye guys." paalam ko sa kanila.
At tinanong ko nga si Manong Gwardya.
"Manong asan po ba itong D-9?" "D-9?" klaro niya. "Oo nga ho, D9." ulit ko, bingi yata tong gwardya nila. "Wala pong D9 dito, double letters po palatandaan ng mga bahay dito." sabi niya. "Ganun ho ba?" klaro ko, naku nakakahiya. "Sorry ho ha, jejemon po kasi tong ka text ko." sabi ko sa gwardya. "Siya lang ba?" tanong ng gwardya. "HOY NANG-AASAR KABA? Eh ang lamig kasi sa pinanggalingan kong sasakyan kaya naka jacket ako... At hoy mainit kaya naka shades at cap ako." sabi ko sa kanya sabay tinggin ulit sa text ni Howie... "Dg p0g4ndA vill...""Ay! Manong, meron bang DG?" tanong ko. "Oho, diretso kapo tas kaliwa, may makikita kang violet na gate." turo ng gwardya. "Sige ho, salamat." sabi ko. Tas... TUMAKBO NG MABILIS, JUSKO BUHAY PA KAYA SI HOWIE!?
Noong nakita ko nga yung nasabing bahay, di na ako kumatok. Bakit? Eh nagpakamatay nga eh, malamang nakatali na yun o nahihilo na o di kaya nakatutuk na yung baril sa ulo niya, eh alangan namang itigil niya para buksan ang gate diba? Excuse me, matalino yata toh.
Mabuti naman bukas yung gate, di rin naka lock ang pinto.
"Howie!!!?" tanong ko. "Tao ka ba?" "Este tao po!?" tanong ko ulit
At yun nga may sumagot "Shayne nasa back garden ako."
May nagpapakamatay ba kasama ang flowers?
"HOY!" sabi ko noong nakita ko siyang naka upo sa lupa.
Wala namang tali, walang lason, wala ring baril. "Ano ba nangyari sayo?" tanong ko.
"Sorry inabala pa kita, gusto ko kasi na ang last words ko ay para sayo, dahil alam mo, feel ko, ilang minuto nalang, mawawalan na ako ng buhay." sabi niya
HOWIE
"Shayne, tandaan mo sana na mahal kita." sabi ko.Bat ganun, di ko feel namamamatay na ako? Parang lumalakas at sumisigla ako. Pero hindi, mamamatay na talaga ako.
"Tumahimik ka nga!" utos niya sakin sabay hampas sa ulo ko. "Tuluyan mo na ako please." utos ko sa kanya. "Hay putik!" sabi niya. "Shayne, huwag ka naman sanang magmura sa huli kong mga sandali." paki-usap ko. "Hindi... Ano kasi... Maputik dito, bat dito ka magpapakamatay?" tanong niya. "Para hindi na mahirapan yung santong kunin ako sa bahay, kaya lumabas nalang ako." dahilan ko.
"Ay nako, alam mo bang kasalanan sa Diyos ang pagpapakamatay!? Lang hiya ka, binigyan ka niya ng buhay tas ngayon sasayangin mo lang?" galit niya sakin. "Sorry na kung ganun, di ko na talaga kaya ang sakit eh, wala ng nagmamahal sakin." dahilan ko. "Bat mo naman nasabi yan? Dahil lang ba hindi ikaw ang pinili ko kanina? Hoy Howie utang na loob isipin mo naman yung mga magulang mo." sabi ni Shayne. "Yun nga eh, nalaman ko rin na hindi ako tunay na anak ni Tatay, kaya pala di kami magkamukha, pangit siya, ako pogi." sabi ko pero binatukan niya ulit ako at sinabing. "Eh kahit na, minahal karin naman niya ah, eh yung Nanay mo, di mo ba naisip yung sakit na mararamdaman niya kapag malaman niyang nagpakamtay ang anak niya?"
"Howie, unfair mo naman. Sabi mo mahal mo ako pero nagpakamatay ka ng dahil sakin. SA TINGIN MO HINDI AKO MAKOKONSENSYA KAPAG NAMATAY KA?" tanong niya habang lumuluha.
Bat hindi ko yun naisip? "Shayne sorry, hindi ko naisip ang mga bagay na yun. Pero hindi ko na rin puwedeng bawiin ang ginawa kong pagpapakamatay." sabi ko habang nakokonsenya sa ginawa. "Ano ba kasi ginawa mo?" tanong niya. "Heto, ininom ko lahat ng gamot sa loob ng garapong ito." sabi ko sabay bigay sa kanya ang garapon.
"PUTIK KA TALAGA HOWIE!" sigaw niya sakin.
Tumutulo na luha ko.
Sinigawan niya ulit ako ng:
"MULTI-VITAMINS ITO! PANG BATA PA. PAANO KA MAMAMATAY!?"
ANO?
-----
KEVIN
Lumabas ako ng nakangiti. Napakasaya ko sa binalita sakin ni Sir.Kahit walang pera, umuwi parin ako. Nakisuyo lang sa jeep para di na masyadong mahaba ang lalakarin.
Pagpasok ko sa bahay, sinalubong ako ni Grace ng inis sa mukha. "Asan na yung pera?" tanong niya sabay bukas sa palad niya na nanghihingi ng pera. "Wala pa Grace, nahihiya akong umadvance kay sir, pero alam mo, masaya siya sa nagawa ko, sa katunayan nga pag nakita naraw namin si Howie babayaran ni-" balita ko kaso pinutol niya. "KEVIN UTANG NA LOOB. Nagsasawa na ako na puro balita nalang, pera kailangan natin, PERA." sabi niya. "Grace naman eh, heto oh nakahiram ako ng 200 pesos sa kaibigan ko." sabi ko sabay abot sa kanya, tinanggap naman niya pero tumalikod. Hindi ako pinapansin. Sayang, ibabalita ko lang sana na kapag nakita namin si Howie eh Php 200,000 ang matatanggap ko.
JUSTINE
"Halika na Mary, bilisan mo, baka malate tayo." aya ko kay Mary noong nakapasok na kami sa Knight Academy. "Tara lets!" sabi naman niya.Noong nakarating kami sa may labas ng room, nasalubung namin si Mrs. Uy na papasok din sa room. Tinanong niya kung kamusta na raw ang mga kaibigan namin, at ibinalita naman namin ang totoo. Sabi din niya na excuse nalang daw sila sa mga activites.
Pagpasok namin ng room, di namin alintala na naghahanda pala yung buong klase ng surpirse kay Ma'am, birthday nga pala niya ngayon. Sa pagsurprise namin... o nila, naiyak si Ma'am dahil sa tuwa.
"Salamat class, di ko toh inexpect." sabi niya. "Kaya nga ho surprise Ma'am" sabi ni Mary. "Para ka na namin kasing inay ma'am." sabi ng isa naming kaklase na si Christian. "Happy birthday Ma!" bati naman ng isa naming kaklase na si Paul.
Pero tumahimik si Ma'am. Tinanong ko kung bakit at kung okay lang ba siya. Sabi niya:
"Naalala ko lang kasi yung unica iha ko, matagal ko na siyang hindi nakikita." chika niya samin sabay iyak. "Asan po siya Ma'am?" tanong ko. "Kinamuhian niya ako, di niya na ako dinadalaw, kahit kamusta man lang wala." sabi niya. "Bakit naman po naging ganu siya Ma'am?" tanong ko. "Justine, wag na nating iask kay Ma'am yan, I paniwala it's too personal na." pigil sakin ni Mary. Ngumiti nalang si Ma'am at nagchange topic... "Sige dahil nasurprise niyo ako, postpone ko yung quiz! Bukas nalang" balita ni Ma'amAt naghiyawan kaming lahat. "Ma'am baka puwedeng wala nalang?" pabiro ko. "Hindi puwede, hindi ko malalaman kung mag natutunan kayo." dahilan ni Ma'am. "Sige na, everybody stand. Let us pray for thanksgiving at pagkatapos nating kainin itong cake, dismiss ko na kayo." sabi ni Ma'am.
...
Pagkatapos kumain, ayun dinismiss nga kami pero pansin kong nagpaiwan si Mary."Ma'am kuwento mo naman sakin ano nangyari sa anak niyo, kasi po ma'am may nawawala din po akong kapatid. Baka makakuha ako ng lessons galing sa inyo." rinig kong sabi niya kay Ma'am
Sus, siya pala tong chismosa.
BINABASA MO ANG
My Girl is a Jejemon
HumorPanlalait - ito ang isang bagay na ayaw nating maramdaman, ito ang isang bagay na nakakabago ng isang tao, at aminin natin, ito rin ay isang bagay'ng mahilig nating gawin. Jejemon - sila ang mga taong iba magbihis, nakajacket kahit mainit, nakashade...