Ashley's POV
"Mam ashley , magbebreakfast na daw po . "
"sige po manang , bababa na po ako " Pagkatapos bumaba na si manang. Nag inat inat muna ako dahil kakagising ko lang halos nung pumasok si manang sa kwarto ko .
Alangan namang bumaba kagad ako ng hindi nagaayos diba ? Kaya nagtoothbrush ako, naghilamos , at nag ayos tulad ng ginagawa ng karamihan . Pagkatapos bumaba na ako .
"anak , andyan ka na pala , umupo ka na at magalmusal ka na . " tumango tango lang ako kay mama at umupo na sa harap nya .
"anak , nakatulog ka ba ng ayos ?"
"yes pa . "
Habang kumakaen kame ni mama at papa , bigla nalang nagring yung cellphone ni papa , kaya napatingin kame ni mama sa kanya .
"yes , I'll be there . papunta na ako . " pagkarinig ko nung mga linyang yun alam ko na kung anong susunod.
"anak , ma , I'll need to go , may mga client na daw na nagaantay sa office."
"edi sasabay na ako pa , nagaantay na din kase sila mariel sa office eh ."
Tapos tumingin sila saken "okay lang po " . Hinalikan lang nila ako at umalis .
"iha , ayos ka lang ba ?"
"opo naman manang , ako pa ba ? sabay nalang kayo saken . "
"sige iha . "
Habang tinitignan ko si manang na kumakaen sa harapan ko , hindi ko mapigilang maluha , dahil sa araw araw ito ang bumubungad saken , na imbes na sila papa at mama ang kasabay ko , nauuwi lang kay manang ang pagbebreakfast ko .
BINABASA MO ANG
Ikaw na kaya si Happiness ?
Teen FictionHappiness . Lahat ng tao gustong makuha yan , kahit sino naman siguro gugustuhing makakuha ng bagay na yan . Sa panahon ngayon , kahit kanino ka magtanong malamang mabilis nilang masasagot kapag tinanong mo sila ng "ano ang happiness mo ?" . Pe...