Ashley's POV
"sabihin mo na kasi saken nicks "
"ang alin ba ?"
"bakit parang back to dati na naman kayo ni ace ?"
Tinaasan nya lang ako ng kilay , nasa cafeteria kasi kami ngayon at kinukulit ko tong babaeng to . Sinu ba naman ang hindi mababahala sa mga ikinikilos nila ni ace ?
Una . Nakiusap saken si nicks na makipagpalit ng upuan dahil masyado daw mainit sa pwesto nya eh mas mainit nga sa pwesto ko eh -___- . Pangalawa . Hindi sila nagiimikan at kapag minsan nahuhuli ko silang tumitingin sa isat ia pero magiirapan lang den naman .
"wala namang nagbago "
"anung wala?! "
"tumahimik ka nga ash "
Pangatlo . Nagsusungit buong araw si nicks eh hindi naman yan magkakaganyan kung wala syang kaaway o di kaya kinaiinisan .
"ganun ? so baliwala lang ang friendship naten sayo ?"
"tumigil ka nalang ash "
"bahala ka " tumayo na ako at akmang aalis na .
"sige na nga "
Ayan , very good . ^^ Ganyan ang magkakaibigan hindi naglilihiman lalo na hindi nagtitiisan .
"oh game " umupo na ulit ako at naghalumbaba sa kanya na handang makinig ng storya nya malay ko ba kung nagaminan na tong dalawang to ?
"kagabi nalaman na nila mama ang tungkol sa trabaho ko "
"ANO?! " imbes na kiligin ako nagulat pa ako sa sinabi nya . Ano kayang sinabi sa kanya nila tita ?
"wag kang O.A . "
"nagalit ba sila ?"
"malamang kaya nga umalis muna ako at pumunta sa park , nakasalubong ko si aaron yung pinsan ko na galing canada . Hindi mo pa sya kilala kaya wag kang magreact . "
Aaron ? Hindi ko pa nga sya kilala eto namang si nicky may paalis alis pa sa bahay gingaya nya ako eh .
"nakita ko nga si aaron dun , kaso umalis kagad sya kasi nakita nya si ace na nakatingin samin . Lumapit si ace galit na galit sya at tinatanong nya kung si aaron daw ba ang dahilan kung bakit ko sya iniiwasan "
"parang magjowa lang ang dating niyo ah "
"patapusin mo muna ako ash . So yun nga tapos sinabi ko nalang na pinsan ko yun kahit na hindi ko alam kung bakit kailangan kong magpaliwanag tapos tinatanong nya pa den ako kung bakit ko sya iniiwasan sinabi ko na sinungaling kasi sya ."
"bakit ? paanong naging sinungaling sya ?"
"nung magsama kami sa trabaho , sinabi nya saken na hindi sya mayaman at kaya lang sya nagtrabaho dun ay dahil sa wala syang pera . Inulit ulit ko pa yun sa kanya pero ganun lang ang sagot nya yun pala mayaman sya at anak pa ng admin naten ."
Ang dami ko na palang hindi alam tungkol kay nicky nitong nakaraang mga buwan . Pero imbes na malungkot ako o mainis ako kay ace naiinitindihan ko pa nga sya kaya napangiti lang ako .
"bakit ka nakangiti ash ?"
"bakit ba naiinis ka ?"
"niloko nya nga kasi ako "
"eh bakit ikaw ? niloko mo din naman ako pero hindi naman ako ganung nagalit sayo ?"
"eh kaibigan naman kita eh "
BINABASA MO ANG
Ikaw na kaya si Happiness ?
Teen FictionHappiness . Lahat ng tao gustong makuha yan , kahit sino naman siguro gugustuhing makakuha ng bagay na yan . Sa panahon ngayon , kahit kanino ka magtanong malamang mabilis nilang masasagot kapag tinanong mo sila ng "ano ang happiness mo ?" . Pe...