Chapter 37

8 0 0
                                    


Ashley's POV

"ang boring naman "

Nakapanghalumbaba na lang ako sa desk ko habang nakatingin sa kawalan . Ilang araw na ren ang lumipas wala pa deng nagbabago . Si nicky at ace mukhang wala ng balak magpansinan pero ayaw naman maghiwalay sa upuan -_-

Si panget naman pagkatapos nung scene na may lagnat sya kinabukasan pumasok na den sya kaso nung ikwento ko hindi nya den ako kaagad pinansin dahil naalala nya pala lahat ng kabaliwang ginawa niya .

Tapos ngayon naman halos buong araw na kaming walang teacher dahil may meeting daw sila . Hindi ba sila napapagod ? Isang araw na meeting ?

"ash sasama ka ba sa recollection ?"

Hinarap saken ni nicks yung upuan nya , for sure natakas lang yan sobrang awkward nila ni ace ngayon . Maingay ang mga kaklase ko kaya hindi din naman ako makakatulog kaya mabuti pang kausapin ko na den tong si nicky.

"bakit ikaw ba ?"

"sasama ako extra curricular den yun eh "

"basta grades talaga eh noh ?"

"oo naman , eh ikaw ? sasama ka ba ? hindi ba hassle kung sasa—"

"nicks past is past . Wag mo nang iungkat yung nangyari dati besides ang tanga ko naman kung aalalahanin ko pa yun para saan ? para magmukhang tanga lang ulit ?"

"wow naman ang haba ng sinabi mo "

"para hindi ka na magtanong "

Tapos inirapan lang ako ni nicks , alam ko na sa mga oras na to hindi pa den natatahimik si nicks at inaalala pa den nyan kung okay lang ako . Ano bang big deal dun ?

"kyle ikaw sasama ka ba sa recollection ?" lumapit naman si nicks kay panget napatingin naman ako kay ace na nakatingin ngayon kay nicks .

Lumapit ako kay ace habang si nicks naman busy sa pakikipagusap dun kay panget . Ang O.A na talaga ng dalawang to anu bang big deal sa pagtatago na mayaman ka ?

"ace ikaw sasama ka ba ?"

"hindi ko alam eh "

"ha ? sa isang araw nayun ha ?"

Biglang nalungkot si ace , nakakainis naman tong lalakeng to alam ko namang nasasaktan sya kasi hindi sya kinakausap ni nicks eh

"gusto mong lumabas ? tutal last subject na naten to " ngumiti lang saken si ace tapos tumayo na kami parehas napatingin nga samen sila nicks at panget eh pero hindi nalang namen pinansin.

Pumunta kami ni ace sa parang tambayan sa school tapos umupo kami sa isang bench . Kung ako ang tatanungin parang ang laki ng epekto kay ace kasi hindi sya makulit ngayon parang lately kung hindi sya nakatungo lang sa desk nya nakatingin sya kay nicks.

"bakit mo ko pinapunta dito ?" yun agad ang tanong saken ni ace so hindi naman siguro masama kung didiretsuhin ko na den sya.

"bakit ka ba nagsinungaling kay nicks ?"

"hindi ko alam "

"tumigil ka nga , alam kong alam mo kung ano ang dahilan ." pagkatapos nun umiwas saken ng tingin si ace at napabuntung hininga nalang sya .

"dahil sabi nya saken one time na ayaw nya daw magkaroon ng kahit anong relasyon sa mga mayayaman , ang tingin nya sa sarili nya mahirap " napaiwas nalang den ako ng tingin kay ace .

"kahit ako hindi ko alam kung bakit sya nagkakaganun "

"kaya nga mas minabuti ko na itago nalang sa kanya "

Ikaw na kaya si Happiness ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon