Ashley's POV
"PESTE ! ang hirap naman nito eh " napapahalumbaba na ako sa mesa kasi naman ang hirap hira ng topic na to sa math !
Kanina pa kami nag aaral . natapos na nga namen yung physics, english , history . tapos last topic na to sa math kaso sobrang hirap talaga nung topic na to
"eh kasi naman ayaw mong ianalyze " napatingin naman ako ng masama sa kanya .
"yabang neto " pero natawa lang sya sa sinabi ko at tumingin ulit dun sa papel.
"ganto kasi yun oh . " tapos ineexplain nya na ulit yung lesson na yun . ang lapit nya nga sakin eh . pero sobrang bango nya .
Focus ashley ..
Kelangan kong matutunan to . Bawal ang lumandi . tsss . nakinig lang ako sa mg pinagsasasabi nya . tapos binigyan nya ako ng examples pa ulit .
Sinagutan ko lang yung mga yun . Hindi ko nga alam kung tama yung mga pinaggagawa ko eh . basta nagsasagot lang ako bahala na mamaya pag ka chinekan nya na to .
After 20 mins ..
"oh tapos na ! " inihampas ko sa kanya yung papel tapos tumawa lang sya at tinignan yung papel na siansagutan ko kanina .
"hmmmm "
"anoooo tama ba ?"
"oo , buti tumama ka na ." tapos ngumiti lang sya saken .
"yessss ! sa wakas ! hayyyy ! " napasandal lang ako sa sofa namen kasi sobrang ang tagal bago ko natutunan yung lesson na yun .
"okay sa fili—"
"wait ! " ininterrupt ko sya sa pagsasalita nya kaya napakunot naman ang noo nya .
"ang sipag mo naman eh . kain muna tayo ng lunch . 12 na oh " tinuro ko pa yung orasan sa wall sa gilid nung salas namen .
"oo nga pala "
BINABASA MO ANG
Ikaw na kaya si Happiness ?
Novela JuvenilHappiness . Lahat ng tao gustong makuha yan , kahit sino naman siguro gugustuhing makakuha ng bagay na yan . Sa panahon ngayon , kahit kanino ka magtanong malamang mabilis nilang masasagot kapag tinanong mo sila ng "ano ang happiness mo ?" . Pe...