Chapter 3
"saan ka ba pupunta ? " kanina pa kase sya lakad ng lakad dito sa mall , nakakapagod kaya .
" eto ?" tapos tumingin sya saken tapos tumingin na ulet sya sa tinigilan namen , pagtingin ko . "okay na ba tong kainan ?"
Napataas na naman ang kilay ko sa kanya . nakatigil kase kame sa isang class na restaurant dito sa mall .
"eto na yung hinahanap mo kanina pa ? dito mo gustong kumaen ?"
"hindi , eh ikaw ? baka gusto mo sa restaurant tayo kumaen ?"
"bano ka ba ? sana tinanong mo muna ako kung gusto ko kumaen dyan , kanina pa tayo lakad ng lakad dito dahil akala mo sa restau ko gustong kumaen , ano ba akala mo saken maarte ?"
Pagtingin ko sa kanya , parang nagtataka lang siya na hindi nya maintindihan kung anong sinasabe ko .
"hayyss . halika . " tapos kinuha ko yung kamay niya at hinila ko siya .
Maya maya tumigil kame sa isang fastfood .
"nakita mo yan ? yan ang mga gusto kong kainan . " tapos natawa nalang siya , siguro narealize nya na yung katangahan nya .
Hindi ko na siya hinintay na makarecover at pumasok na kame at nagorder , siya naman pinahanap ko ng upuan namen.
"dito ka talaga nakaen ?" tingnan mo to, nakaen na nga kame tapos tinatanong nya pa yun?
"hoy panget , ano bang akala mo saken ? anak ng pinakamayamang tao sa buong mundo ? para tanungin mo ko ng ganyang tanong ?" tapos ngumuya na ulit ako ng burger .
"hindi naman kaya lang , may sariling kumpanya kayo , tapos yung mama mo head pa ng isang publication . isa pa baabe ka . malay ko ba ?"
"magtanong ka .. " tapos kumagat ulit ako sa burger ko . "muna kase. " tapos narinig ko lang syang tumawa.
"ang takaw mo , kaya ka nataba eh " napatingin naman ako sa kanya nun.
"anong mataba ? sino ? ako ? asa ka ! " tapos kumaen naman ako ng spaghetti . natural na fastfood foods lang talaga.
"oo , tignan mo yang braso mo ang taba . "tapos pinisil nya yung braso ko , wag nya nalang pakialaman yung braso ko , tanggap ko yun.
"braso lang , pero katawan hindi ."
"edi mataba ka pa den "
"kasalanan kobang gutom ako ? kasalanan ko bang sa braso napupunta angg mga kinakaen ko ?"
BINABASA MO ANG
Ikaw na kaya si Happiness ?
Teen FictionHappiness . Lahat ng tao gustong makuha yan , kahit sino naman siguro gugustuhing makakuha ng bagay na yan . Sa panahon ngayon , kahit kanino ka magtanong malamang mabilis nilang masasagot kapag tinanong mo sila ng "ano ang happiness mo ?" . Pe...