CHAPTER 20

17 6 0
                                    

Nicky's POV

" hoy , bakit parang ang tahimik mo ngayon ?"  di ko lang pinansin kung sino yung nagtatanong sa akin , kanina pa yan eh .

"hoy nicky ... "

"ano bang problema mo ace ?"  pinansin ko na siya , nawawala ako sa pagiisip ko dahil nangungulit siya eh .

"kanina ka panga tahimik dyan , mabaho ba hininga mo kaya di ka makapagsalita ?"

"bwiset ka kamo . wag mo na nga lang ako pansinin . " 

"odi kaya , nabungal ka kaya hindi ka palangiti . "  kumunot yung noo ko dahil  sa kanya . Ang timang ng pagiisip nito .

"baliw ka " tatayo na sana ako sa counter para makatakas na sa baliw na to kaya lang nung tatayo na ako hinawakan naman ako ni ace sa wrist at inupo ulit ako .

Napatingin tuloy ako sa kanya .

"may problema ka hindi ba ? pwede mo namang ishare yan hindi yung nakabusangot ka sa trabaho naten " seryosong seryoso siya sa pagsasabi nun sa akin .

Napansin ko lang na lately , medyo nagiging magkaibigan na talaga kami ng asungot na to , especially dito sa trabaho . Sabay sa paguwi , kasi naman lagi nyang sinasabi na same way lang daw kami . Pero kapag nasa school kami parang walang imikan dahil baka mahalata ni ash na bigla nalang naguusap kami kahit dati sobrang galit ako sa kanya . And besides magkaiba kami ng section .

"hoy ! bingi ka na ba ?" biglang tinapik ako ni ace .

"w-wala naman akong problema "

"talaga lang ha ? lokohin mo lelang mo . tsk . " tapos napatingin lang siya sa band na kumakanta . Pahinga kami kasi walang masyadong customer ngayon .

"wala talaga . "

"if you  don't want to share it , then don't  " tapos tumayo na siya sa counter at dumiretso dun sa mga room for staff .

Galit ba siya ? hindi naman siguro . Kasi naman , alangan namang sabihin ko yung problema ko , eh kung tutuusin wala naman siyang pakialam doon.

Si ash talaga yung iniisip ko eh , kanina kasi nung tumawag siya , parang nagalit siya saken dahil hindi ako nakapunta sa gorup study namen ngayon , pero kinausap ko naman si kyle na sya ang pumunta .

Ikaw na kaya si Happiness ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon