Kyle's POV
"bakit parang gulat na gulat ka ata kapated ?" inalis ko yung akbay ni ate at hinarap sya .
"bakit ka andito ?"
"para namang ayaw mo kong andito " nagpout lang si ate .
Hindi naman pero kung alam ko lang na nandito sya hindi ko na sana pinilit si taba na sumama baka akalain pa neto girlfriend ko yun . Grabe ang mga ginagawa nya sa mga ex ko lalo na pag ayaw nya ang ugali .
"kelan ka pa umuwi ?"
"kagabi lang "
"eh bat hindi kita nakita sa bahay ?"
"kapated , asan na ang utak mo ? surprise nga eh dumiretso na ko dito kagabe "
Mas matanda lang sya ng isang taon saken pero grabe na sya kamature . Galing kasi sa amerika kaya ganyan ang ugali . Ang arte pa nakakainis .
"kasama mo si papa ?"
"hindi eh , masyado syang busy sa work nya dun "
Siya ang kasama ni papa doon , ako naman mas pinili kong dito magaral kaya kasama ko si mama dito .
"panget ang dami—" napatigil si taba sa pagsasalita nung makita si ate .
"ooohhh , who are you ?" patay na .
"uh , ako po si ashley " nakatingin pa den si taba kay ate , siguro kasi sa suot niya nakabikini lang kasi si ate . Napapalo na lang ako sa noo ko , bakit ba ganito sya magsuot .
"okay , hi ashley . so girlfriend ka ni kyle ?" nagulat si taba sa tanong ni ate , kaya sumingit agad ako sa pagitan nilang dalawa .
"ate hindi , classmate ko lang siya " bwiset . para na naman akong tanga nito . pipigilan sya sa lahat ng gagawin nya .
"bakit sya nandito kung classmate mo lang sya ?"
"niyaya sya ni mama "
"oh I see . kapated bakit ka ba nakaharang samen ? alis ka muna dyan " tinulak ako ni ate pagilid shet talaga . bakit ba hindi sinabi ni mama to saken ?
"ate tumigil ka na ng—"
"nice to meet you ashley " napatingin ako kay ate , totoo ba to ? nagnice to meet you sya ?
Eh nung dinala ko si ja—dinala ko yung ex ko ang bungad nya agad 'I don't like you ' tapos kung anu ano na ang ginawa nya , binubuhusan ng juice kunwari nadapa lang sya , kung anu ano pa kaya nga nagpapanic ako .
BINABASA MO ANG
Ikaw na kaya si Happiness ?
Teen FictionHappiness . Lahat ng tao gustong makuha yan , kahit sino naman siguro gugustuhing makakuha ng bagay na yan . Sa panahon ngayon , kahit kanino ka magtanong malamang mabilis nilang masasagot kapag tinanong mo sila ng "ano ang happiness mo ?" . Pe...