CHAPTER 4

18 8 0
                                    

Chapter 4 :

Ashley's POV

"haaaaaayyyy ! sa wakas ! pasukan na den , may baon na ako ! " baliw talaga to si nicky , sarap kutusan eh , di na nahiya sumigaw sa labas ng gate ng school .

"hoy ! nicks , tumigil ka na nga dyan . mahiya ka naman " tapos tumingin sya saken ng sobrang sama .

"eh sa masaya ako eh ? , nakakabagot kaya sa bahay . "

"naiintindihan kita noh , parang ako hindi nabagot sa bahay ah ?" tapos lumapit sya sa mukha ko , as in sobrang lapit . "bakit ?"

"madami kayong pera , madami kang mabibili , madaming kang pagkaen sa inyo tapos mababagot ka ? ako ba pinaglololoko mo ?" pagkatapos nun binatukan ko sya , "ARAY KO ! "

"tumigil ka nga , meron man kami nyan , nakakabagot pa din no , tingin mo ba makakausap ko yang mga pagkaen at pera na sinasabi mo ?"

"hindi , pero kahit na . "

Natawa nalang ako sa kanya , yan si NICKY PATRICIA JAVIER , ang yaman ng dating ng pangalan nya noh ? pero hindi naman sya ganun kayaman . yung papa nya nagtatrabaho sa company ni papa , yung mama nya naman nasa bahay lang at may isa syang kapated na lalake na mas bata sa kanya .

Bestfriend ko sya since nung 1st year , nakita ko sya sa company ng papa ko , kaya naman naging magkaibigan kame mula noon . Scholar sya dito sa school namen , sobrang talino nya kase . Lagi nyang ikunukumpara yung stado ng buhay nya sa buhay namen , eh kung tutuusin mas sagana pa sya kaysa saken kase close naman silang magpapamilya .

"HOY ASH ! pinapangarap mo na naman ako noh ?" binatukan ko na naman siya dahil dun , minsan talaga isipin kong tibo to at may gusto saken eh . "ARAY KO ! PANGALAWA NA YUN AH ! "

"halika na nga lang sa room naten . " tapos sumunod naman sya saken , kahit na since 1st year ko pa sy kaklase never kaong nagsawa sa kanya , kung tutuusin mas kilala nya pa ako kaysa sa mga magulang ko . HAHAHA ang drama shemay.

"ash , may transferee kaya saten ?" napatigil tuloy ako sa paglalakad nung sabihin nya yun . "oh ? bakit ?"

"ha ? ah wala . " nagpatuloy na ulit kame sa paglalakad , 4th floor pa kase kame kaya ang payat ko eh . pero naisip ko si panget , kaklase ko nga pala sya , mula kase nung nagenroll hindi na kame nagkita . well . Hindi ko sya namiss, nagpapasalamat pa nga ako eh .

"ash dito na yung room naten. " tapos nagnod lang ako , binuksan nya na yung pinto , pagpasok namen nagulat ako .

"bakit ang ingay naman dito ?" hindi ko na lang sinagot si nicky at pumasok na sa room , ang ingay ng mga kaklase ko halos lahat sila nakatingin dun sa lalakeng nakaubob . wala naman akong paki kung sino yun . Pero yung mata ko di ko laam kung baket naglilibot sa room .

"asan kaya sya ?"

"ano yon ? sino ?"

"ha ? ah wala . " tapos umupo na kame ni nicky dun sa mdyo gilid na gitna . nagkukwentuhan lang kame ni nicky ng biglang umingay ulit yung room. Pagtingin namen ni nicky kung saan sila nakatingin dun pala sa lalakeng nakaubob kanina kase tumayo na sya ngayon .

SHAKS. Si panget pala yun . Nagbago yung mukha nya, kase bagong gupit sya at may kulay na yung buhok nya na medyo brown . ang cool lang nya tignan kaya pala nagkakandarapa yung mga kaklase ko sa kanya .

"ash , papunta sya dito " kinakalabit ako ni nicky , base sa itsura nya nainlove na to kay panget . hayyy . ano bang meron dyan ? akala mo naman napakalakas ng appeal.

"hi " tapos kinurot ako ni nicky nung nag hi si panget samen . ano ba yan . pagtingin ko dun sa mga kaklase ko nakatingin na sila samen at nagbubulong bulongan .

Ikaw na kaya si Happiness ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon