CHAPTER 2

44 9 2
                                    


"HAYYYY " napahiga nalang ako sa kama ko dahil sobrang pagod na pagod ako ngayong araw . Pagkagaling ko kase kanila mama nagmall nalang ako kahit na ako lang magisa .




Naalala ko kanina , andami kong gustong bilhin pero di ko malaman kung baket wala naman akong nabili kahit isa . ABNORMAL talaga tong araw na to .





"ashley , tulog ka na ba ? " si mama yun . kung magtulog tulugan nalang kaya ako para matapos na ? HAHAHA hindi naman pwede yun .





Tumayo ako at binuksan ang pinto , tapos bumalik ulit ako sa pagkakahiga sa kama ko , si mama naman nandito dulo ng kama at umupo sa dulo ng mga paa ko . KADRAMAHAN na naman ito . HAHAHA feel ko lang.




"anak , bukas susunduin ka daw ni kyle dito para masamahan mo siya bukas sa school . " okay . nagkamali ang hula ko , hindi pala kadramahan to , kundi pamimilit .




"okay po " tingnan mo tong bibig ko , pasimuno sa kabaitan eh , hindi pa ko nagiisip nagsasalita na kagad.





Pagkatapos tumayo na si mama at palabas na sana kaya lang tinawag ko sya sa hindi malamang kadahilanan at lumingon naman siya . o ngayon , ano kaya ang itatanong ng matino kong bibig ?




"ma , itatanong ko lang , arranged marriage ba ang nangyayari dito ?" kahit nakakahiya at baka isipan ni mama na assuming ako , kaylangan kong liwanagin ang lahat .




Tumawa si mama bago sumagot . " anak , kaya ba ganyan ang asal mo dahil dun ? hindi yun arrange marriage . Wala akong balak pakialaman ang lovelife mo anak . Gusto ko lang talagang tulungan si lucy . Wag kang magalala anak . " ngumiti si mama at lumabas na .




"yun naman pala eh " yan nalang nasabi ko , natuwa ako kay mama dahil hindi naman pala nya ako kinokontrol , slight lang dahil pinilit pa den na kong samahan yung panget na yun pero okay na den yun .




"makatulog na nga , kahit na ayaw ko , makakasama ko yung panget na yun bukas . "




-

Ikaw na kaya si Happiness ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon