Kyle's Pov
"ma alis na po ako " humalik lang ako kay mama at dumiretso na sa pinto .
"saglit lang anak ! " napatigil ako sa pagbukas ng pinto at napatingin kay mama , may hawak hawak siyang box na ewan .
"pakidala naman ito kanila lucy , nakalimutan ko kasi kahapon dalhin sa kanya eh "
"sige po , dadaan na ako sa kanila ngayon . "
"sige , magingat ka "
Lumabas na ako ng gate . Masyado pa namang maaga kaya idadaan ko nalang to sa kanila , napagpasyahan ko na din na wag nang gumamit ng motor ngayon .
"ano ba to ?" napatingin ako sa box na ipinabibigay ni mama
Pagtingin ko isang USB lang at ilang mga papeles , kailan naman naging mahilig si mama sa pagbabasa ng gantong karaming papeles ?
"insan ! " napatigil ako sa paglalakad at napatingin ako dun sa sumigaw , ayoko sanang magassume na ako yun kaya lang kilala ko kung kaninong hinayupak yung boses na yun eh .
"insan ! " mas lumapit na sya saken habang nakamotor , at tama ako . Si ace nga .
"kailangan mo ?"
"sunget mo naman aga-aga eh . Saan punta mo ?"
"kanila ashley may pinabibigay si mama eh"
"sus , si tita ba talaga ang may pinabibigay o yang puso mo ?" nangiti ngiti pa to habang nakasakay sa motor nya , ihulog ko sya dyan eh
"g*go , umalis kana nga "
"alam mo napapadalas yang pagmumura mo saken "
"ulul . sige na puntahan mo na si nicky mo "
"g*go " napangisi nalang din ako sa naging reaksyon nya dun sa nicky , bwiset talaga to .
Aalis na sana sya kaso may naisip akong paraan para mapadali na din ang buhay naming pareho .
"ACE ! "
"oh ? bakit ?"
"ihatid mo na nga lang ako kanila ashley " napataas lang yung kilay niya tapos ngumiti na din ang loko .
"sige , ayos yun para makaakyat na ako ng ligaw kay ashley "
"subukan mo " sabi ko habang nasakay na sa likod ng motor nya.
"tsss , ayaw pa kasi umamin eh "
"paandarin mo na "
Pinaandar nya naman ang motor niya . Mas mabuti na din to , nakakatamad din ang maglakad eh .
After 10 mins ..
"oh eto na ba ? ang laki naman pala ng bahay nila ashley "
"oo , alis na "
"dito na muna ako , maaga pa naman eh "
"A-L-I-S NA ! "
"ikaw talaga insan , di ka marunong magshare "
Tiningnan ko lang siya ng masama pero tumawa lang sya at pinaandar na yung motor niya . Bwiset na yun , idadamay pa si taba sa pagiging babaero niya .
Humarap naman ako sa gate nila at magdodoor bell na sana kaso bigla na bumukas yung gate nila kahit wala pa kong ginagawa .
Nagulat ako o dapat ko bang sabihin na nagulat kaming pareho kasi si taba ang nagbukas ng gate .
BINABASA MO ANG
Ikaw na kaya si Happiness ?
Teen FictionHappiness . Lahat ng tao gustong makuha yan , kahit sino naman siguro gugustuhing makakuha ng bagay na yan . Sa panahon ngayon , kahit kanino ka magtanong malamang mabilis nilang masasagot kapag tinanong mo sila ng "ano ang happiness mo ?" . Pe...