CHAPTER 18

19 6 0
                                    

Ashley's POV

"manang dadating po si nicky ah ! papasukin nyo nalang po kapag dumating siya . "

"osige iha "

Tapos umakyat ako sa kwarto ko para maihanda ko na yung mga librong pag -aaralan namen ni nicks. Hindi ko pa nga naiitext yung babaeng yun eh , di pa naman sya sure kasi sabi nya itatry nya dumating .

Baka hindi dumating yun , mag antay lang ako sa wala . maitext na nga lang .

To: nicky kuripot

Nicks . makakapunta ka ba ngayon ?

Send . sana makapunta siya , natatamad kasi ako kapag ako lang ang nagaaral , parang walang napasok sa utak ko . Pero nagtataka talaga ako kasi alam naman nila tita tito pati na din si bryan na nag gro-group study kame kapag malapit na ang exams pero bakit parang ang excuse ni nicks eh magbabantay siya sa bahay ?

5 mins ...

10mins....

15mins...

20mins...

25mins...

30mins ...

ABA ! bakit hindi pa nagrereply yung babaeng yun ?! dati naman reply kaagad sya eh . bakit ngayon wala ? hindi ba sya pupunta ?

Tinignan ko yung oras .

10am. Alas diyes na ah, 9:30am yung usapan namen . Bakit wala pa siya ? Grabe 30 mins na akong nagaantay wala pa den siya . Hindi naman sya dati late dumating .

"mam " kumakatok si manang sa pinto ng kwarto ko . tumayo muna ako sa kama at pinagbuksan si manang .

"bakit po manang ?"

"may bisita po kase kayo "

Pagkasabi ni manang nun parang bigla nalang ngumiti yung mga labi ko , siguro si nicky na yun . Baka hindi sya namukhaan ni manang kaya bisita ang tawag niya .

"sige po papasukin nyo na po si nicky . bababa na po ako "

Pagkasabi ko nun kumunot yung noo ni manang pero bumaba na din naman sya kaagad . Ako naman medyo inayos ko lang yung buhok ko sa salamin at baka matakot saken si nicks dahil sa buhok ko .

Kaya pala hindi nagrereply andyan na pala siya . Tsss . di man lang ako ininform na nandyan na sya sa gate.

Pagkatapos kong magayos ng mukha , bumaba na kagad ako para makapagsimula na kami , kinabahan kasi talaga ako na baka hindi makapunta si nicks , paano na ako sa exams kapag nangyari yun .

"NICKS BAT NGA-- " parang naputol yung dila ko nung nakita ko kung sino yung nasa harap ko ngayon . AS IN ! di ko inexpect to . kung pwede lang mas lumaki pa yung mga mata ko sa mata ko ngayon baka kanina pa nangyari .

"iha , hindi si nicky yung bisita. " nagpapaliwanag si manang saken pero parangg hindi ko marinig yung mga sinasabi nya kasi talagang nakatingin lang ako sa taong nasa harapan ko ngayon.

"huy taba . tsss . nagwapuhan ka na ba sakin ?" winawagayway pa ng lalakeng to yung kamay nya sa mukha ko na para bang nanggigising .

Tinapik ko yung kamay nya at tumingin ng masama sa kanya.

"anong ginagawa mo dito ?"

"grabe ka naman , di mo man lang ako papaupuhin ?" tinaasan ko lang sya ng kilay . Pero ibinaba nya yung kilay ko gamit ng kamay ko .

Ikaw na kaya si Happiness ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon