Kyle's POV
Napatingin ako kay taba nung umalis sya palabas ng room . Napatingin naman ako kay nicky na nakakunot ang noo na habang nakatingin kay taba.
"she's lying " narinig kong binulog ni nicky .
Anong problema nya . Kagabi lang kausap ko siya ah ? Parang wala namang nangyari sa kanya.
Tumayo si nicky , siguro susundan nya si taba pero hindi ko alam kung bakit tinawag ko sya dahilan para mapatigil siya.
"bakit ?"
"pwede bang ako na nag sumunod sa kanya ?"
"huh ?" napakunot yung noo niya .
"wala lang . sige na nga ikaw na ." sya nalang pala , baka isipin pa nito may gusto ako kay ashley.
"joke lang , sige na ikaw na " tapos ngumiti lang sya saken at umupo na ulit sa upuan nya ako naman ang kumunot ang noo ng dahil sa sagot nya .
"huh ?"
"susundan mo sya diba ? sige na " ngumiti na naman sya saken . Parang kinabahan naman ako sa reaksyon siya.
"o-o sige"
Kahit na talagang kinakabahan ako sa reaksyon nya lumabas na ako sa room at naglakad papunta sa cr .
-
"aish" parang pinagsisisihan kong ako na ang nagprisinta na sumunod kay taba .
Nasa tapat ako ng cr ng girls at pinagtitinginan ako ng mga ibang estudyante dito dahil nakatitig lang ako sa pinto ng cr.
Bwiset . baka akalain ng mga to bading ako at nagaattemt na pumasok sa loob ng girls.
Bakit ba kasi ang tagal ng babaeng yun ?
Kakasabi ko palang nun sa isip ko bigla nalang lumabas si taba sa pinto ng cr at gulat na gulat sya nung nakita ako sa tapat nun .
Pulang pula yung mata niya .
Umiyak ba siya ?
"a-anong ginagawa mo dyan ?" sabi nya saken at tumalikod para punasan ata yung mga mata nya.
"inaantay ka , baka nalunok ka na ng toilet dyan sa loob eh "
"bat mo ko inaantay ?"
Ano ng sasabihin ko ? anong isasagot ko ?
"pinapasundo ka ni nicky " dinamay ko ang inosenteng babae sa ginagawa ko .
"ah ganun ba ? tara na " nagsimula na syang maglakad pabalik sa room namen kaya lang hinawakan ko sya sa wrist nya.
"gusto mong sa garden muna tayo ? wala naman si mam eh " halatang nagulat si taba sa sinabi ko .
Ano ba kasing gusto kong gawin ?
"okay" tapos naglakad na sya papunta sa garden , ako naman sinusundan ko lang sya .
Hindi ko talaga alam kung bakit niyaya ko sya dito . siguro kasi nararamdaman kong may problema sya . baka gusto nyang magshare . PUTEK . ang tsismoso ata ng dating ko .
Pagkarating namen dito sa garden , parang tambayan umupo sya sa bench ako naman umupo lang den .
" may sasabihin ka ba ?" tanong niya saken
BINABASA MO ANG
Ikaw na kaya si Happiness ?
Teen FictionHappiness . Lahat ng tao gustong makuha yan , kahit sino naman siguro gugustuhing makakuha ng bagay na yan . Sa panahon ngayon , kahit kanino ka magtanong malamang mabilis nilang masasagot kapag tinanong mo sila ng "ano ang happiness mo ?" . Pe...