CHAPTER 32

15 4 1
                                    

Ashley's POV

"ashley come on , kumaen na kayo ni ethan "

Tinry kasi namen ni panget magswimming alangan namang tumunganga lang kami dito eh kaya nga outing to .

"sige po ate jobelle "

Bumalik na ulit si ate jobelle sa cottage namen , si panget lang kasi ang kakilala ko yung iba kasi mukhang ang tataray kaya di ko nalang sila pinapansin .

"panget tara na daw " umahon na ko sa dagat buti nalang nakasunblock ako hindi ako masyadong mangingitim pero okay lang den naman kung oo

"andyan na , magantay ka " umahon na sya kaya lang talagang bwiset ang taong to at hinampas pa yung tubig kaya napuwing ako .

"UGH ! bwiset ka ! panget ka talaga ! " sabi ko habang kinukusot kusot ko yung mata ko .

"HAHAHA oh akala ko ba tara na ? ang tagal naman "

Nung makarecover na ko nakita ko syang nakatalikod na at pabalik na sa cottage namen kaso alangan namang hindi ako gumanti ?

Dumukot ako gamit ng dalawang kamay ko ng buhangin at nilagay ko yun sa likod nya tapos tumakbo na ako pabalik , malapit lang naman yung cottage namin kaya nakabalik agad ako . Tawa ako ng tawa habang pinapanood sya .

"TABA KA TALAGA ! " sigaw nya saken kaya lalo pa kong tumawa , nakita ko kasi sya na pabalik na ulit sa dagat para ilublob ulit yung sarili nya para maalis yung mga buhangin sa likod nya .

Pinigilan ko kasi sya magtopless kanina , nakakahiya kaya alam ko kasi na magkukulitan kami eh nakakailang naman kung nakatopless sya diba ? buti ako nakablouse kahit manipis may harang pa rin .

"bwiset kang taba ka " bulong nya saken nung makalapit na sya saken sa cottage .

"thank you hahaha "

Hindi na nya ako pinansin at dumiretso na sya dun sa table ng mga pagkaen namen . Papunta na den sana ako kaya lang may tumawag saken kaya napatinigin ako sa kanya .

"baket ?" tanong ko sa kanya , lalake sya may itsura den naman kaso mas may itsura si panget sa kanya siguro anak sya ng mga kaibigan ni tita cynthia nasa cottage namen eh .

"ashley right ?" sampalin ko kaya to ? nakita na nga nyang nagrespond ako sa tawag nya kanina uulitin pa .

"oo bakit ?" syempre kelangan pa ding maging mabaet mahirap na baka ilunod pa ako nito sa dagat .

"wala lang , gusto ko lang makilala ka kaso wala akong time kasi lagi kayong magkasama ni kyle eh " nagkamot pa sya ng ulo nya , tsss pacute to .

"ah sorry , sya lang kasi yung kakilala ko dito eh "

"obvious nga eh , by the way Im ken " tinaas nya yung kamay nya asking for shakehands syempre tinanggap ko .

"siguro naman alam mo na yung pangalan ko "

"hahah yeah , gusto mo bang ikuha kita ng pagkaen ?" napatingin lang ako sa kanya . " ah baka lang kasi di ka pa nakaen ?"

"ah thank you , kaya ko naman kumuha "

"ngayon lang naman eh " pacute talaga to , ilunod kita dyan sa dagat eh akala mo nacucute-an ako sayo -_-

"sige kung mapilit ka eh "

Ngumiti lang sya saken kaya napilitan akong ngumiti pabalik , paalis na sana sya kaso napatigil siya nung sumulpot si panget sa tabi ko .

"sorry bro , kinuha ko na kase ya eh " nagulat naman ako kay panget may dala nga syang pagkaen . aba . ang baet ah .

Ikaw na kaya si Happiness ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon