Nicky's POV
"anak san ka na naman ba pupunta ?"
"a -ano po kase , pupunta po ako kanila ashley . "
"bakit naman tuwing weekend napunta ka dun ?" ang kulit naman nito ni mama , paano ba ako makakapagpalusot dito ?
"kase po , ano . kase po may group study po kame kase malapit na yung exams eh . "
"ganun ba ? osige magingat ka "
"opo " nagmano lang ako kay mama at tumakbo na palabas ng bahay .
"hooo , nakalusot din sa wakas . " nakahawak ako sa dibdib ko , bihira lang kase ako magsinungaling kay mama .
"san ka pupunta ate "
"b-bryan , anong ginagawa mo dito sa labas ng bahay ?" nagulat ako sa kapated kong lalake , narinig nya kaya ako ?
"pinabili ako ni mama sa tindahan eh , ikaw san ka pupunta ?" ang daming tanong ng kapated ko . 2nd year high school na kase sya kaya medyo matured na sya magisip .
"may group study lang kami ni ashley , sige na una na ako . " lalakad na sana ako ng biglang magsalita tong magaling kong kapated.
"sinungaling ka ate , idadamay mo pa talaga si ate ashley ?" tumingin lang ako sa kanya , ano ba to ? drama sa anime ?
"ano bang pinagsasabi mo bry ? pumasok ka na nga " tinutulak ko sya papasok sa bahay kaya lang sabi nga nila talo ang babae sa lalake pagdating sa physical na katawan .
"nagtatrabaho ka diba ?" nagulat ako sa tanong nya , kaya napaayos na ako ng tayo at tumingin sa kanya , sya naman humarap saken . paano nya nalaman ?!
"paano mo nalaman ?"
"ate , hindi naman ako engot para hindi ko mahalata na magmula nung pasukan ninyo eh tuwing weekends naalis ka para lang pumunta kanila ate ashley kaya sinundan kita nung isang linggo "
"para kanila mama naman ito eh , "
"pero ate , sobra sobra naman ang sweldo ni papa ah ?"
"oo nga , pero yung binibigay nilang allowance saken gusto kong ako na ang tumustos sa sarili ko at idagdag nalang nila yun para sayo . "
"hindi mo naman kailangan gawin yun ate , kapag nalaman to ni mama at papa lalo lang silang magagalit sayo "
"bry , wala naman akong ginagawang masama , para saken din to para maging independent ako sa sarili ko . hayaan mo nalang muna ako ."
"gusto mong magsinungaling ako kanila mama ?" napatingin ako sa seryoso nyang mukha . ang gwapo talaga ng kapatid ko . Pero tama ba na turuan ko syang magsinungaling kanila mama ?
"bahala ka kung gusto mong sabihin bry " tapos ngumiti lang ako sa kapated ko . ayaw ko syang idamay dito . kung malalaman man nila mama edi haharapin ko na lang .
"oh nicky , bakit andito ka pa ? baka malate ka sa group study mo , ikaw naman bryan , kanina pa kita hininhintay eh " si mama , andito sya . kinabahan ako bigla .
"ma naman , ang layo kaya ng tindahan , tsaka etong si ate kasi eh , kinulit pa ako , sige na ate baka malate ka pa kanila ate ashley " ngumiti lang saken si bryan kaya ngumiti lang din ako sa kanya at tumakbo na paalis .
Ayaw ko man idamay si bryan sa kasinungalingan na ito pero natutuwa ako na hindi nya ako isnumbong kay mama . Pagdating talaga sa kagipitan ang kapated mo lang ang maasahan mong tutulong sayo .
Napatigil ako sa pagtakbo nung nagvibrate yung phone ko , kinuha ko sa bag ko yung phone at tinignan kung sino . ashley. Isa pa sya sa mga taong pinaglilihiman ko , baka kase pag nalaman nya isumbong nya lang ako kanila mama dahil ayaw nyang nagtatrabaho ako .
BINABASA MO ANG
Ikaw na kaya si Happiness ?
Dla nastolatkówHappiness . Lahat ng tao gustong makuha yan , kahit sino naman siguro gugustuhing makakuha ng bagay na yan . Sa panahon ngayon , kahit kanino ka magtanong malamang mabilis nilang masasagot kapag tinanong mo sila ng "ano ang happiness mo ?" . Pe...