Kyle's POV
"ashley , ano bang binabalak mo ?"
"ako ang bahala . "
Nakatingin lang tong babaeng to dun sa nakasakay sa motor ko , hindi ko naman kase alam ang pangalan nya kilala lang sya sa school bilang pinakabully .
"sige aalis na ako , kelangan ko pang pagasolinahan yung motor ko eh "
"hoy pangit ! " bwiset . nagsalita na tong babaeng to . wag nyang sasabihing maghahamon sya ng suntukan ? mapapasabak pa ako pag ginawa nya yun .
"anong tinawag mo saken ?!"
"hindi mo narinig ? bingi ka ba ? sabi ko hoy pangit "
"ang lakas ng loob mo ah "
"hindi naman , duwag mo lang talaga " bumaba ung lalakeng hayop sa motor ko . at tumayo sa harapan ni ashley , subukan nya lang galawin yan magugulpi ko na talaga sya .
"anong gusto mong mangyari ha ?"
"makipagkarera ka saken . " napatingin lang ako sa kanya . nababaliw na ba sya ? ano ba naman tong babaeng to . tinalo pa ako sa pagiging lalake .
"seryoso ka ? HAHAHAH . babae ka kung di mo alam ?"
"bobo ka ba ? alam kong babae ako . naduduwag ka ba ?"
"ang tigas talaga ng bungo mo eh noh ? sige pumapayag ako "
"kapag nanalo ako , ibabalik mo ang motor ni kyle at hahalikan mo ang paa niya . "
"aba ayos ka , pero sige pumapayag ako . sisiw ka lang naman . pero kapag nanalo ako magiging girlfriend kita "
"okay fine . "
"asan ang motor mo ?"
"oo nga pala noh ? teka mag antay tayo ng dadaan na nakamotor "
Hinigit ko ang braso ni ashley at napatingin sya saken .
"nababaliw ka na bang babae ka ? hindi naman mahalaga saken yng motor na yan , gusto mo bang maging girlfriend ng hinayupak na yan ?" tinanggal nya lang yung pagkakahawak ko sa braso nya at ngumiti .
"hoy panget , kung matatalo ko sya titigil na sya sa pangbubully sa iba , at yan ang dahiln kung bakit ko sya hinamon , gusto ko ding mabawi ang motor mo sa kanya " tapos ngumiti lang sya saken .
"paano pag natalo ka ?"
"trust me , hindi basta basta tong taba ko " natawa naman ako sa sinabi nya kaya bumalik na ulit sya sa pagtingin kung may dadaang nakamotor .
Maya maya pa , may dumaan na nakamotor , at etong baliw na babaeng to hinarang yung nakamotor kaya biglaang napatigil si - teka ? si ace pala to eh ?
"ano ka ba? Papakamatay ka ba ?"
"sorry , peram muna ng motor mo please "
"teka ? ashley ?" nagulat naman si ashley kasi nakahelmet pa si ace eh , kaso kilala ko kase yung bag nya . tinanggal ni ace yung helmet nya kaya napangiti si taba .
"uy ace ! ikaw pala yan . peram naman ng motor mo please ?"
"ha ? "
"ACE ! " NAPATINGIN sakin si ace kaya nagets nya na ata .
"sige . eto oh . "
Sumakay naman si ashley sa motor ni ace , at binigay ni ace yung helmet nya . si ace naman lumapit saken na nagtataka .
"anong nangyayari " hindi ko sya pinansin kase ngayon nagalala na talaga ko para kay ashley .
"may motor na ako . ano tara na ?"
BINABASA MO ANG
Ikaw na kaya si Happiness ?
Novela JuvenilHappiness . Lahat ng tao gustong makuha yan , kahit sino naman siguro gugustuhing makakuha ng bagay na yan . Sa panahon ngayon , kahit kanino ka magtanong malamang mabilis nilang masasagot kapag tinanong mo sila ng "ano ang happiness mo ?" . Pe...