Nicky's POV
"nicks bakit wala si panget ?"
"ash pangilang sagot ko na to sayo HINDI KO ALAM "
"kainis naman "
"bakit mo ba siya hinahanap ?"
"eh wala akong katabi "
Sus . kunwari pa tong babaeng to namimiss lang niya si kyle kaya siya nagkakaganyan . Kanina pa siya tanong ng tanong kung nasaan daw si kyle eh sila nga tong close . -_-
"nicky "
"ah ash ano pala gagawin mo mamaya ?"
"wala naman "
"ah sige "
Tapos nagsulat sulat ako sa notebook ko , kanina pa kasi ako kinakausap ni ace kaso kanina ko pa den sya hindi pinapansin . Wala akong balak makipagusap sa sinungaling .
"ace alam mo ba kung nasan si kyle ?" napangiti na naman ako nung marinig ko si ash na nagtanong na naman tungkol kay kyle . Ayaw pa kasing umamin na nagaalala halatang halata naman .
"hindi ka ba niya tinext ?"
"diretsuhin mo na ko ace "
"may lagnat kasi sya kahapon pa "
"bakit daw ?"
"aba malay ko "
Tapos natahimik na si ash . May lagnat si kyle ? aba akalain mo yun nagkakalagnat din pala ang mga masusunget .
"nicks " kinausap na naman ako ni ace . Hindi ba sya marunong makiramdam na ayaw ko syang makausap ?
'good morning class '
Yes. Save by the teacher . Hindi ko kailangan magsinungaling sa harap ni ace buti naman at dumating na yung last teacher namen .
Yung sinabi ni ash kahapon pinagisipan ko mabuti yun , nagresearch pa nga ako sa facebook kung totoo at tama ang hinala ko . Bakit ba hindi ko nahalata na isa syang alvarez .
' Class ireremind ko lang kayo na malapit na ang recollection niyo . Everyone is required to join to this event . Next week I will give you the conscent '
Recollection ? Last year hindi sumama si ash sa recollection na yun . Ngayon kaya sasama kaya siya ? Baka magbalik lang lahat kung maalala nya .
' you may leave now '
Pagkasabi ni mam nun , kanya kanya ng tayuan ang mga kaklase ko . Si ash tumayo na den at nagayos na ng gamit nya . Ako naman ganun na den ang ginawa ko dahil ramdam ko na may nakatingin ngayon saken .
"ash una na ako "
"ha ? hinatayin mo na ako "
"kasi hinahanap na ako ni mama kaya kailangan ko ng umalis "
"ganun ba ? s-sige "
Tumakbo na ako palabas ng classroom nung makalayo na ako tumigil na den ako . Nakakahingal kaya .
"nicky " nagulat ako kasi may humawak sa braso ko . Humarap ako sa kanya . Kay ace .
"bakit ?"
"iniiwasan mo ba ako ?"
"hindi "
"bakit hindi mo ako kinakausap ?"
"ace kailangan ko na talagang umuwi , si ash nga hindi ko hinintay tapos ngayon sagabal ka pa ?"
BINABASA MO ANG
Ikaw na kaya si Happiness ?
Teen FictionHappiness . Lahat ng tao gustong makuha yan , kahit sino naman siguro gugustuhing makakuha ng bagay na yan . Sa panahon ngayon , kahit kanino ka magtanong malamang mabilis nilang masasagot kapag tinanong mo sila ng "ano ang happiness mo ?" . Pe...