Chapter 2

712 24 0
                                    

"Hi! Are you Kist?" i raised my head and saw a guy. OMG! Eto ba si Yael???

E mas gwapo pa yung Parrot namin dito kay Yael e. Akala nyo gwapo no? Porke nagulat gwapo na? Maling mali.

"Hey! Yes, I am Ki-- Si Yael ka diba?" i asked him for confirmation. E kasi sa mga nababasa ko kapag ganitong panget yung kababata, gagwapo bigla paglaki e. Bakit sya hindi?? 

"O-oo. Bakit? Gwapo ko ba kaya di mo ko nakilala? Hehe."

"Halika na Yael. Uwi na tayo." pagpipigil ko kay Habagat. Ang hangin e. Hanebe. Hindi naman sa disappointed ako sa itsura nya, pero .. Tse. Okay na yun. Atleast di ako mao-awkward sa kanya.

Sumakay na kami sa taxi. Nagkwentuhan at nagtawanan. Mahaba pa byahe namin.

"Hahaha! Yael. Grabe. Buti naman at di ka nagbago."

"Sa ugali?"

"Hahaha! Hindi a. Assumimg neto. Sa hitsura mo Pare. Hahaha!"

"Arayy naman. Grabe ka. Ineexpect mo na Pogi ako no?"

"Hindi naman. Ano ka ba. Gwapo ka man o hindi, ikaw pa rin si Kababata ko.", tas niyakap ko sya sa bewang.

Hindi kami na awkward sa isa't isa. Ang gaan gaan nga ng loob ko sa kanya e. Sobra. Kahit panget to si Yael, di ko sya ipagpapalit.

"Nagka boyfriend ka na ba? Ha? Kist?"

"Oo. Isa. First ko. Gwapo yun. Sobra. Mico name nya. Sobrang gwapo talaga nya. 3 days lang kami. Sya nakipagbreak. Reason nya, ang panget ko daw kasi."

"Grabe naman yun. Bakit nya ginawa yun? Tsaka bakit ka pa nya niligawan?"

"Ewan ko dun."

After 1 hour nasa bahay na kami. Paglabas naming taxi, tumalon ako sa kanya at umangkas sa likod nya.

"Buhatin mo ko papasok. Dati ako bumubuhat sayo e. Ikaw naman."

Papalapit na kami ng pinto ng bahay. Teka nga, bakit ang ingay?? Parang party party na sa loob a.

Pagbukas ng pinto, bumaba na ko kay Yael.

"Anong meron?" dumiretso kami ni Yael ng dining area. Kumakain dun sina Mama, Killian, at isang stranger.

Nagkiss ako kay Mama sa cheeks.

"Sino sya?", tapos umupo na ko sa vacant seat which is beside the stranger at si Yael katabi ni Killian.

"Mamaya na po ako magpapakilala sa kanya Tita Eleyn.", sabi nung Kuyang Stranger.

"O Yael o. Caldereta. Paborito mo 'to diba?" inabot ko kay Yael yung Caldereta.

Nang mabulunan sya, inabutan ko naman sya ng juice.

"Hoy Yael. Baka isipan mo ng masama ang kabaitan ko ha. Na miss kasi kita boyfriend e."

"Boyfriend?" sabay sabay na sabi nila Mama, Killian, at nung stranger.Si Yael, ngumiti lang. Tiningnan ko yung stranger. Aba! Nakikitawa?

"Boyfriend. Lalaking kaibigan. Ano ba naman Ma. Tatagalugin lang e."

Tapos binatukan ako ni Mama. Nang matapos na kami magdinner. Pumunta kami lahat sa living room kasama si Stranger.

Lumapit sakin bigla yung stranger at niyakap ako bigla. Ha?? Anyayare? Tumingin ako kay Yael. Nakangiti lang sya. Eeee. What's happening?

Tonight's FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon