Chapter 6

472 19 0
                                    

KIST'S POV

"Holo. Angel, Queency. Ano gagawin ko? May gusto na ako kay Yael."

Tambay kami sa McDo.

"Gwapo naman si Yael a."

"Hindi naman yun yun Angel e."

"E anong problema?"

"Queency kasi. Kababata ko yun, tsaka. Masisira ang relationshp namin as friends kapag umamin ako."

"Ay heto Kist. Si Shawne. Magaling magadvice yan." tinawag namin si Shawne.

"O bakit?"

"May gusto ako kay Yael e."

"Oh my gosh! Bea! Bea! Dali. Halika!" nagsilapit na sila lahat. Una si Angel at Queency lang kasama ko sa table e.

"Sabi sabi ka pa na hindi magkakagusto kay Yael. "-Angel

"Anong gagawin ko?"

"Ganto lang yan. Ahem! Sabihin mo kay Yael yung nararamdaman mo. Sabihin mo na, Yael, gusto kita " -Shawne

"Pano pag na awkward sya bigla?"

"Edi sabihin mo bigla. Joke lang Yael. Qoutes yun."-Bea

"HAHAHAHAHA!", tapos nagtawanan sila lahat. Mga baliw talaga.

Kasi e. Hindi naman talaga imposibleng magkagusto ako kay Yael. Okay sige. Gwapo yun. Tsaka kasi ang sweet nya e. Lagi nya akong pinapakilig. After 3 days nung magStar City kami, sobrang sweet nya sakin. Pakiramdam ko nga, may gusto yun sakin e. Holo! Assuming ako. Hanebe.

"Alam mo Kist. Umamin ka na lang."

"Queency naman e. "

"Pag di mo ginawa ... "

"Ano?"

"Dadanak ang dugo sa ilog Pasig."-Rosellie

*Riiing .. Riiiing ..

"Sino yan? Sino yan? Si Yael ba? Sagutin mo na."-Maricar

"Oo heto na."

"O bakit?"

(Nasan ka? Sa McDo?)

"Oo. Bakit?"

(May ipapakilala ako sayo)

"Talaga?"

(Oo. Sunduin na kita.)

"Sige."

(Bye.)

"Bye"

"Ano daw sabi?"

"Susunduin daw nya ko ngayon. May ipapakilala sya."

"Ayan na. Chance mo na yan. Magtapat ka na sa kanya."-Angel

5 mins. later dumating na si Yael at sinundo ako. Pagkarating namin sa Playground wala pang tao. I'll grab the chance na.

"A-ano Yael. I need to say something."

"Hmm?"

"Gusto k--"

"YAEL!" may biglang tumawag na babae kay Yael. Hindi ito nililingon ni Yael, nakatingin lang sya sakin at hinihintay ang sasabihin ko.

"Ano yun Kist?"

"Yael. May tumatawag sayo."

"Hindi sige. Ituloy mo muna."

"G-gusto ... ko ng ice cream. Papabili sana ako?" smile smile. Fake smile.

Lumapit bigla yung babae. Ang ganda nya. Sobra.

"Girlfriend mo?" tinap ko yung braso nya. "Waaw. Chix a. Bagay kayo. Hi. My name is Kist, and you are?" inilahad ko yung nanginginig ko na kamay.

Tonight's FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon