Sabay kami pumasok ngayon ni Yael. School ko muna bago School nya kaya mauuna ako.
"Bye Yael."
Pumasok na ako ng room. Jeez. Late nanaman ako. Nasa labas tuloy ako. Pero may kasama naman ako. Si Shawne. Laging late to e.
2nd period na kami nakapasok.
"Sino puwedeng pumunta sa Section 2? Pakitawag naman si Brian. Nasa computer room ata sila."
Brian daw?? OMG. Crush ko yann.
"MA'AM! I Volunteer!" tapos tumayo pa ako. Pinagtawanan tuloy nila ako. Pero kahit na ba. Atleast, makaka ninja moves ako kay Bri.
**
Pumunta akong computer room sa 3rd floor.
"Ma'am. Pa excuse daw po si Brian."
Pinalabas ni Ma'am si Brian.
"Bakit daw Kist?"
"Ewan ko e."
"Grabe. Ang lamig sa loob. Lamig tuloy ng kamay ko."
"O? Sakin mainit e."
Tapos. Tapos. Tapos!! AAAA!
"Ongaa no. Ang init. Hawakan ko muna hanggang mawala yung lamig. Okay lang?"
"H-ha? S-sige."
Omegesh. Ninja moves. Na-na NAKA HOLDING HANDS KO SI BRIAN! Ang tagal pa naming magkahawak. Nung malapit na kami sa room. Bumitaw na sya at nag thank you. Aysus! Headline nanaman to sa mga friends ko.
**
"Oo. Grabe. Ang lambot ng kamay nya."
"Eeee." tumili si Rosellie
"Pahawak nga." kinukuha ni Bea yung kamay ko
"Eee. Wagg. Wag nyong hahawakan to kundi magkakapatayan tayo dito at dadanak ang dugo sa buong school!"
Hanggang gate. Tilian kami ng tilian.
"McDo tayo. Libre ko kayo ng McFloat.", pagaaya ni Rica. Malapit lang kasi yung McDonalds sa school e.
Paglabas namin ng gate. Nakita ko yung kotse namin.
"Guys. Una na kayo. Sunod ako. Order na din kayo."
Pagka alis nila. Pumasok kaagad ako sa kotse.
"O bakit?"
"Sabay tayo uwi."
"Eeee. May pupuntahan pa 'ko."
"Sama ako."
"Eeee. Pagkakaguluhan ka ng mga friends ko. Gwapo ka diba?"
"Dali na."
Pagkatapos ng 5 minutong pilitan.
"Eee. Sige na nga." Sumakay ako ng kotse.
"Kuya Dom, McDo po tayo dun lang yun. Diretso lang po yun."
Pumasok na kami ni Yael ng McDo. Pagbaba pa lang namin ng kotse, pinagtitilian na sya.
"2 Cokefloat. Yung monster."
Umorder kagad sya. Di ko pa nga nakikita sina Angel e.
"Kist. Baka pagkaguluhan ako dito." bulong ni Yael.
"Sama sama ka pa kasi e. Naka uniform ka pa. Halatang taga private."
Kinuha na namin yung order namin. Papalakad pa lang kami may lumapit saming tatlong babaeng mukhang mga haliparot.
BINABASA MO ANG
Tonight's Fairytale
Novela JuvenilLove is Sacrifice. Are you willing to sacrifice your own life for the one you love? Why is Tonight's fairy tale's so mean?