Chapter 11

440 16 1
                                    

KILLIAN'S POV

Sira ulo talagang babae yun. Pinagtripan ako. Akala ko talaga, mamamatay na ko. Takte. Malaman laman ko, tomboy pala yun. Hinalikan ko pa. Yuck! Kadiri!

Hinahabol ko yun ngayon. Kasi e, she stole a picture of me na naka .. Amp. Boxer. Sht!

**Flashback

"Umalis ka na nga dito Panget na nilalang." pinapalayas ako nung Serenity ngayon pagkatapos akong kidnapp-in.

"A-anong ginagawa mo? Ha?" tinakpan ko yung mata ko.

"Nagbibihis! Bakit ba?! Napaka arte mo naman. Lalaki din naman ako."

"H-huh?" napatingin ako tapos napatakip ulit ng mata.

"Kalahating babae, kalahating lalaki. Tapos na ko magbihis."

Humarap ako sa kanya.

Takte. Ang ganda talaga nito. Tomboy nga lang. Her name is pretty tapos tomboy pala.

"Akala ko ba Tomboy ka? E bakit ganyan suot mo. Shorts?"

"Wala lang. Na kucute-an ako sa sarili ko e. Hubarin mo na nga din yang suit na yan. Sa daddy ko yan e. Ginamit ko lang sayo."

"Ano ba kasing problema mo?"

"Wala. Kasi e, ipapakasal ba naman ako ng sapilitan. Edi kunyari may asawa na ko, at ikaw yun, kaya di na nila ako pipilitin."

Hinubad ko na isa-isa yung damit. Inabot ko yung mga damit ko na nakapatong sa kama.

"Ang cute naman ng boxer mo. Hearts. Akin na lang." Yep. Naka boxer ako. Tss. Wala ng hiya hiya lalaki naman 'to e. =_=

"Bakit may reporters pa?"

"My dad is kind of famous kaya pati ako bilang anak, nadadamay na sa ganun. But i never wanted to go into show business. Kaya yun, marereport na may asawa na ako kaya hindi na nya 'ko ipapakasal sa kung sino mang balasubas yun na nakilala nya abroad."

"Ako pa talaga ginamit mo?"

"Makasalanan ka kasi. Akala mo nakalimutan ko na yung kasalanan mo sakin ha."

Tapos na ko magbihis kaya humarap na ko sa kanya. Pag harap ko, may pinakita syang picture sakin. Takte. Picture ko na naka boxer shorts. Sira ulo talaga.

"Kapalit to ng pagiging lapastangan mo sa labi ko. Ikakalat ko to sa media. Bwahahaha!" tumakbo sya bigla, kaya hinabol ko naman sya. Kainis!

**

Hayun nga. Hanggang ngayon naghahabulan pa rin kami. Dito rin pala sa village namin yun nakatira, kinidnapp pa ko sa labas e mag kavillage din pala kami. Tss.

"Hoy! Serenity! Hoy!"

Asan na ba yun. Paglingon ko, nakita ko sya. Tumatakbo. Palapit sakin. Huli ka.

"Tinatayo tayo mo dyan. Takbo! Kung ayaw mong lapain ng 3 labrador!!"

Ha? Wait. Nag pa process pa. 3 what? Labrador?

"Sht!" napatakbo na rin ako. May humahabol nga sa kanyang 3 labrador. Sinundan ko si Serenity.

"Pano ka nakaakit ng 3 aso?"

"Charming daw ako!!"

Pumasok kami sa gate ng isang bahay. Malay ko ba kung sinong naka tira dito pero atleast dito, safe kami.

"Hooo! Saya.", nag appear kami. 

"Baliw. Halos mamatay na tayo. Haha."

"Ayos lang yun. Sino ka nga pala?"

Tonight's FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon