Chapter 35

186 2 0
                                    

Lumagpas kami sa limitasyon ...

... Ng pagiging magbestfriend. Naging kami ulit.

Ngayong gabi lang.

Nagpaalam naman daw sya kay Mama na dito matutulog. Mama knows how much Yael, love and respects me. Kaya pinayagan nya si Yael. Wala naman talaga kaming gagawin e.

We sleep together. Pero uy, di kami nag chu-chu ha. Tabi lang kami natulog. Wala talagang nangyari.

Nagising ako sa lamig ng aircon.

I saw him staring at me.

"Sorry, did I wake you up?"

I shook my head.

"Yael .. Namimiss na kita." umiyak nanaman ako. Badtrip. Iyakin.

"Maiintindihan mo din kung bakit nangyayari 'to?"

He kissed my forehead and told me to sleep. 

He was holding my hand the whole night.

Panaginip lang ba 'to? Na kasama ko ulit si Yael?

If this only exist in my dream, please, ayoko na magising.

**

"March 17 na?" i looked at my calendar sa phone ko. 

Sunday pala ngayon. Makapagsimba nga.

Niyaya ko si Mama at Kian, pero sabi nila nakapagsimba na sila kaninang umaga. Di man lang ako hinintay. Sama nila no?

Therefore, magsisimba ako mag-isa. Hmp.

Nakaupo ako ngayon sa mahabang upuan. Forever alone ako. Walang gustong tumabi?? Tsk.

Tapos, biglang may tumabi sakin. Tiningnan ko 'to.

Omygosh.

Ngayon ko na lang sya ulit nakita a. T^T

Si Yael.

Then, he smiled at me.

Yung sa part na Ama Namin na.

Hinawakan nya yung kamay ko.

Heavennn. Holding hands o.

Natapos na yung kanta. Bibitaw na 'ko kay Yael e. Pero hawak pa rin nya yung kamay ko.

I looked at him. Diretso lang yung tingin nya but he's smiling. He filled the spaces between my fingers. Naiiyak tuloy ako.

Hanggang sa matapos yung mass, nakahawak pa rin sya sa kamay ko.

My bestfriend and my boyfriend? Ay. Pwede na.

Hinatid nya 'ko pauwi.

"Sunduin kita mamayang 10 ha?"

"Sigee."

Pagpasok ko ng bahay, sinalubong kagad ako ni Mama.

"Kist! Look o! Ang ganda ng damit mo. Mukha kang prinsesa dito."

Dumating na pala yung in-order kong damit. Bakit ganun? Feeling ko di ako excited.

7pm pa lang, pero sinimulan ko ng ayusin ang sarili ko. Light make up. Si Mama ang nag-ayos ng buhok ko, medyo kinulot nya tapos nakatali yung upper portion ng hair ko.

I look at my dress. Jeez!White. Di naman kaya maging kakulay ko yung table nito? Mukha ata akong ikakasal e. >.<

Mga 9:30 tapos na 'ko.

Naupo muna ako sa kama ko.

"Huh?" i saw my invitation.

"Andito lang pala 'to?"

Tonight's FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon