KIST'S POV
1 week na ang nakakalipas after nung mga nangyari sa resort. Una na awkward ako kay Yael pero balik na din kami sa dati ngayon.
Hindi sa napagod akong magmahal sa kanya, nakakapagod kasi mag assume at umasa sa wala. Naaawa na rin naman ako sa sarili ko. Pero di ko makakaila na, may crush ako kay Yael. Crush lang naman. It's not something like love? Diba?
"Yael. Motor tayo. Samahan mo ko sa mall. Bibili lang ako ng pang regalo kay Marinel."
"Mamayang gabi na. Para malamig."
"Eee. Ngayon na habang maaga pa. Pleaaase .. "
"Sige na nga. Malakas ka sakin e." he pinched my nose kaya sinuntok ko sya sa braso. Friendly punch lang.
**
Bumili ako ng Unan na may tatak na hello kitty. Mahilig si Manel sa hello kitty e.
"Dapat nagkotse na lang tayo Kist e."
"Motor na. Matagal tagal na din yang hindi nagagamit e."
"Sabagay."
Ang saya na namin diba? Wala ng awkward awkward.
"Kumapit ka ng maigi ha."
"Opo Captain!"
Humawak ako sa bewang nya. Wala ng mabilis na tibok ng puso.
Okay na ang lahat diba? Balik na sa dati. Kaso biglang nangyari 'to.
*Naganap na banggaan ng isang ten wheeler truck at pajero naka aksidente pa ng ibang motorista .. 5 sugatan, 2 kritikal *
Kritikal? 2? Oo. Kaming dalawa ni Yael yun. Napasama kami sa bungguan ng gabing yun pagkatapos namin bumili ng regalo. Saklap ng nangyari.
YAEL'S POV
5 araw ng lumilipas di pa rin gumigising si Kist. Napasama kami sa banggaan nung ten wheeler truck at isang pajero. Mabagal lang takbo namin, kaso sumalpok bigla yung pajero samin matapos mabunggo nung truck.
Nauna akong nagising kay Kist. Kahapon lang.
"Yael. Magpahinga ka na. Kami na muna ni Killian ang magbabantay kay Kist."
"Hindi po Tita. Okay lang ako."
"Kuya Yael. Buong araw ka ng nagbabantay dito. Kelangan mo ding pumasok."
Just like what they said. Nagpahinga na ko sa bahay at pumasok kinabukasan.
Nilapitan ako ni Kelly.
"Yael? Okay ka na ba? Si Kist? Gising na ba sya?"
Umiling lang ako.
Buong linggo akong wala sa sarili. Si Kist lang iniisip ko lagi. 2 weeks na ang nakakalipas di pa rin sya nagigising.
Pumunta ako kasama si Kelly sa hospital.
"Kist. Gising na. Tanghali na. Mag ma McDo pa tayo. Ang baho baho mo na o. 2 linggo ka ng di naliligo. Wala ng magkakagusto sayo nyan."
"Yael .. " Kelly tapped my shoulder.
"Yael. I know that this isn't the right time to say this but this has to be told now. Yael, I'm breaking up with you."
"Kelly? Ano bang sinasabi mo? Did i do anything wrong?"
"Hmm hmmm. Wala Yael. No hard feelings. I enjoy 1 month dating you. Pero alam mo, ayoko ng nahihirapan ka. Alam kong mahal mo si Kist. Natatakot ka lang aminin sa sarili mo. Kasi all this time akala mo bestfriends lang talaga ang tingin mo sa kanya. No Yael. Niligawan mo ko kasi nakita mo sakin si Kist. And that hurts. Hehe. Killian told me that I have the same attitude with Kist. Yael, dapat maging honest ka sa feelings mo."
"Kelly. Ano ba pinagsasasabi mo? Mahal kita, alam mo yan diba?"
"Okay lang ako Yael. Hindi mo na kailangang isipin pa ako. Hehehe. I love you too that's why I'm letting you go. Don't be unfair with Kist." inabot nya yung kamay ko.
"Friends?"
"Sorry Kelly. Hindi ko alam sa sarili ko kung ano ba talaga ang nararamdaman ko for Kist. Bestfriends kami. Yun lang yun. Pero after what you've said, parang hindi ko na kilala ang sarili ko at ang nararamdaman ko." inabot ko yung kamay nya at niyakap ko sya.
"Why don't you try to look at Kelly as a girl that you want to court rather than a bestfriend. Stop treating her as your bestfriend. Okay? Hehe."
"Ma .. " napatingin kami kay Kist.
"Kelly! Gising na sya!!"
"Yeah. I'll call the doctor."
Nagising na sya. Babalik na ang lahat sa dati. Ewan ko kung totoo ang sinabi ni Kelly. I don't know. Basta ang alam ko gising na ang bestfriend ko.
Naghintay ako ng isang buwan before ko ulit kulitin si Kist at subukan ang advice ni Kelly. Nag undergo muna sya ng mga tests para malaman kung okay na talaga sya.
"Yo Yael! Ano McDo na tayo?" pagyayaya nya sakin.
"Sure. Libre mo?"
"Wag na nga. Ma, McDo tayo?"
"Your treat?"
"Eee. Asan ba si Killian? Yun na nga lang. Killian! McDo tayo!!!"
"Oo nga. Nasan ba si Killian?"
KILLIAN'S POV
*Hushh ..*
Ano bang problema ng babaeng yun? Binabalik ko na nga yung wallet nya e. Pinapabugbug pa ko sa bodyguards nya. Hindi ko kasi kagad naibalik e. Nakalimutan ko, ngayon ko lang naalala.
Ugh. Ayan nanaman sila. Anyway, hinahabol nga pala ako ng 6 na lalaki ngayon para bugbugin dahil daw binastos ko yung amo nila. Duh? Binastos??
"Aww. Awww. Tekaa! Aray. Suko na ko!!"
Nahuli nila ako. Bagal ko talaga tumakbo. Ano ba 'tong boss nila? Gangster??
"Ipasok na yan sa kotse."
Dinala nila ako ng sapilitan sa isang itim na kotse at pinatulog. Pagkagising ko, nakasuot na ako ng white suit. Huh??? Nilibot ko yung buong kwarto. Maganda a. Malinis. Mayaman siguro nakatira dito.
Biglang bumukas yung pinto at may pumasok na isang babae. Maganda sya. At teka ngaa??? Naka suot sya ng wedding dress. Tapos ako white suit? Don't tell me I'm married????!!!

BINABASA MO ANG
Tonight's Fairytale
Teen FictionLove is Sacrifice. Are you willing to sacrifice your own life for the one you love? Why is Tonight's fairy tale's so mean?