KIST'S POV
Sunday ..
"Awww. Yael, maiiwan dito mag isa. Kawawa naman." im teasing Yael.
"Waaaa! Wala akong naririnig! Waaa!" sinusundan ko sya kasi naglalakad sya palayo sakin
"Kuya Yael, bigyan kitang number ng mga chics ko para naman di ka mabored dito sa isang linggong wala kami ni Kist. Haha. Payag ka?"
"Yunn! Sure! Nagkakasundo tayo Ian a." nilabas nila ni Ian yung cellphone nila.
"Yan. Maganda yan. Akin na number."
Aba! Magkakalat pa ng lagim dito sa bahay itong si Yael.
Inagaw ko yung cellphone ni Ian.
"Ano bang ginagawa mo Kist?"
"Hoy Ian na playboy. Tigil tigilan mo nga yan si Yael "
"At bakit? Selos ka no?"
"Hindi a. May liligawan yan si Yael. Magagalit yun kasi mambabae si Yael habang nililigawan sya."
"O talaga? Ibig sabihin pala magagalit ka kapag nagdala ako ng babae dito?"
"Natural! Ha? Ano ba Yael. Ang epal mo."
Naghagikgikan sila ni Killian. Baliw talaga tong dalawang 'to pag nagsama.
*Riiing .. Riiing .. *
Tumunog yung cellphone ni Ian.
"Oaaa? May tawag ka Ian."
"Sino?"
Nagkibit balikat ako then answered the phone
"Hello? ... Nandito. Um, kapatid nya 'ko ... Ummm. Ganun ba ... Sige ... " hinagis ko kay Ian yung phone nya.
"Sino ka?" walang galang naman sumagot 'tong kapatid ko. Malambing pa naman yung boses nung nasa kabilang line. Aba nga naman. Girlfriend nya siguro. E bakit di naka register ang number. Hayy. Ewan sa kanila.
Lumabas na ng bahay si Ian. Pumunta siguro sya ng garden. Tiningnan ko si Yael. Hala! Ang takaw. 5 balot ng malaking chichirya ang katabi habang nanonood sa sala.
Tinabihan ko sya at kumuha ng isa.
"Hoy akin yan."
"Wag ka madamot ha. Anong pinapanood mo?"
"She's the Man."
"Wehhh? Ang gwapo kaya dyan ni Channing Tatum. Kanina pa nag start? Ha? Kanina pa?"
"Ngayon lang. Kakalagay ko lang ng cd e."
"Dvd yan? I backward mo dali. Umpisahan natin!"
"Eee. Wag na. Ang gulo mo. Mas gwapo pa naman ako dun!!"
"Pleaaaase."
"A-YO-KO."
"Napakadamot mo." binato ko sa kanya yung isang throw pillow.
Nanahimik na rin ako sandali. Manonood na ako ng matino. Kalagitnaan ng maubos namin pareho yung mga pagkain.
"Kist. Kuya Yael. I'll be going out for a while. " nagtatakbo na palabas ng bahay si Killian. Problema nun?
YAEL'S POV
'Ang gwapo mong tao, torpe ka naman.'
Paulit ulit na tumatakbo yan sa isip ko magmula pa kagbi. Si Kelly kasi e. Sari sari ang advice.
Naka chat ko kagabi sa fb si Kelly. And she told me na dapat na akong magtapat kay Kist. Natatakot kasi ako e. Amp. Nababading ako.
"Kist, pahiga."

BINABASA MO ANG
Tonight's Fairytale
Teen FictionLove is Sacrifice. Are you willing to sacrifice your own life for the one you love? Why is Tonight's fairy tale's so mean?