KIST'S POV
Mag-dadalawang linggo na si Yael dito sa Pilipinas. Naka move on na din ako kay Brian. Pero .. May masamang nangyayari sa puso ko. Nakakainis.
Pumasok ako sa kwarto ni Yael ngayon. Nasira kasi yung laptop ko. Naibato ko last week. Si Killian naman kasi ang damot damot. Ayaw magpahiram. May porn siguro yun sa laptop nya. Yuck.
Naliligo si Yael. Kaya chineck ko yung mga files nya. Aba! Walang porn. Good boy. Nag online ako sa facebook ko. Puro bashers. Malandi daw ako. Bad girl. Bakit ko daw binuhusan ng float si Brian.
"Hay nako. Ewan ko senyo."
Biglang lumabas si Yael ng banyo. Tapos sisigaw sigaw sya.
"Kist! Kist! Kist! Tignan mo. Tignan mo." lumabas sya ng topless. Baliw talaga.
"Ano ba yun?"
Lumapit sya sakin.
"Hoy. Nagkalat ka na ng basa."
"Tignan mo Kist. May abs na ko!"
"Asan dyan?" tinignan ko yung abs daw nya, "wala naman e."
Bigla nyang hinatak yung kamay ko tapos nilagy sa tyan nya.
"Ayan o. Diba ang tigas?"
"AAAAAA!" binawi ko bigla yung kamay ko. Pakiramdam ko namumula ako kaya lumabas kagad ako ng kwarto nya at nagtatakbo sa kwarto ko.
"He's crazy. Ano bang ginagawa nya? B-baliw talaga. Ugh. Teka nga, di naman ako ganito dati a. Dati nga dinudutdut ko pa yung tyan nya e."
"Oo nga. Di ka naman ganyan dati. Ano ba nangyari?"
"AAAAAA! Ma? O? Nakauwi na kayo?"
"Oo. Kanina pa. Nakita kitang nagtatatakbo dyan. Anong problema mo?"
"Wala po. Si Yael kasi pinahawak yung abs nya sakin."
"Yun lang e. Hay nako. Anyway, bukas pupunta tayo ng Star City. Tayong apat nila Yael. Bonding bonding. Aalis kasi ulit ako kinabukasan."
**
"O sya. Tig isa na tayo ng kotse. Killian, sakin ka na sumabay. Si Yael at Kist na magkasama."
"Ma, gamit ni Kuya Dom at Ate Gina yung isang kotse. Naggrocery sila. Mamaya pa uwi nun. Sabay na kami ni Yael sa inyo." pagpipilit ko kay Mama
"Gamitin nyo na yung motor. Marunong naman si Yael magmotor e."
"Bakit nyo ba kami gusto pagsamahin ni Yael? Ha? Ma? Kaya ba ng motor hanggang Star City??"
"Kaya yan. Tiwala lang."
"Ano ba Yael. Tiwala lang ka dyan. Pag tayo tumirik sa kalye."
*Vrooom.
Umalis na sina Mama. Ang bad talaga.
"Tara na Kist. Angkas na."
"Epal talaga. Wag ka sesemplang ha."
"Oo naman. Yakap ka na ng mahigpit sakin."
"Opo master."
Hayun. Humawak nga ko sa bewang nya. Tapos biglang, *Dugdug!Dugdug!* Holo. Yung puso ko. Naman. Naman. Kinakabahan siguro ako.
**
"Picture! Picture! Kist anak lapit ka ng onti kay Yael. At ikaw Killian dito ka sa tabi ni Yael. Yan. Okay! 1, 2, 3 Say Superman!"
"Superman!"
"Suman!" Si Killian yan.
*Click!*
"Snow world tayo. Ma, Dali."
"Killian, sa horror house muna tayo. Please baby Ian. Pagbigyan si Mama."
"Sige na nga po."
"Yael, Kist. Wag maghihiwalay ha."
"Opo."
I'm not scared of Horror house. Naman. Mga bata lang takot sa mga fake na monsters e.
Pumasok kami na Cool na cool sa loob. Paglabas ..
"Sabi ko na nga ba e. Hindi naman nakakatakot yung mga monsters dun." pagyayabang ko kina Mama.
"Kaya pala." sabay sabay na sabi nilang tatlo. Tumingin ako sa kanila.
Yung damit ni Mama. Lumawlaw. Si Killian natanggal yung butones ng polo. Tapos si Yael, Aba! Maayos a. Walang nangyari. Tiningnan ko sya. Bigla nyang inangat yung braso nya. Puro kalmot.
"Holo! Ano nangyari senyo?"
"Hay nako. Di lang kami ang pinaghahatak mo kanina sa loob no. Sila pa." tinuro ni Killian yung 3 lalaki na napunit din yung polo.
"Holo! Ako din may gawa nyan? Sorry!"
"May mga damit pa sa kotse. Tara, magpalit muna tayo. Yung isa kasi dyan."
"Ma naman e. Di ko sinasadya." T^T
After nilang magpalit ng damit. Pumasok na kami ng Snow world. Wow ang lamig.
"Ma, dun tayo sa slide." niyaya ni Killian si Mama.
"Kayo?" pagtatanong nila Mama samin ni Yael.
"Mamaya po kami Tita. Maglilibot muna kami."
Naglibot libot kami ni Yael.
"Lamiiig." kiniskis ko yung dalawa kong kamay.
"Malamig? Give me your hand. Dali.", kinuha ni Yael yung kamay ko at hinawakan nya. Tsaka nya nilagay sa bulsa nya. Tumingin ako sa kanya, he gave me a smile. *Dugdug! Dugdug!*
Nahatak ko bigla yung kamay ko.
"Mainit na. Hoo! Hoo!" tapos tumakbo ako palayo kay Yael.
Pinukpok ko yung dibdib ko. Epal e. Hindi nagwowork properly. Hindi kaya, may gusto na ako kay Yael? O no? Ayoko. Ayoko ng masaktan. Bestfriends naman kami e. Di nya ako sasaktan. Diba?
YAEL'S POV
Thursday ..
"Kuya Yael. Sino ba gusto mo dyan? Si Megan? Joey? O si Mona?"
"Sino ba yang mga pinagtuturo mo dyan Killian? Di naman magaganda e."
Nandito kami ni Killian sa school. Sa cafeteria. Pareho kami ng school.
"Si Kist maganda no."
"Yun? Oo."
"Bakit di mo ligawan?? ... Ow. Kaya pala di makapili kina Joey."
Biglang dumating si ...
"Killian, si Kelly. Girlfriend ko."

BINABASA MO ANG
Tonight's Fairytale
Teen FictionLove is Sacrifice. Are you willing to sacrifice your own life for the one you love? Why is Tonight's fairy tale's so mean?