22

27 1 1
                                    

I'll Live With You#4:3MIX part 22

Panay ang paghinga ng malalim ni Jihyo dahil sa kabang nararamdaman habang naghihintay para kay Daniel. Tama, mabilis na lumipas ang isang buwan at ngayon na ang itinakda nilang pagkikita.

Jihyo: Bakit ba ako kinakabahan? I just needed to turn him down.

Pumikit siya't patuloy na huminga ng malalim. She feels confident of turning Daniel down.

Daniel: Miss Jihyo?

Napadilat siya ng mata nang marinig niya ang baritonong boses tumawag sa pangalan niya. Nang makita niya ang may ari ng boses na iyon ay parang nabura alahat ng plano niyang i-reject ito.

Bakit mas gwapo ito sa personal!?

Daniel: Are you Jihyo?

Her heart almost jumped. Why does her name sound dreamy when he's the one saying it? This is crazy.

Jihyo: O-oh sorry! Yes, I'm Jihyo. Maupo ka

Para siyang di mapakali. Ano 'tong nangyayari?

Daniel: Mas maganda ka pala ng malapitan.

Malawak ang ngiti nito at halos mawala na ang mata nito. May nararamdaman siyang hindi dapat.

Jihyo: Your smile is so beautiful...

Daniel: Oh! Thank you

Jihyo: You sound elevated

She chuckled and Daniel sit straight.

Daniel: Lagi kong naririnig na maganda ang ngiti ko pero mas masarap pakinggan yung galing sayo

Ngumiti lang si Jihyo at pinagmasdan ang kasuotan nito. He's wearing white shirt and black pants. He's simple and clean.

Jihyo: Nga pala, investigator ka rin pala

Daniel: Rin? May kakilala ka bang iba pang investigator?

Jihyo: Ah oo, si Dahyun. Minsan na akong humingi ng tulong sa kanya.

Daniel: Ahh, si Dahyun ng team 1. Kilala ko siya pero magkaiba kami ng field.

Jihyo: Paanong magkaiba?

Daniel: Siya kasi sa assault and fraternity gang crimes. I'm a crime scene investigator. I'm more general.

Jihyo: Wow

Mas lalong ngumiti si Daniel. He's really attracted to Jihyo.

Daniel: Alam ni Doña Mesia na gusto kita.

Napatingin siya rito at natahimik nalang.

Daniel: I know pinagkakasundo tayong dalawa. I have nothing against that idea but of course, I respect your opinion. Pero sana bigyan mo ako ng chance na patunayan ang sarili ko. This sudden marriage idea made me tingled. I'm so happy that it got to be you, but I hope, you'll give me a chance.

Jihyo: You speak fast. Pero naintindihan ko naman.

Daniel: I really like you, Jihyo.

Napakurap siya sa biglaang pagtatapat nito. Hindi ba siya marunong bumwelo?

Jihyo: H-hindi mo naman ako kilala ang totoong ako.

Daniel: Jihyo Park, 25 years old, graduate sa kursong Bachelor of Science in Nursing, alam kong hindi mo kadugo si Doña Mesia pero pinamana niya sayo ang TWICE condominium at iba pang lupain sa Batanes. At dati kang 3MIX band member at nickname mo sa banda ay "God Jihyo".

Her mouth parted and left her speechless.

Daniel: I am a fan of 3MIX. And you're my bias.

Jihyo: T-talaga???

Daniel smiled.

Daniel: Oo, kaya sobrang nalungkot ako nang magdisband kayo ng biglaan pagkatapos niyong manalo ng grand award. Pero ngayon na ganito na nga ang nangyari, mas gusto kong patunayan sayo na hindi lang ang maging fan ang kaya kong gawin kundi mas higit pa.

Jihyo: I-I'll think about it...

Daniel: Thank you! Thank you Jihyo!

Muntik na niyang hawakan ang kamay ni Jihyo na nakapatong sa mesa dahil sa tuwa. Napangiti nalang si Jihyo dahil ramdam niya na totoong masaya ito sa sinabi niya.

Jihyo: thank you for being a fan of our band...napakameaningful sa akin iyon.

~

Jeong: Thank you kuya

Napaalam na ang lalaking kausap niya. Isa itong taga bantay ng isang bahay sa baba ng bundok kung saan nakalibing si coach Piper.

Inilagay niya ang kanyang bag sa mesa at saka siya humiga sa kama. Tumingin siya sa kisame at hindi nakatakas sa isipan ang nangyari noong nakaraang buwan.

Jeong: Tama nga si Jihyo, ako ang sumira sa amin. Ako ang nagdecide na hindi na matuloy ang banda namin.

Natawa nalang siya nang magbalik tanaw siya.

Jeong: natakot akong masira ang pagkakaibigan namin pero ako itong lumayo sa kanila. Ang tanga tanga ko.

"Tanga ka talaga,"

Napabangon siya dahil sa malakas na pagkakabukas ng pinto at sa may ari ng boses na iyon.

Jeong: N-nayeon?

Lumapit ito habang siya ay di makapaniwala sa nakikita.

Jeong: Pano mo nalaman na nandito ako?

Nayeon: Hindi ka pa ba napapagod sa ganito? Lagi ka nalang nawawala kapag may nangyayaring hindi sang ayon sa gusto mo.

Umiwas siya ng tingin. Umupo si Nayeon sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya.

Nayeon: I thought about it the whole month

Joeng: Ang alin?

Nayeon: Kung gusto ba talaga kita.

Umiwas siya ng tingin.

Nayeon: I can't believe I doubt my own feelings. Lahat ng kaibigan ko...akala nila galit lang ako kay Jihyo kaya kinukulit kita. Pero sa isang buwan na hindi ka na naman nagpakita, narealize ko na gusto kita.

Nayeon made him look at him.

Nayeon: I start believing to what I really feel. Kung noon naiinis ako kapag wala ka, ngayon, halos mababaliw na ako. For the first time, I feel scared and paranoid.

Her tears flow down and Jeongyeon is about to wipe those tears away but stopped halfway. Nayeon noticed it and reached his hand and lead it to her face.

Nayeon: I may not be like Mina...I may not be like your ideal woman. I may be stubborn and spoiled brat; I want to be yours. I want to be your woman. I want to feel loved which I didn't felt from my parents. Please...

Napahagulgol ito at binitawan ang kamay ni Jeongyeon. Tahimik lang siya, tanging paghikbi nito ang naririnig sa buong kwarto. Hindi niya alam kung aning sasabihin o gagagwin niya. Nalilito siya.

Nayeon: Jeongyeon, please, make me your woman.

Her tears blur her vision, but she can sense how Jeongyeon is intently looking at her. Then, Jeongyeon finally took the courage to wipe her tears and went even closer.

Unti unti, naramdaman ni Nayeon ang paglapit ng mukha nito. Pumikit siya at tumulo ang naipong luha sa mata niya at nakita ng malinaw si Jeongyeon na puno na rin ang luha sa mata, na ilang distansya nalang ang lapit ng mga labi nila sa isa't isa.

Pero huminto si Jeongyeon kung kalian malapit na magdikit ang labi nila. Kitang kita ni Nayeon kung paano ito mapako sa pwesto at parang may pumipigil sa kanya kaya naman siya na ang nagtuloy ng dapat gagawin nito.

She put her lips on him and he froze. When their lips met, he realized something.

Hindi niya iniiwasan si Nayeon dahil may gusto siya kay Mina kundi dahil unti unti na siyang nagkakaroon ng pagkagusto kay Nayeon.

He's not torn, he's just in denial.

To be continued...

First kiss ng 2Yeon! ACKKK! The power of kiss!😘 Game over na si Jihyo sa puso ni Jeong😢

I'll Live With You #4: 3MIXWhere stories live. Discover now