I'll Live With You #4: 3MIX part 35
Jihyo didn't stop waving until Daniel is on her sight.
Jihyo: See you next time...
Hindi na siya natulog kagabi dahil ilang oras nalang ay flight na ni Daniel. Gusto niya makasama pa ito pero ayaw niyang ipakita rito na nakapasok na ito sa sistema niya.
Jihyo: I want to show you, but I just can't give in that fast...
Nagmaneho na siya pauwi habang ang isip ay lumilipad. Natutuwa lang siya dahil hindi na problema ang iniisip niya kundi ang nararamdaman para kay Daniel.
Nang makarating sa bahay ay agad na siyang natulog. Kinabukasan ay pumasok na siya at as usual, abala siya sa kanyang klase at training.
Samantala sa Pilipinas, abala si Daniel sa kaso, si Jeongyeon sa gallery project at si Nayeon sa pagiging praning pa rin.
Nayeon: Puntahan ko kaya siya? Eh? Paano kung mahuli ko silang naglalandian? Kaya ko bang ihandle?
Kagat niya pa rin ang kuko dahil sa nerbyos. Iniisip niya palang na naglalampungan ang dalawa ay para na siyang nilubog sa lupa.
Nayeon: Bwisit kasi mga kaibigan ko! urgh! Magagalit si Jeongyeon kapag nalaman niyang ganito ako. Baka makipagbreak siya sakin pag nalaman niya. Kaya ko ba?
Sobra na siyang mag isip. Hindi na niya alam ang gagawin. Pero ang puso niya nagtitiwala pero bakit may isang parte na gusto niyang puntahan ito?
Nayeon: Hayst! Bahala na!
Nagtungo siya sa kusina at naghanda ng lunch para rito. Pero habang naglalagay ng kanin sa lunch box, napatigil siya't may naalala.
Nayeon: Ay, hindi ako pwedeng magdala ng lunch box.
Binitawan niya ang sandok at saka sinapo ang noo.
Nayeon: Marami na akong nabasa at napanood na kapag nagdadala sila ng pagkain sa trabaho ng boyfriend nila ay may nakikita sila. Tapos sa sobrang gulat ay mabibitawan nila yung lunch box tapos makikita siya ng mga ito, urgh!
She leaned into the sink and massaged her temple. She's having headache from thinking too much.
Nayeon: Bored lang ba ako kaya ako ganito? Puntahan ko kaya mga kaibigan ko?
Napailing siya at saka naghilamos ng mukha sa lababo.
Nayeon: kapag pinuntahan ko sina 2K at Hanna, mas mapapraning ako. Magpapalit na yata ako ng mga kaibigan.
She went to their bedroom and dried her face. She sat on the edge of the bed and stared aimlessly.
Nayeon: What if I go to Momo and Sana?
Agad niyang tinawagan si Tzuyu dahil wala naman siyang number ni Sana o Momo.
Nayeon: Tzu Tzu!
Tzuyu: What?Nayeon: Sungit mo naman
Tzuyu: Ano ba yon? I'm busy right now
Nayeon: Can I get Sana and Momo's number?
Tzuyu: Why?
Nayeon: I want to hang out with them. I'm bored to death here!
Tzuyu: Hindi sila pwede. Sana is with me doing documentary and Momo is not feeling well.
Nayeon: Si Da—
Tzuyu: Dahyun is with us. Wag mo kaming istorbohin ha, may trabaho kaming lahat
Napasimangot siya't binagsak ang katawan sa kama.
Nayeon: I'm bored here. Wala bang pwedeng makausap dyan?
Tzuyu: Wala. Bye na
Nayeon: Tzuyu! Aish! Napakabastos talaga ng lalaking 'yon!
Initsa niya ang cellphone at tumitig sa kisame. Wala talaga siyang magawa. Kapag nanatili pa siya sa unit ay talaga namang mas mapapraning siya.
Nayeon: Hay, bahala na talaga!
Tumayo na siya't nagbihis. Pupuntahan na niya si Jeongyeon at final na 'yon. Humarap siya sa salamin at tinuro ang sarili.
Nayeon: 'wag kang magpapahalata na pupuntahan mo siya para tingnan kung may lumalandi sa kanya, okay? Natural lang dapat, okay!? Go, girl!
She confidently went outside wearing her light pink V-neck short knit sweater and blue jeans. She also wearing her eyeglasses to make her look smart and nerd.
After a few minutes, nakarating na siya sa agency kung saan ang studio ni Jeongyeon. Sinalubong siya ng ngiti ng guard at hiningan siya ng ID.
Akala niya hindi siya makakapasok pero mabait sa manong guard kaya tuloy tuloy siya sa loob. Pumasok na siya sa elevator at nang pipindutin na niya ang button ay may naalala siya.
Nayeon: Hindi ko pala alam kung anong floor
Napakagat labi siya't napasandal nalang. Sakto namang may papasok na dalawang babae at ngumiti sa kanya.
Diana: Girl, ano na kasing pangalan ng type mo dito?
Jesca: Bakit?
Diana: balita ko may girlfriend na siya.
Jesca: Ahh, oo.
Diana: Eh pano yan? Di mo na gusto?
Tumawa ang babae at napataas ang kilay ni Nayeon. Nakinig lang siya sa dalawa habang papataas ang elevator.
Jesca: Hindi pa naman sila mag asawa, pwede pa 'yon.
Diana: Sabagay, wala namang masasampang kaso pag ganoon.
Jesca: Ganyan dapat, think positively!
Diana: So, ano na nga pangalan? Di mo sinagot tanong ko.
Jesca: Ah, si Architect Yoo. Napakapogi niya at nakakakilig to the bones ang mga tingin niya, hayst, paanong hindi ako mahuhulog sa kanya.
Napanting ang tainga ni Nayeon dahil sa narinig. Nanginginig na ang kamay niya at pigil na pigil sa sarili na sabunutan ang babaeng may gusto kay Jeongyeon.
Bumukas ang elevator at lumabas ang dalawa habang siay ay natulos sa kinatatayuan. Hindi pa nagsasara ang pinto ay bumaling sa kanya ang dalawa.
Diana: Miss? Hindi ka pa ba lalabas?
Napakurap siya sa tanong ng babae at inayos ang tayo.
Jesca: Last floor na ito.
Tumalikod ang dalawa habang siya nanggagalaiti sa galit. Bago pa man magsarang muli ang pinto at lumabas na siya't nakita kung saan pumasok ang dalawang babae.
Nayeon: So, you're the bitch huh
The woman wearing a red petite dress was already printed in her mind. Hindi na niya kalilimutan ang babaeng iyon...
Jeong: N-nayeon?
Before Jeongyeon come closer, she went away. She felt inferior, why is that?
To be continued...
Praning na si Mareng Nayeon!
YOU ARE READING
I'll Live With You #4: 3MIX
FanfictionHow can you conquer the strong love from your best of friends?