I'll Live With You #4: 3MIX part 47
Jeong: Okay ka lang ba? Kanina pa malalim ang iniisip mo ah?
Nayeon: Nah, napagod lang siguro.
Jeong: Pwede ko bang itanong kung bakit bigla na lang tayo umuwi ng ganun ganun nalang?
Tumingin siya sa nobyo na nagmamaneho at ngumiti.
Nayeon: Hmmm, namiss ko lang siguro ang unit hehe
Jeong: really?
Nayeon: Maybe? Tsaka gusto kong makita si Chaeyoung. Ilang buwan ko na siyang hindi nakikita e.
Jeong: Busy siya sa clinic nya.
Tumango siya bilang pagsang ayon. The most common and sane way to move on from heart break: make yourself busy as a bee.
Nayeon: I want to make myself busy, too.
Jeong: Hmm?
Nayeon: There's so many things running in my mind.
Jeong: Then let it out. Sabihin mo sakin.
Nayeon: hmmm, I don't think that'll work.
Jeong: bakit naman?
Nayeon just smiled and looked at the window. Ang daan papunta sa kanilang farm ay may matataas na mga puno, malinis na kalsada at sariwa ang hangin. Mukhang payapa ang byahe at sa unang pagkakataon ay naiinggit siya.
Akala niya tapos na ang mga problema na kailangan niyang mapagdaanan, pero mali siya. She realized that until you are alive, hurdles continue to come, and she hates it.
Paano kung nalaman ito ni Jeongyeon at bigla nalang makipaghiwalay sa kanya?
Napatingin siya sa cellphone niya na biglang tumunog. Nakita niya ang isang mensahe galing sa mommy niya. Binuksan niya ito at sinilip lang, baka kasi Mabasa ni Jeongyeon.
"I'm sorry, Honey. Sa tingin ko mas makakabuti kung maghihiwalay kayo. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang mommy niya na parang wala akong nalalaman. Thinking about her being my in-law cause me headache. Please, anak, makinig ka sa akin."
Nayeon: Tsk
Mabilis na binura niya ang message na iyon at inis na pumikit. Napatingin si Jeongyeon sa kanya pero hindi na nagtanong. Nakakunot ang noo niya at halatang pilit ang pagpikit ng mata.
Nakarating na sila sa condominium matapos ang ilang oras. Nakatulog si Nayeon at ginising nalang niya nang ihinto ang sasakyan sa parking lot.
Jeong: Nayeon? Gising na. Andito na tayo.
Inaantok na dumilat si Nayeon at agad napangiti nang makita si Jeongyeon sa harapan. Niyakap niya ito, nabigla man ang lalaki ay niyakap niya ito pabalik at ibinaba sa sasakyan.
Jeong: Okay ka lang ba?
Nayeon: I'm sleepy...
Walang sabi sabing binuhat niya si Nayeon at pumasok sa building. Nakapikit parin ito at mahimbing ang pagtulog. Napagod ata siya kakaisip sa text ng mommy niya.
Maingat na ibinaba niya ito sa kama saka kinumutan. Dahil napansin niya ang mahimbing nitong tulog, naisip niyang puntahan ang kapatid.
Jeong: Nasan na naman kaya 'yon? Tsk
Wala ito sa unit niya. Nilabas niya ang cellphone at tumawag sa clinic. Ang sumagot ay si Somi.
Jeong: Somi, nasan si Chaeyoung?
Somi: Hindi po nasabi saan eksakto. Ang sabi lang po niya sa daungan daw po.
Jeong: Daungan? Sige, salamat Somi.
He hung up and went to port. Alam niya ang tinutukoy ni Somi, ang daungan kung saan huli niyang nakasama si Mina.
Jeong: hay, please bro, 'wag mong lunurin ang sarili mo sa lungkot.
He drives fast until he reached the destination. Kitang kita niya agad ang kapatid na nakatingin lang sa malawak na dagat. Tahimik niya itong nilapitan at tinabihan.
Jeong: You, okay?
Chae: I'm trying...
His eyes are still in pain, his smile is pretentious, and he knows, his heart is mourning.
Chae: Anong ginagawa mo rito? Akala ko ba pupunta ka sa farm nila Mareng Nayeon?
Jeong: Galing na kami doon. Tulog si Nayeon ngayon kaya naisipan kong puntahan ka.
Chae: Hold her tight, bro.
Napatingin siya sa kapatid. Walang buhay ang mga mata nito, pati na ang boses.
Chae: Wala ng mas sasakit pa kapag nawala ang taong mahal mo sayo.
Jeong: Chaeng...
Tumingin si Chaeng sa kanya at paklang ngumiti.
Chae: Mentally unstable man si mareng Nayeon, alam kong mahal ka niya. Hindi, ramdam ko.
Jeong: I know and feel it, too.
Muling tumingin ang kapatid sa karagatan at napapikit nang umihip ang malamig na hangin.
Chae: I keep coming here, hoping, and relaxing.
Even his eyes are close, a tear escapes.
Chae: I'm hoping that I will see her here because she is my tranquility. Hanggang ngayon hinahanap ko pa ang paraan para malampasan ko ang nangyari.
He opened his eyes, and the breeze dried it off for him. Para bang pinunasan ni Mina ang mga luhang bumuhos ng dahil sa kanya.
Jeong: hindi ko alam kung paano ko mapapagaan ang loob mo, bro.
Chae: you're helping me. Doing nothing helped me a lot. Don't try to comfort me. Don't pity me. Don't curse at me. Do nothing. That's the best thing you can do for me.
Huminga siya ng malalim. Nasasaktan siya para sa kapatid. Tinutusok rin ng maraming karayom ang kanyang puso at hindi niya mapigilan ang hindi mapaluha.
Jeong: Wala akong gagawin. Hindi kita pipiliting kalimutan siya o pagalitan ka. Gusto ko lang na alagaan mo ang sarili mo.
Tumingin si Chaeng sa kanya.
Jeong: I will do nothing if you take care of yourself. Kapag nagkasakit ka, hindi ko pipigilan ang sarili kong suntukin ka para lang magising ka.
Napangiti si Chaeng sa sinabi niya at tumango. Gusto niyang yakapin ang kapatid pero hindi pwede. Hugging someone who's not okay is a comfort. A comfort that will make things worse.
~
Bumalik na siya sa condo at naabutang nagluluto si Nayeon. Nilapitan niya ito.
Jeong: Why are you cooking? Di ba nag usap na tayo?
Nayeon: Pumayag ba akong hindi na magluluto?
Joeng: Tsk
Nayeon: Simple lang naman ito. Para prito lang e
Hindi nalang niya ito pinagalitan at saka umupo sa dining area.
Nayeon: Saan ka galing?
Jeong: Kay Chaeyoung
Nayeon: What??? Bakit di mo ako sinama?
Jeong: Mahimbing tulog mo e, tsaka halatang pagod ka.
Nayeon pouted. She's slightly sullen.
Nayeon: Kumusta na siya? Hayst, gusto ko pa man din makita ang bubwit na 'yon.
Jeong: He's trying to hold on. Hayaan nalang natin siya sa gusto niyang gawin.
Tumango siya kahit nagtatampo pa rin dahil sa pag iwan nito sa kanya.
Jeong: he told me to hold you tight.
She looked at him.
Jeong: Kahit hindi niya sabihin, gagawin ko pa rin.
Hindi niya maitago ang ngiti niya. Ano ba yan, nawala agad ang tampo niya.
To be continued...
Chaeng's advice for Jeongyeon 🥺
YOU ARE READING
I'll Live With You #4: 3MIX
FanfictionHow can you conquer the strong love from your best of friends?