20

25 2 0
                                    

I'll Live With You#4:3MIX part 20

Nayeon: Wah, hindi ko talaga matanggap!

Umirap nalang ang mga kaibigan niya sa kanya at hinayaan itong maglakad ng pabalik balik sa loob ng VIP room sa isang 'special' pub.

Tumingin si Nayeon sa kanila at sa wakas ay umupo na ito.

Nayeon: How can he reject me!? Please tell me why! Mababaliw na ako

Nanahimik ang tatlo kaya mas lalo siyang nainis.

Nayeon: K no. 1

Lumingon naman ang tinutukoy niya. Maikli at itim ang buhok nito, Morena at maamo ang mukha. Ngumiti ito sa kanya.

Kathleen: What?

Nayeon: Sa tingin mo, bakit ako nireject ni Jeongyeon?

Kathleen: Hmm...

Nayeon: Ay wait, masakit ka pala magsalita. Ikaw nalang K no. 2

Khai: What?

Nayeon: Mukha kang maangas pero mas gusto kita kesa rito.

Tinuro ni Nayeon si Kathleen an umiling nalang habang nagpupunas ng baso.

Hanna: Ayaw mo kay K no. 1 dahil honest siya?

Nayeon: Oo, mukha siyang maamo pero mapanakit yan. Kaya dito ako kay K no. 2

Khai: Well, sa tingin ko kailangan niya muna ng oras. I mean, biglaan mong inoffer yun, malamang nagulat siya.

Nayeon: hmm...oo nga. Medyo nagulat sya. Muntik na siyang mabilaukan.

Kathleen: Pwede ko bang i-share ang aking opinion?

Masamang tiningnan niya ang kaibigan.

Nayeon: Siguraduhin mo lang na di ako mahuhurt ha

Hanna: Wag kang mag alala, kapag papunta na siya sa masakit na salita, tatakpan ko na ang bibig niya

Khai: Ang sama niyo kay Kath

Nayeon: Mas masama siya magsalita. Nakakayurak ng puso hmp

Tinawanan sila ni Kath bago magseryoso.

Kath: Sa tingin ko, hindi ka talaga nya gus---hmmmp!

Hanna: Shut up!

Tinakpan ni Hanna ang bibig ni Kathleen at tumawa lang ang kakambal nito.

Nayeon: hindi na ako hihingi ng opinion sayo, Kathleen.

Binitawan na ni Hanna ang pagkakatakip ng bibig ni Kath at si Kath naman ay pinalo siya sa braso.

Kath: Dapat nga sa akin ka humingi ng advice. Alam mo sa reyalidad, hindi parang mga love story sa TV o libro.

Khai: Tama tama, makinig ka sa kanya.

Nayeon: Hindi porket owner ka ng publishing company alam mo na ang reality

Khai: Hoy wag mong ginaganyan yan, mas wild yan sakin kaya madami na siyang napagdaanan.

Sumimangot lang si Nayeon at ininom ang inoffer na fresh milk ng kaibigan. Tiningnan niya ang ininom.

Nayeon: Bakit gatas ang inoffer niyo sa akin? Mas gusto ko ng beer

Hanna: hay nako, sinabi ko sa kanila kung gaano ka kalasing kagabi kaya yan ang inumin mo ngayon

Nayeon: Kainis kasi si Jeongyeon e. Bakit kasi nireject niya ako?

Hanna: Try mo kaya ulit magwork? Buti si Jesca nakatrabaho niya si Jeongyeon.

Nayeon: Who's that bitch? At bakit niya nakatrabaho?

Khai: that bitch is a curator of Myoui Mina Galleria.

Nayeon: paano mo nalama---ahh, information nerd ka pala.

Hanna: We worked for months. Iyon yung time na ginugulo mo ako.

Nayeon: bakit hindi mo sinabi sakin agad!?

Hanna: E ayaw mong magtrabaho e

Nayeon: Hindi mo ba alam na magic word ang pangalan niya!? Urgh! I lose the opportunity to be with him.

Umirap lang si Hanna at di na niya pinansin. Halos maglupasay na siya dahil sa paghihinayang.

Kath: Mga chismosa, makakaalis na kayo dahil magbubukas na kami ng pub.

Khai: Right, makalat kayo masyado

As they were shooed away, Nayeon unconsciously went to Jeongyeon's unit. Binuksan niya ang pinto gamit ang access card at nadatnan niya itong nag aayos ng gamit.

Nayeon: Saan ka pupunta?

Napapitlag ito sa gulat at mas nagmadaling maglagay ng gamit sa bag pack. Lumapit siya rito.

Nayeon: Saan ka pupunta?

Jeong: Basta

Nayeon: Saan yung basta?

Jeong: Tsk, basta

Nayeon: Are you going to disappear again?

Napahinto siya sa sinabi nito.

Jeong: Oo

Ipinagpatuloy niya ang pag eempake. Hinawakan ni Nayeona ng kamay nito kaya napahinto na naman ito.

Nayeon: Irereject mo ba talaga ang offer ko?

Jeong: Oo

Nayeon: Pag isipan mo namang mabuti

Jeong: Kahit pag isipan ko, pareho lang ang sagot ko.

Nayeon: Am I not worth your time?

Jeong: You're not.

Parang huminto ang tibok ng puso niya sa binitiwan nitong salita. Sanay na siya sa rejection nito, pero bakit mas masakit ngayon?

Isinuot na niya bag at akmang aalis na nang magsalita si Nayeon.

Nayeon: Bakit ba ayaw mo ako? Dahil ba mas gusto mo kay Mina?

Bumuga ng marahas na hangin si Jeongyeon at walang emosyong tiningnan siya. Nag uunahan ang luha ni Nayeon at parang wala lang iyon sa kanya.

Jeong: 'Wag mong idamay si Mina. Wala siyang kinalaman sa desisyon ko. At tsaka, paulit ulit nalang

Nayeon: E bakit nga?

Jeong: Gusto mo ba talaga ako? Kasi hindi ko nakikita.

Her mouth parted in shock. Jeongyeon dropped his bag and walks towards her.

Jeong: You don't like me, Nayeon.

Nayeon: A-ano bang sinasabi mo!?

Jeong: Nagsimula kang magkaganito nang aminin sayo ni Jihyo na gusto niya ako.

Mas lalo siyang nagulat sa sinabi nito.

Nayeon: A-anong...narinig mo 'yon?

Jeong: Oo, pero mas pinili kong magpanggap na wala akong narinig.

Nayeon: B-bakit?

Jeong: Dahil kaibigan ko kayo! Ayokong masira ang pagkakaibigan natin dahil sa ganong rason!

Napahagulgol siya't napaluhod. Tinakpan niya ang mukha niya't patuloy na umiiyak. Parang may pumipiga ng puso niya. Bakit ang sakit sakit?

Joeng: tigilan niyo na ako. Ayaw kong mas lalong masira ang nabuo nating pagkakaibigan.

Pinulot nito ang kanyang bag at iniwan siya. Lumabas siya't nakita niya si Jihyo na basang basa ang mukha dahil sa luha.

Jeong: J-jihyo...

Jihyo: Hindi kami ang sumira ng pagkakaibigan natin. Ikaw. Ikaw ang unang umiwas.

To be continued...

Awww....sad part muna

I'll Live With You #4: 3MIXWhere stories live. Discover now