14

24 2 0
                                    

I'll Live With You #4: 3Mix part 14

"Jeongyeon, I feel lonely."

"Jeongyeon, where are you? I am sad."

"I hate myself. I hate everyone!"

"Nasaan ka ba kasi? I want to be with you"

"Ayaw ko na..."

"My mom juts slapped me for talking back. I mean, bakit ba kasi nabuhay pa ako?"

"Please answer my call. I badly need someone to talk to."

"Kapag hindi mo sinagot ang tawag ko, hindi mo na ako makikita pa"

"I will go to Tzu's rest house and kill myself. Be there. I want you to witness how desperate I am."

Sumakit ang batok ni Jeongyeon sa mga nabasa niyang text messages galing kay Nayeon.

Jeong: Ano bang ginagawa mo sa sarili mo, Nayeon? Bakit ba gustong gusto mo ako?

He keeps pushing her away but she's persistent. Hindi niya alam kung paano niya ba patitigilin si Nayeon. Alam niyang may pinagdadaanan ito ngunit hindi niya ito magawang damayan. May sarili siyang problema.

Jeong: Hindi ka pa ba babalik sa Manila?

Humarap sa kanya si Mina na kanina ay nakangiting piangmamasadan ang kabuuan ng gallery.

Mina: Hmmm..maybe next week na. Ikaw?
Jeong: Bukas or sa susunod na araw.
Mina: Talaga? Tapos na ba ang work mo rito?
Jeong: Yeah, 2 weeks ago.

Mina: Huh????

Kumunot ang noo ni Mina at pinigilan ni Jeongyeon na mapangiti dahil sa expressive nitong mukha. He briefly explained his reasons as they walk out of the building.

Mina: Hindi mo ba ako tatanungin kung bakit tumanggi ako na magpakasal kay Chaeyoung?

Napahinto sa paglalakad si Jeongyeon, at naglakad si Mina paharap rito. Why is she suddenly opened that topic?

Mina: Aren't you curious?

Jeong: I know you have your reason.

He tried to look away.

Mina: Hindi mo ba itatanong?

Bumalik ang mga araw na umiiyak at naghihirap si Chaeyoung dahil sa nangyaring iyon. Alam na alam nya kung gaano nasaktan ang kapatid niya.

Tiningnan niya si Mina at ramdam nito ang pagkaseryoso niya.

Jeong: Hindi mo rin ba itatanong kung anong nangyari kay Chaeyoung nang tanggihan mo siya? Aren't you curious too?

Napayuko si Mina at napakagat sa labi. Alam niyang natamaan ang kausap sa sinabi niya. Hindi niya alam kung tama pa bang pinag uusapan nila ang taong wala naman doon.

Mina: A-anong nangyari sa kanya?

Jeongyeon smirked and just shook his head.

Jeong: If you want an answer, talk to him. Hindi kayo magkakaliwanagan kung hindi kayo mag uusap. I'm leaving tomorrow and go to him. Kung gusto mo siyang makausap, puntahan mo rin siya.

With a heavy heart, he took his feet away from her. Kumikirot ang kanyang dibdib. Nagpaparaya na naman siya. Ramdam na ramdam niya.

Jeong: I spent my weeks just to be with you but ended up getting more torn and hurt. Sarili ko lang ang niloloko ko.

~

Nayeon is on the way to Tagaytay when she saw a stopped car. Napansin niya ang babaeng lumabas sa kotse. Halatang may problema sa sasakyan. Nang makalapit siya ay saka niya nakitang si Jihyo pala ang babaeng 'yon.

I'll Live With You #4: 3MIXWhere stories live. Discover now