I'll Live With You #4: 3MIX part 36
Yakap ni Nayeon ang kanyang tuhod habang tinititigan ang cellphone screen kung saan kasalukuyang tumatawag si Jeongyeon. Hindi niya ito sinasagot dahil naguguilty siya agad.
Nayeon: bakit ba kasi ako tumakbo bigla? Hayst! Magagalit siya sakin dahil don!
Hindi na niya napigilan ang pagluha dahil puno na siya ng pag aalala dahil alam niyang magagalit si Jeongyeon sa kanya. Tinago niya ang mukha sa mga tuhod at doon humagulgol.
Hinabol siya ni Jeongyeon kanina pero hindi na ito nakasakay sa elevator dahil nasara na niya ito agad.
Nayeon: Anong sasabihin ko kapag umuwi siya? Anong idadahilan ko?
Parang may tinuturok na karayom sa kanyang puso na unti unti siyang pinapatay dahil sa sakit. Bakit ba siya nagkakaganito?
Napatalon siya sa gulat nang bumukas ang pinto. Alam niyang si Jeongyeon iyon.
Jeong: Nayeon!
Humiga siya sa kama at nagtalukbong. The best way to avoid an argument is to pretend to sleep.
Kumakabog ang dibdib niya habang mariin na nakapikit ang mga mata. Naramdaman niya ang pagbukas ng pinto at ang yapak nito papalapit sa kanya.
Jeong: Nayeon? Are you sleeping?
Naramdaman niya ang pagtakip nito sa katawan niya ngunit hindi pa rin siya kumikibo.
Jeong: Nayeon, talk to me.
Hindi pa rin siya umimik.
Jeong: I know you're up. Mag usap tayo.
Hindi pa rin siya nagsalita. Nagulat at napadilat nalang siya nang hablutin nito ang comforter.
Jeong: I know you're up.
Napasimangot siya. Inayos ni Jeongyeon ang mga nakaharang na buhok sa mukha niya at napansin ang mugto niyang mata.
Jeong: A-are you okay? Bakit mugto ang mata mo?
She looked into his eyes and burst into tears. He was flustered and just hugged her.
Jeong: Ano bang nangyayari sayo? Bakit bigla ka nalang tumakbo nang makita moa ko? At ngayon, umiiyak ka.
Nayeon: S-sorry...
Tinapik tapik nito ang kanyang likod. Puno ng pag aalala ang mata ni Jeongyeon at wala siyang magawa kundi yakapin at hintayin itong kumalma.
Nayeon: H-hindi ko din alam ang nangyayari sa akin...
Hihiwalay sana ng yakap si Jeongyeon para sana makita ang mukha nito ngunit pinigilan niya ito gamit ang mahigpit na yakap.
Jeong: Tell me what's happening. Bakit nasa opisina ka at bakit ka tumakbo palayo.
Nayeon: I don't know...mababaliw na yata ako kakaisip kung bakit ako nagkakaganito.
He sighed heavily. There's nothing he can do.
Jeong: Okay, fine. Stop crying.
Hindi niya rin alam kung paano pagaanin ang loob nya.
~
Gio: Hormones, bro.
Jeong: Hormones?
Nalilitong tiningnan niya ang kaibigan.
Gio: Ngayon mo lang narinig ang salitang 'yon?
Jeong: Hindi ah.
Gio: By the way, ganyan daw ang ilang babae.
Jeong: So, what's with their hormones?
Tumayo ito sa swivel chair at tinabihan siya sa couch.
Gio: kapag malapit ng datnan ang isang babae, may tendency raw na emotional sila. Hindi ko din alam paano ipapaliwanag pero base sa sinabi sakin ng ex ko, ganyan daw.
Jeong: Emotional, hormones? So, anong gagawin ko para mapagaan ang loob niya? baka may nasabi ang ex mo.
Gio: hmmm, may sinabi siya noon sakin e.
Jeong: Ano? Tell me!
Gio: Ipasyal mo siya?
Jeong: Nah, I can't afford to go out now.
Gio: Ay oo pala.
Jeong: Ano pa?
Gio: Order her something she likes.
Jeong: I ordered last night pero nainis lang siya sakin. Diet daw siya tapos bumili pa daw ako ng fattening foods.
Napatango si Gio.
Gio: Hormones nga, ang galing naman.
Umirap si Jeongyeon dito.
Jeong: Ano pa? wala na bang iba?
Gio: hindi lang naman kasi pagkain ang inoorder, duh. Mag online shopping ka para sa kanya.
Jeong: Online shopping?
Gio: oo, ano bang favorite possession nya?
Napaisip naman siya. Ano nga ba?
Gio: Girlfriend mo tapos hindi mo alam!? Wala kang kwenta kung ganun!
Jeong: hindi ganun. Kasi marami na siyang bag, shoes at jewelries. Ano bang bibilhin ko?
Tinapik siya nito sa balikat at napailing nalang.
Gio: halatang wala ka pang nagiging girlfriend. Sobrang busy mong pinapatunayan ang sarili mo sa magulang mo, tsk.
Jeong: Hay, bahala ka nga dyan. Hindi ako babaero tulad mo kaya hindi mo ako masisisi.
Tumayo na siya at lumabas sa opisina nito. Sakto namang kakalabas lang sa tapat na opisina si Jesca. Nahihiya man ay nilapitan niya ito.
Jeong: Jesca
Napangiti ang babae at halatang kinikilig sa pagtawag niya sa pangalan nito.
Jesca: Yes, architect Yoo?
Jeong: Uhm...pwede bang magtanong?
Jesca: Kung may boyfriend ba ako? Wala, sinisigurado ko yun sayo.
He was flustered by her statement. Anong sinasabi ng babaeng 'to?
Jeong: Ah...hindi 'yon. Itatanong ko lang sana kung anong magandang iregalo sa babae.
Jesca: oooohhh, I see. Well...
Sandaling nag isip ito at siya naman at nakatitig lang sa babae habang hinihintay ang sagot.
Jesca: Necklace?
Jeong: Ah, necklace?
Jesca smiled and went closer to him.
Jesca: May meaning po kasi 'yon.
Jeong: Ano?
Jesca: It's an ideal symbol of love and sentiment.
Napatango siya at nagkaroon na ng ideya.
Jesca: Gusto mo sir, samahan kitang pumili? Master of jewelries ako!
Napaatras siya at umiling. Ayaw niyang malaman ni Nayeon na may babae siyang kasama na pumipili ng kwintas.
Jeong: Hindi na, kaya ko na. by the way, thanks.
Agad siyang tumalikod at nag out. Kailangan niyang magpunta sa jewelry shop at siya mismo ang pumili ng kwintas para rito.
Jeong: If this is the way to comfort her, I will buy the most expensive one.
To be continued...
Necklaces are an ideal symbol of love and any sentiment someone would want to keep close to their heart💓
YOU ARE READING
I'll Live With You #4: 3MIX
أدب الهواةHow can you conquer the strong love from your best of friends?