Chapter 1

44 7 2
                                    

"Doon nagsimula ang lahat sa Rikion High,"

Chapter 1: Café

Krystal's Point Of View

Accckkkk! Late na 'ko! Magagalit talaga 'yon!

Mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo papunta sa isang café na sinasabi ni Abby kung saan kami magkikita.

Nagtitinda kasi ako kaninang umaga ng ginanggang kaya ngayon ko palang tanghali nakita ang kanyang text na magkikita raw kami. Sobrang late ko na talaga.

Habang tumatakbo, nakita ko na ang café sa malayo at kaagad na tumakbo patungo rito. Pagkabukas ko palang ng pinto ay tumamba na sa 'kin ang mga tao na masayang nag-uusap sakanilang mga kasama.

Teka- saan si Abby?

Inilibot ko kaagad ang aking paningin sa loob at nahagip ng aking mga mata ang mala-anghel na mukha ni Abby nakaupo sa upuan sa bandang bintana, kumakain ng cake mag-isa.

Si Abby, Abby Eventslyn Witz ay nagiisa kong matalik na kaibigan sa loob ng siyam na taon. Mayaman, maganda, parang nasa kanya na ang lahat, ngunit ang wala lang naman sa kanya ay ang katangian na,

Kabaitan.

Nagmamadali akong lumapit sakanya habang nakangiti pero taas ng kilay lang ang natanggap ko sakanya.

Loh taray ah. Ilang buwan kaming hindi nagkikita at tataasan lang niya ako ng kilay? Waw.

"Pasensya pala na natagalan ako nagtitinda kase ako kanina eh pero hoy kumusta na? Napatext ka ah? Kala ko nasa Australia ka," nakangiting bungad ko sakanya at umupo na kaagad sa kanyang harapan.

"Kita mo naman siguro na nasa Pilipinas na 'ko diba?" pagpipilosopo nito at inirapan ako

Aba- galit ata 'to.

"Pasensya na talaga na natagalan ako-"

"Anyway, I texted you hours ago para mag-usap tayo at ngayon ka palang dumating? Galing ka bang Mount Everest?" mataray niyang tanong sa akin at inirapan nanaman ako muli.

Nakasanayan ko na pala 'tong ugali niya ngunit kahit ganyan siya, mahal ko parin siya bilang kaibigan.

"Nagtitinda kase ak-"

"Shh... I know, sa baho mo palang," pagputol niya sa akin.

H-ha? Teka mabaho ba ako-

"Anyway, nandito lang naman ako for one reason," walang gana niyang sambit sabay higop ng kape sa mesa.

Nandito lang 'for a one reason'? Eh ano naman?

May kung ano nalang ang pumasok sa aking isip.

T-teka.. Babatiin niya ba ako?! 'Yan ba ang dahilan niya kung bat siya nandito?!

Tsaka pansin ko rin na kumakain siya ng cake!

Na-excite naman ako tuloy dahil first time niya akong babatiin sa kaarawan ko.

"So have you decided what school you're going to yet?"

'Yun l-lang? Hindi niya ako babatiin?

Naghihintay naman ako sa kanyang susunod na sasabihin habang nakangiti pero kunot ng noo lang ang kanyang ginawa.

"Are you deaf? Hindi mo ba ako narinig? And why are you even smiling? You look like a freak," dire-diretso niyang sabi.

Rikion HighWhere stories live. Discover now