Chapter 9

11 4 0
                                    

Chapter 9: Friendship Over?

Krystal's Point Of View

Hinatak kami kaagad nila Shaneena, Naomi, at Clark palayo sa bulletin board at dinala sa walang tao na hallway dahil pinagtitignan kami ng mga tao roon.

Napakagat nalang ako ng ibabang labi at kinabahan. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin kay Kurtt.

Nasa tabi ko siya ngayon at seryoso parin tinitignan 'yung litrato. Hindi ko alam kung galit ba ito o malungkot.

K-kung 'yung kasama ni ma'am Karina sa litrato ay ama ni Kurtt p-pwes m-magkaibigan?

Pero base kase sa reaksyon ni Kurtt at nung nakasulat na 'Kyle ❤️ Karina', mukhang hindi magkaibigan kundi magka-ibigan.

"Kyle love Karina..." biglang bulong ni Kurtt habang tinitignan 'yung likod ng litrato.

Mukhang nakita na niya 'yung sulat...

"W-what do you mean Kurtt?" tanong ni Clark at tinignan din 'yung likod ng litrato pero nang makita niya ito ay kaagad nag-iba ang kanyang mukha pagkatapos ay bahagyang lumayo kay Kurtt na parang natatakot.

B-bat parang natatakot sila kay Kurtt? A-ano meron?

Nagsimula na akong mag-alala at mas lalo pang kinabahan.

Mukhang hindi ko nalang sana binulsa 'yung litrato.

"K-kurtt okay ka lang?" nag-aalalang tanong ko sakanya.

Lumingon kaagad sila Naomi sa 'kin nang sinabi ko 'yun pagkatapos umiling na parang sinasabihan akong hindi magsalita.

Mas lalo pa akong kinabahan sa mga kinikilos nila kaya tinikom ko kaagad ang bibig ko ngunit huli na ang lahat dahil biglang nagsalita si Kurtt.

"Me? Okay?" tumawa siya ng mapait kaya mas lalo pa akong kinabahan, "I don't think so. Ngayon ko lang nalaman na 'yung ama ko already dated headmistress Karina. I wonder kung pang-ilan niya si headmistress? O baka sila na while also dating my mom."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig, "A-ano ang ibig mong sabihin Kurtt?" takang tanong ko.

Sinenyasan nanaman ako ulit nila Naomi na hindi magsalita pero hindi ako nakinig sakanila.

Tumingin si Kurtt sa 'kin saka seryoso akong tinitignan sa mga mata, "My useless father is a womanizer. Sex, body, body, and sex, 'yun lang ang laging habol niya sa mga babae kahit kasal na sila ni mom. Marami siyang mga kabit at naging kasintahan, little did I know na isa na pala dun si headmistress Karina."

M-mukhang mali ko na inungkat ang usapan tungkol sakanyang ama.

Apaka obob mo Krystal, apaka obob mo...

Apaka insensitibo mo...

"Kahit na it's all in the past na sila- no, what if sila parin ngayon?" saad naman ni Kurtt at tumingin sa kawalan.

"Kurtt-"

Bigla nalang niya kinuha ang kanyang selpon sa kanyang bulsa pagkatapos ay nagselfie.

"Cheese sa walang kwenta kong ama," sabi nito at ngumiti ng mapait sa camera.

H-hindi ko alam kung nagpapatawa ba siya o trip lang talaga niya magselfie sa kalagitnaan ng pag-uusap namin.

Pagkatapos niyang magselfie, binalik din niya 'yun kaagad sa kanyang bulsa at pinagpatuloy ang pagkwento.

"If you're wondering why I'm acting like this Krystal, 'yung lalaki na nasa litrato na ito," sabay pinakita sa 'kin 'yung litrato na binulsa ko, "is actually my useless father," saad niya at tinapon 'yung litrato sa sahig pagkatapos ay tinapakan.

Rikion HighWhere stories live. Discover now