Chapter 23: Family Picture (Part 1 At Kuneho's Mansion)
Krystal's Point Of View
Wala na. Pinish na.
Parang biglang nandilim ang paningin ko nang makita ang nakangising mukha ni Giovanni.
Si Kuneho pa talaga ang ka-grupo ko...
Bwiset.
"EHEM! EHEM! EHEM!" rinig kong pekeng ubo nila Andrei kaya sinamaan ko sila agad ng tingin.
Alam ko naman kasi ang ibig sabihin ng ubo na 'yan eh...
Hindi ako natutuwa sa ubo na 'yan.
"We'll do IT in my mansion." napalingon ako kay Giovanni nang bigla siyang nagsalita. Malaki ang kanyang ngisi sakanyang labi habang nakatingin sa akin na parang may binabalak.
Jusmeh.
Sarap sundutin ng mga mata na 'yan.
Bigla naman naghiyawan ang buong klase pagkatapos sabihin ni Giovanni 'yun kaya pinanliitan ko sila ng mga pero mas lalo lang lumakas ang hiyawan nila.
"Anong 'IT' pala ang gagawin niyo?" tanong ni Justine sa amin habang nakangiti ng nakakaloko.
ANAK NG-
"Mas exciting pa sa pag-gawa ng powerpoint..." nakangising tugon ni Giovanni kaya naghiyawan sila ulit.
POT-
"Ha?! Ang bastos mo naman!" inis kong sabi sakanya at sinamaan siya ng tingin.
Agad namang kumunot ang noo niya sa aking sinabi saka inis din akong tinignan, "What?! Anong bastos? Wala naman akong sinabing bastos ah!"
"Sabi mo mas exciting pa sa pag-gawa ng powerpoint?! Hoy alam ko 'yung tinutukoy mo!"
"Mas exciting pa sa pag-gawa ng powerpoint ang pag-gawa ng video for proof ang tinutukoy ko!" inis na sabi niya.
Kaagad naman akong natigilan sa narinig at nakaramdam ng hiya bigla. Awtomatiko akong umiwas ng tingin sakanya at nagkunwaring hindi narinig ang kanyang sinabi.
Ay! 'Y-yung proof p-pala hehehe...
B-bastos mo utak!
"Bakit? Ano ba tinutukoy mo? I didn't say naman that we were going to have se-"
GAG-
"HOOYYYYYYYY!!"
"What?!"
Inis kong binato sakanyang mukha ang aking pambura sa mesa pero mabilis nakailag ang timang.
POT-
APAKA TARANTADO NG BUNGANGA NIYA!
WALANG PRENO!
"Nice try..." sabi niya sa may pang-aasar na boses kaya mas lalo pa akong nainis.
BWISET!
KUMUKULO NA TALAGA DUGO KO!
PIGILAN NIYO 'KO! PIGILAN NIYO 'KO!
MAY MATATAPAKAN TALAGA AKONG LEEG NGAYON!
Kaagad na kaming pinaupo ni ma'am sa aming upuan dahil nag-iinitan na kaming dalawa kaya wala akong nagawa kundi inis nalang napaupo sa aking silya habang tinitignan siya ng masama.
YOU ARE READING
Rikion High
Teen FictionRikion High, A school that is known as the richest and expensive school in the entire world. Some people envy the students who study here, some people wants to enter here, dreaming that someday they will also be a student in this school, but little...