Chapter 18

16 3 0
                                    

A/N: This chapter is actually based on what I have experience with my crushiecakes HAHAHAHA.

Chapter 18: CR

Krystal's Point Of View

Hindi ko nalang masyadong inisip 'yung sinabi ni Noel sa 'kin saka ay naglakad nalang ulit papunta sa room.

Baka nga kase masyadong halata ang mukha ko kahapon...

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa malapit na ako sa room ko ngunit, sandali akong natigilan nang makita ang nakangising mukha ni Andrei sa 'di kalayuan.

A-ANAK NG-

Nakatayo ito mag-isa sa labas ng pinto habang nakatingin sa 'kin na may malawak na ngisi sa mukha.

Nagmumukha tuloy siyang multo.

Nagulat naman ako nang bigla itong tumakbo palapit sa akin pagkatapos ay nilahad ang dalawa niyang kamay sa aking harapan habang may pakislap-kislap pa ng mga mata.

Aysus alam ko na 'to, alam ko na ang mga galawang 'to...

Napabuntong hininga nalang ako at walang ganang kinuha ang isang plastik na ginanggang sa loob ng aking bag para sa nilalang na nasa harapan ko ngayon.

"Pasalamat ka, naalala ko..." wika ko.

Muntik ko na kasi 'tong makalimutan kaninang umaga, buti nalang talaga naalala ko.

Ibibigay ko na sana 'to sakanya kaso mabilis niya itong hinablot sa aking kamay at dali-daling tumakbo palayo.

"THANKIEEE KRYSTAL!" sigaw niya at kaagad na pumasok sa room.

Napangiti nalang ako sakanyang ginawa saka pumasok na rin sa room. Pagkapasok ko, napansin kong wala pa ang grupong 5Qs sa loob kaya medyo nakahinga ako ng maluwag ngunit-

BUMUNGAD NANAMAN SA 'KIN ANG MGA MONKEY BUSINESS NILA!

Syempre nandito nanaman sila mga mareng manikyurista, mga ateng tagpag-ayos ng buhok, mga pareng adik sa games, at isang nilalang na kumakain ng letchon-

LETCHON?!

Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita si Jared kumakain nanaman ng letchon.

MUKHANG ALMUSAL NIYA TALAGA 'YAN ARAW-ARAW AH! WAW!

Kaagad nalaglag ang panga ko nang makita kong kinagat niya ang balat ng letchon. Napaka lutong nito tas ang pula pa.

S-sarap niyan... m-matagal-tagal na akong hindi nakakain niyan... basta sarap niyan... lutong niyan...

Bigla namang napatingin si Jared sa aking kinatatayuan kaya awtomatiko akong umiwas ng tingin at tumalikod sakanya ngunit-

"S-stephen?"

Nagulat ako nang makita ang seryosong mukha ni Stephen sa aking likuran. Mag-isa lang siyang nakatayo dito at tinitignan pa ako ng nakakamatay na tingin.

Sa totoo lang, siya lang ata ang napaka seryoso sa groupo nila Giovanni.

Nakakakilabot...

"P-pasensya na, h-hind kit-"

Hindi ko natapos ang aking sasabihin nang may bigla siyang inabot sa 'kin. Kaagad akong nagtaka kung ano 'yun kaya napatingin ako sa aking kamay ngunit nanlaki ang mga mata ko sa nakita.

"S-SAMPUNG L-LIBO?!" gulat kong tanong sakanya habang tinitignan ang sampung libo sa aking kamay na inabot niya sa 'kin.

"It's for the grilled bananas I ate." seryosong tugon niya.

Rikion HighWhere stories live. Discover now