Chapter 19: New Student
Krystal's Point Of View
Malakas paring nagtatawanan sila Justine, Stephen, Alexander, at Andrei sakanilang mga upuan samantalang si Giovanni ay tahimik lang nakaupo sa kanyang silya sa may bandang likuran.
Hindi pa rin sila tumitigil...
Ilang oras na pala ang nakalipas nung nangyari ang aksidenteng nakurot ko ang betlog ni Giovanni pero nakokonsensya pa rin ako at mukhang hindi ako makakatulog mamaya dahil sa konsensya
Hindi ko naman kasi sinadya kurutin betlog niya eh...
Kasalanan ko bang sumunod siya sa 'kin sa cr?! Hmp!
Tinignan ko ulit si Giovanni para sana kausapin siya kaso nakatingin ito sa bintana at mukhang ayaw makipag-usap sa kanino mang tao.
M-mukhang hindi muna natin siya lapitan...
P-para siyang mangangagat ng tao sa itsura niya. D-delikads...
"Bat mo naman kasi 'yun ginawa? And in the first place, what were you two doing in the ladies' comfort room together?" napatingin ako sa aking tabi nang magsalita si Levi.
Nakatingin siya sa 'kin at mukhang hinihintay ang aking sagot kaya humarap ako sakanya saka ngumuso.
"Iehh sinundan niya ako sa cr eh tas 'di ko talaga sinadya 'yun," tugon ko.
Ano kaya ang gagawin ko? Parang kasi akong mamamatay sa konsensya eh.
Kaagad akong napatingin nila Justine nang magsimula na silang humihiga sa sahig dahil sa kakatawa. Kanina pa sila diyan at mukhang walang balak na tumigil sa pang-aasar kay Giovanni.
"BWAHAHAHA MAMAMATAY NA RAW!"
"KINUROT SI PRONY HAHAHAHA!"
"HAHAHA GAGO YOKO NA!"
"INA NIYO 'DI KO NA 'TO KAYA! HAHAHAHA!"
Wala naman naging reaksyon si Giovanni sa mga sinasabi nila at nakatingin lang talaga sa bintana.
Mukhang iniisip niya mga kasalanan niya sa buhay ah...
Mabuti nalang talaga na lumabas si ma'am kanina kaya 'di niya nakita ang pagsigaw, taranta, at paghingi ko ng tulong sa room kanina.
NAKAKAHIYA!
PINAGTITIGNAN PA NILA AKONG LAHAT!
Napabuntong hininga nalang ako at dumukdok sa aking mesa.
Umagang kay daming ganap...
Una, 'yung muntik na 'kong mahuli nila Jenny na isa akong free student, pangalawa 'yung binato ko ng sapatos si Giovanni, at pangtatlo 'yung kurot betlog sa cr.
Kailan kaya ako makakapag-aral ng matiwasay? 'Yung tahimik lang talaga at walang mga problema ang bumabangga sa 'kin?
Mukhang paborito ako ng malas ah...
Kaagad akong napaiktad sa gulat nang biglang sumulpot sa aking harapan ang nakangising mukha ni Adrian.
"Ginagawa niyo pala sa cr?" nakangising tanong niya.
Jusmeh.
Sinamaan ko agad siya ng tingin at napatingin sa bintana, "Eyseseses, apaka dumi ng mga utak niyo. Aksidente nga lang 'yun, 'di na 'ko magpapaliwanag." tugon ko habang hindi siya tinitignan.
YOU ARE READING
Rikion High
Novela JuvenilRikion High, A school that is known as the richest and expensive school in the entire world. Some people envy the students who study here, some people wants to enter here, dreaming that someday they will also be a student in this school, but little...