Chapter 8

16 4 0
                                    

Chapter 8: Behind That Photo

Krystal's Point Of View

Pagkapasok ko palang sa room-

Wewss, ayan nanaman sila sa monkey business nila.

Syempre nandito nanaman 'yung mga masahista, manikyurista, massage chair at iba pa na nakita ko kahapon.

Kung ano 'yung ginagawa nila kahapon, 'yan din ang ginagawa nila ngayon.

Kompleto silang lahat at busy sa mga ginagawa nila.

Hindi na ako magugulat, monkey business nila 'to tuwing umaga.

Napabuntong hininga nalang ako at lumapit na sa gitna para sana umupo sa aking upuan nang biglang-

"Miss germs, kunin mo bag ko,"

At syempre, hindi rin mawawala ang utos ng mga timang.

Dahan-dahan akong lumingon kay Alexander habang pinipigilang sumabog sa inis.

Sino naman kasi ang hindi maiinis eh kakarating ko lang sa room may utos na kaagad?!

Nakita ko siyang nakaupo sa kanyang mesa at naka-dekwatro pa. Nang nagtagpo ang mata naming dalawa ay bigla siyang ngumiti sa akin na nang-aasar.

Mas lalo pa akong nainis nang ginawa niya 'yun at naramdaman nalang na parang umabot na dugo ko sa aking utak.

Ikalma lang dugo natin Krystal...

Kalma lang...

Umaga pa, dapat hindi tayo maiistress kaagad...

Nakita ko rin pala na nakatingin silang lima sa 'kin kaya nakaramdam ako ng kaba bigla.

Yung mga tingin nila sa 'kin,

parang may binabalak.

Lalong lalo't na 'yung tingin ni Giovanni.

"S-saan 'yung bag mo?" tanong ko naman kay Alexander at pilit na ngumiti. Bigla siyang tumingin sa bintana saka tinuro 'yon kaya sinunod ko at-

ANAK NG-

Laking gulat ko nang makita ang bag niyang nakasabit sa mataas na bintana.

AT PAANO NAMAN NAPADPAD BAG NIYA SA BINTANA?!

SINADYA BA NIYANG ISABIT DIYAN PARA PAHIRAPAN AKO?!

Kaagad ko siyang sinamaan ng tingin pero mas lalo lang lumawak ang pang-aasar na ngiti niya.

"Kunin mo 'yan miss germs, may kukunin akong pen diyan."

Bwiset.

Tumingin ako ulit sa bintana at napaisip nalang kung kelan ako kukunin ni Lord.

Sobrang taas ng bintana teh! Paano ko 'yan kukunin ha?!

Mag-mamagic? Pababain? Lilipad?!

Napanganga nalang ako habang iniisip kung ano ang gagawin ko para makuha 'yan pero sandali akong natigilan sa pag-iisip nang marinig ko silang lima nagtawanan.

Sinadya nga nilang isabit diyan...

Sinamaan ko kaagad sila ng tingin pero mas lalo lang sila natawa. Kahit na gustong-gusto ko silang batukan isa-isa, pinakalma ko nalang ang sarili ko at inisip na huwag silang patulan dahil plano lang nila 'to.

Oo, alam ko naman nung simula pa na sinasadya nila akong inisin sa mga utos nila para ako'y mapagod, magalit, magsawa, at umalis.

Pero kahit ano pa ang gagawin nila, hinding-hindi nila ako mapaalis.

Rikion HighWhere stories live. Discover now