Chapter 21: Susi
Krystal's Point Of View
Wala akong gana naglalakad papauwi sa bahay namin ngayon. Sobrang sakit ng buong katawan ko na gusto ko nang humiga sa sahig.
Gusto ko nang matulog...
Napapikit nalang ako ng aking mga mata at hinilot hilot ang sariling sentido.
KASALANAN KASI 'TO NG MGA BADI-BADI NI KUNEHO EH!
NANG DAHIL SA MGA LINTIK NA UTOS NILA KANINA, PARANG BABAGSAK NA ANG KATAWAN KO NGAYON!
- Mga utos nila kanina-
'Miss Germs! Linisin mo nga 'yung sapatos ko!'
'Can you clean my car also? Hehe.'
'Buy me soda, gusto ko galing sa mall.'
'Ligpit my things miss germs.'
'Miss germs, bring my bag now.'
- End -
Napakuyom ako agad ng kamao nang maalala nanaman ulit ang mga utos nila sa 'kin kanina.
NAK NG- KUNG MAKA UTOS WAGAS!
LALONG LALO'T NA 'YUNG BWISET NA ALEXANDER NA 'YUN! KUNG MAKA-UTOS PARANG WALANG BUKAS!
PARANG NAG TIMES TWO ANG MGA UTOS NIYA AT MAHIHIRAP PA NGA!
KET WALA 'YUNG BWISET NA LIDER NILA, BWISET NAMAN ANG MGA BADI-BADI NIYA!
Pero teka, bat kaya abset si Kuneho ngayon?
HUWAG MONG SABIHIN HINDI NA SIYA MAKAKALAKAD DAHIL SA BETLOG NIYA?!
Pero wala namang binanggit sila Andrei tungkol ni Giovanni ah. Mukhang alam siguro nila kung bat siya absen-
Ay pake ko ba?! Mabuti nga na absent 'yon dahil wala na 'yung bwiset na mukha niya pero-
BWISET NAMAN 'YUNG MGA BADI-BADI NIYA!
HAYS!
Sandali akong natigilan nang mapansin pinagtitignan na pala ako ng mga tao sa paligid at pinagbubulungan.
Loh? Ano mero-
Kaagad nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong kanina ko pa palang agresibong tinatapakan ang mga bato sa daan dahil sa sobrang inis.
"Okay lang ba 'yan?"
"Nababaliw na ata."
"Diba anak 'yan ni Kervy?"
ANAK NG-
NAKAKAHIYA!
Awtomatiko akong napatakip sa aking mukha at tumakbo na nang mabilis sa aming bahay.
Nang makarati na 'ko, dali-dali kong binuksan ang aking bag saka hinanap ang susi sa pinto ngunit habang hinahanap ko ito, kaagad akong natigilan nang mapansin na bahagyang nakabukas pala ito.
Teka lang...
Bat nakabukas ang pinto?
Sigurado naman akong ni-lock ko ang pinto bago ako pumasok sa school ah.
Hindi namang pwede nandito na si kuya dahil mamayang gabi pa 'yun uuwi galing sa trabaho niya...
Bigla akong binalot ng matinding kaba at pagtakaka. Hindi ako nakagalaw sa aking kinatatayuan at parang naistatuwa lang.
YOU ARE READING
Rikion High
Teen FictionRikion High, A school that is known as the richest and expensive school in the entire world. Some people envy the students who study here, some people wants to enter here, dreaming that someday they will also be a student in this school, but little...